OMTF 9: Britt The Cold One
Britt's POV
d-_-b
.
.
.
====================
Bea's POV
Em sorry. Cold nga pala si Britt kaya walang pakialam, hahaha. Anyway, ako na magkukwento
Nasa bahay nila ngayon si Britt at kasalukuyang nakahiga sa kama at nakikinig sa music. Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto niya at sa isang kisap mata, may tumamang blade sa pader sa gilid ng taong pumasok. Saktong sa manggas pa ng long sleeve na polo ng lalaki.
Nanlalaki ang mata ng lalaki at biglang tumayo si Britt sa pagkakahiga. Pero napalitan lang rin ng mapilyong ngiti ang natatakot na mukha ng lalaki. May nilabas na blade ang lalaki at initsa sa switch ng ilaw. Namatay ang ilaw sa kwarto ni Britt.
Habang nakapatay ang ilaw, kinuha na iyong tsansa ng lalaki upang tanggalin ang blade na nakakabit sa sleeve ng polo niya. Samantalang si Britt, wala lang na umupo sa kama niya ulit at pinikit ang mata. Humakbang ang lalaki papalapit kay Britt na may dalang dagger. Unti unti niyang kinakapa ang paligid upang malaman kung papunta nga ba siya sa direksyon ng kama.
Pero nakakailang hakbang pa laman siya ng makaramdam siya ng pagdampi ng malamig na bakal sa pisngi niya at nakaramdam na lang siya ng likido doon. Napahawak siya sa pisngi at doon lang niya napagtantong dugo pala iyon! At ang tumama sa kanya ay isang blade.
Nakapikit pa rin si Britt at pinakikiramdaman ang paligid. Isa siya sa iilang tao na may rare na kakayanan na nakakaramdam sa paligid due to sound and wave points, kasama na ang mga paggalaw na dulot ng motion ng nasa paligid niya.
Naramdaman niya ang pagtigil ng lalaki sa may gilid niya at walang alinlangang naglabas ng 5 blade at ipinaulan sa lalaki. Nakaramdam na lang siya ng pagkalampag ng isang bagay. May pinindot siya button sa tabi ng kama niya, isang speaker
"Please repair my light switch here, I think it's broken" sabi niya sa speaker at ilang segundo lang ay gumana na ulit ang ilaw at doon niya nakita ang lalaki na nakadikit sa pader niya na nakatusok ang mga blade sa damit ng lalaki. Tig isa sa dalawang manggas, tig isa sa magkabilang binti at isa sa ilalim ng zipper niya.
"You've already developed your skill, couz" sabi ng lalaki na may kasamang mapilyong ngiti. Nairita naman si Britt kaya kumuha ulit siya ng blade at initsa, at saktong sa gilid ng tenga ng lalaki. Napangiwi ang lalaki dahil sa bigla. Muntik na siya dun!
Bigla namang nag- ring ang phone niya at doon niya nakita na si Ai lang pala yun. Dinecline niya ang tawag at may kinuha muna, ang phone niya at wallet at biglang lumabas ng kwarto at iniwan ang lalaking nakadikit pa rin sa pader.
"Uhh, couz! Help! Uggh! Anyone, help!" nagsisigaw lang ang lalaki kasi hindi siya makawala. Pero naalala niya, soundproof nga pala ang kwarto ng pinsan niya kaya nanahimik na lang siya doon at hinintay ang pagbabalik ng pinsan niya.
====================
Nakasimpleng 3/4 lang si Britt na kulay black ang white, paldang 1 inch about the knee at simpleng black converse shoes na lumabas ng mansion nila. Nakasuot sa kanya ang earphone at sumakay na sa kotse niyang Lambhorgini, ang favorite car niya. Pumunta siya sa isang bar, Typhoon Bar ang sign na nakalagay doon at pumasok siya. Agad namang nakaagaw siya ng pansin.
Hindi niya pinansin ang mga matang nakatingin sa kanya at tumuloy sa pinaka stool ng bar kung nasaan ang bartender.
"One tequila shot" sabi ni Britt. She saw the bartender guy winked at her before getting her drink. Britt just rolled her eyes heavenwards and look around the bar. Hmm, hindi naman siya yung mga common na bar na merong mga nagwawala. Classy lang ang dating niya at hindi yung tipong may nag aaway na sa dancefloor. Yung parang medyo wild lang at hindi yung intense.
![](https://img.wattpad.com/cover/10934274-288-k291602.jpg)