OMTF 8: Walking The CAT Walk

29 1 0
                                        

OMTF 8: Walking The CAT Walk

Cat's POV (Play the song on the side, thank you!)

Nandito ako ngayon sa Studio at I'm dancing my heart out! Dapat singing my heart out yun pero since naman na I don't sing, dancing na lang. Hahahaha, trying hard ba? Well, medyo lang. Hindi pa naman kasi ako ganung kagaling kasi nga, parang kahihilig ko pa lang dito.

At nasa part na ako na magti- twirl dapat ako ng biglang...

"ARAY!!" sigaw ko at namilipit sa sakit. May pasok na ngayon at unluckily, may klase lahat ng estudyante

TToTT

Ansaket! Shemay! Kung kelan naman wala akong kasama doon pa ako makakarma? Ang malas ko! Impit lang akong umiiyak ng may maramdaman akong tumabi sa akin at inabutan ako ng panyo.

"Ang mga magagandang babae, hindi dapat umiiyak, eto, magpunas ka muna ng luha mo bago kita tulungan" sabi ng katabi ko. Boses lalaki at commonsense lalaki ito! At ang bango infairness! Pero, hindi pa ako ganong kadesperada para sa tulong niya kaya tinitigan ko lang ang panyo niya.

"Kunin mo na, hindi naman nangangagat itong panyo ko eh, ako lang" sabay ng kanyang manly laugh. Pero napatigil din siya ng mapansing niyang wala akong planong kunin ang panyo niya.

"Kukunin mo ba o ako magpupunas sa mukha mo, magandang binibini? Mamili ka na. Alin sa dalawa?" eww, ang corny naman ni Kuya! 

"Ayoko, none of the above, malay kong meron palang germs yang panyo mo at hahawahan mo pa ako?" sabi ko. Maarte na kung maarte pero para narin safe noh? 

At yung lalaki, hindi ako pinansin. Tinaas niya mukha ko para mapunasan niya ang mukha ko. Doon ko lang napansin na isang Maxximus Richard Park pala ang nasa harapan ko. Iiiiihhhhh! Ang ultimate crush ko

:">

At pinupunasan niya ang luha ko. Noong naging tuyo na ulit ang mukha ko, umupo ulit siya pero nakatalikod na sa akin. Ay? Tinago ang mukha?

"Sakay na, dadalhin na kita sa clinic" sabi niya at nilingon niya ako at nginitian. Ewan ko ba pero napasakay niya agad ako. Syempre, kapag si crush na ang pinag- uusapan, go lang ng go! Di ba girls? *taas baba ng kilay*

Habang buhat buhat niya ako, napapadaan kami sa mga classroom at doon ko lang napansin na wala na palang mga estudyante sa room? Ay?

"Umm, bakit wala ng mga estudyante?" tanong ko. Kasi hindi naman ako magkakamali, wala pang 5 sa orasan doon sa Gym!

"Ah, early dismissal daw kasi, kanina pang 4:30" sagot niya. Hmm! Ang bango ng hininga niya! Mint! At hindi rin naman nagtagal eh narating na namin ang clinic. Napansin naming wala namang bantay kaya iniupo muna niya ako sa isang parang higaan doon, hospital bed ata ang tawag? Basta yun.

Kumuha muna siya ng upuan at umupo siya malapit sa higaan ko. Tinitigan niya ako at nginitian. Shemay! Makalaglag underwear ang smile niya! Bakit kasi nakalimutan kong maglagay ng garte? Yan tuloy, nalaglag na! Haha, syempre joke lang yun!

"Patingin naman ng paa mo, pwede ba?" tumango naman ako at hinawakan niya ang paa ko. Unti unti niyang tinaas at

"ARAY!" ansaket talaga! Bakit kasi nagkamali pa ako ng position sa pag- ikot eh?

"Na- twist mo yung muscle mo, ano ba kasing ginagawa mo sa Gym?" tanong niya habang nakatingin pa rin sa paa ko.

"A-ahh, dance rehersal lang" napatingin siya sa akin ng nagtataka

"Nang mag- isa?" tanong niya. Ay hindi! Dalawa kaya kami doon! Gusto ko siyang sagutin kaso baka ma- turn off sa akin, kaya wag na lang.

"Ah, oo. Hindi kasi pwede partner ko, absent" sagot ko. Totoo naman eh! Kainis! Bakit kasi nilagnat pa? Eh as I know, naghahanap lang ng boylet yun. Yup, bakla ang partner ko.

Tumango naman siya at tumayo na. At umalis. Ay? Iniwanan ako? Pero bumalik rin naman agad siya na may dalang mga churva things at lumapit ulit sa akin. May kung ano anong miracle ang ginawa niya sa paa ko at sa kanya lang nakatuon ang attention ko kaya hindi ko namalayang tapos na pala siya.

"Ayan! Okay ka na! Nga pala, hindi pa ako nagpapakilala. Ako nga pala si Maxximus Richard Park, call me Maxx. And you are?" I know you already! Bakit hindi mo ako kilala? I'm your future wife! Hahahaha, chos!

"Ah, I'm Catherine Hilary Stinson, call me Cat" sabi ko. Hahaha, nginitian lang niya ako kaya ginantihan ko rin siya ng ngiti. Bigla namang may pumasok na babae. Yung nurse!

"M-mr. Park! And M-ms. Stinson! Ano pong maitutulong ko?" tanong noong nurse at teka, parang bakit pang malandi yung boses niya? At kelan pa naglugay ang nurse na yan? At kelan pa naging sobrang iksi ng palda niya?

"Hhmm, I think, I am here---" naputol ang sasabihin ni Maxx ng mabitawan ng nurse ang pen niya. Bale, nasa likod kasi yung kamay niyang may hawak ng pen at nahulog ang pen sa likuran niya. 

Tumalikod ang nurse at kinuha ang pen niya. Habang kinukuha niya lalong tumaas ang palda niya at konti na lang, makikitaan na siya!

"Because of you" napatingin ako kay Maxx, ano? Napansin kong nakatingin siya sa may butt ng nurse. At ewan ko, sadyang hinampas pa nung nurse yung ass niya bago tumayo.

"Me?" nagpanggap pa ang nurse na nagulat pero masyadong halatang inaakit niya si Maxx. Bigla namang nag ring ang phone ni Maxx at kinindatan muna ang nurse bago nag signla na wait lang at lumabas siya. So naiwan ako kasama ang nurse na inaayos ang dibdib niya. Nuse ba talaga ito? What to do? Alam ko na! Tatarayan ko na lang ang nurse pero bago pa man ako makapagsalita, may nauna na sa akin

"EHEM, siguro naman yung NURSE, trabaho niyang ALAGAAN ang NAINJURE hindi ang MANLANDI ng STUDENT na halos DOBLE ang bata sa kanya" napatingin ako sa nasa pintuan. Doon nakasandal ang nagsalita at ang mata niya ay tila walang emosyon.

Doon lang natauhan ang nurse at napatingin sa nasa likuran niya. Nawalan ng kulay ang mukha niya. Napangiti naman ako sa itsura nung nurse. Ang epic!

"Get out now! Alam mo bang sobrang allergic ako sa mga malalandi?" natakot naman ang nurse at nagmadaling lumabas. Biglang lumapit sa akin ang nagsalita kanina.

"Bakit iniwan ka ata nung MAXX na iyon" she asked, emphasizing Maxx' name.

"A-ah..." hindi ako makasagot.

"Hahahaha, remember, player ang natapat sa iyo, wag tanga Cat" sabi niya sabay bigay ng folder sa akin at umalis na. Biglang nawala ang kulay sa mukha ko, tulad nung nurse. 

Yeah, I know na player si Maxx, kaya crush ko siya eh, sweet siya pero magchi- cheat siya mismo sa harapan mo, tulad ng ginawa niya kanina. Nga pala, sa kanya ako naassign. Siya ang mission ko, kaya nga nagulat ako nung siya pa ang napunta sa akin, dahil simula pa lang, talo na ako kasi nga, ultimate crush ko siya

OPERATION: Make Them FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon