OMTF 10: The Best Of Ai

38 1 1
                                        

OMTF 10: The Best Of Ai

Ai's POV

"Strawberry Frappe? No, no, no, no, no. I'll take mocha frappe" sabi ko sa isa naming muchacha.

"S-sure na po ba kayo Ma'am?" what did she call me?

"What did you call me? Ma'am? Tss, no, ayoko na pala ng mocha frappe, gusto ko na lang na lumayas ka na dito, yun lang, thank you" sabay ngiti ko at umirap. Kakainis siya, like duh! Hindi ako Ma'am, what am I ba? A teacher? 

Tumayo na lang ako sa gilid ng pool at nag- ayos. I think I'd like to go shopping, pero bago pa man ako makalabas ng bahay, may mga lalaking humarang sa harapan ko, like they are super laki!

"Miss Ai, please get your things and leave this mansion, we'll escort you to your new house" sabi ni Mr. Huge 1 na ikinataas ng kilay ko.

"Pardon me? But are you out of you freakin' mind?" I asked. Ayokong mag cuss, like eww, those are boy stuffs. Mag wa walk out na sana ako ng bigla nila akong hitakin papasok sa isang van. Pero bago pa ako makapasok, I kick the guy in his private part and started running. Dala ko naman ang aking precious wallet and expensive phone kaya I can live naman eh.

Tumuloy na lang ako sa isang ice cream shop. Yah, I know I'm a lil' bit of maldita, okay, I'm pure maldita pero meron pa naman akong weakness. I know it's kind of childish pero I just freakin' love ice creams!

Pagkapasok ko, agad tumambad sa akin ang isang babaeng mahilig din sa ice cream na hindi mo naman mapapansin kasi nga, hindi halata, pero nagkakasundo naman kami dulot ng ice cream!

"Britt Unnie~!" bati ko sa kanya. Kahit naman nasa sulok siya ng pinakasulok ng room na ito, mapapansin pa rin siya, paano ba naman kasi, sobrang puti! Hahahaha, I wonder, kung idikit ko kaya siya sa pader na kulay puti, kita pa kaya siya? Sabagay, pinkish cheeks kasi kaya halatang tao eh, hahaha.

Tinitigan lang ako niya ako. Sabi ko nga, si Britt ito. Hahaha, alam kong wala akong galang, kapag tinatawag ko lang siya kaya ako nagkakagalang, wahahaha! Teka nga, kanina pa ako tawa ng tawa sa POV. Sige na, titigil na.

Tumabi muna ako sa kanya at niyakap siya. Pilit naman siyang kumakawala, at parang nandidiri pa. Ang arte niya ah! Parang si Cat! Pero hayaan na!

"Unnie----" naputol ang sasabihin ko sana kasi binatukan ako!

TToTT

"Stop calling me 'unnie' or else, I'll rip your vocal chord out, without any professional tools" she said seriously, at nakakatakot. Kaya tumayo na muna ako.

"A-ahh, buy lang me ng ice cream, Un--- Britt. Hehehe" sabi ko sabay dali daling nagpunta doon sa counter. Hindi naman nagtagal ang order ko kasi isang banana split lang naman ang inorder ko. And it doesn't cost that much, mga 250 pesos lang.

Dala dala ko ang ice cream ko doon sa table namin ni Britt. Patuloy pa rin siya sa pag inom sa frappe niya, yup hindi lang basta basta ang ice cream shop na ito, medyo may pagka sweet shop siya na medyo may pagka coffee shop. I just sat across her, kung baga, magkatapat lang kami.

"Umm, Britt, umaano ka dito?" tanong ko bago ko kinain ang ice cream. Yum! Ang sarap pala ng ice cream na ito. Bago lang kasi ang ice cream shop na ito. Panandalian namang tumigil sa pag inom si Britt at pinunasan ang labi niya.

"Pinalayas ako sa bahay eh" sabi niya. Napatigil ako sa pagkain ng ice cream. So, hindi lang pala ako yung pinaalis?

"Eh? Pareho pala tayo, so saan ka na ngayon titira?" tanong ko at pinagpatuloy ang pagkain. As far as I know, hindi lang basta basta mapapalayas sa bahay nila si Britt, kasi mas mauuna ka pa niyang mapapalayas. Eh sa brutal ba naman ng babaeng ito?

"Sa lilipatan kong condo. I mean, sa lilipatan naming condo" sabi niya. Teka, may kasama siya? Eh di ba, loner tong isang----

"Kasama ko si Ell" sabi niya at ininom agad ang frappe niya at tumayo na. Hindi pa niya nakakalahati ang iniinom niya ng umalis na siya. Kanina pa kasi siya nakatingin sa may counter. Napatingin ako sa mga nasa counter, at 

OMO!

Sila Kuya Quiel! Kaya pala, iniiwasan niya kasi yung lalaking yun. Hahaha, alam kong bad na kung bad pero meron kasi silang dark past--- Teka, ayoko na ngang magkwento! Si Britt na lang!

Kaya inubos ko na yung banana split ko at tumayo na rin. Nagmadali akong lumabas pero ang tadhana nga naman! Biglang may bumunggo sa akin! Take note, BUMUNGGO! Hindi ko binunggo! Ano ako? Tanga?

At natapon sa akin ang dala dala niyang banana split! Bwiset! Tadhana, bakit ang lupit mo? Talagang yung ice cream pa na kanina ko lang natapos kainin ang natapon sa akin? Napatingin ako sa nagtapon sa akin at handa na siyang sigawan

"ANO BA----" napatigil ako sa pagsigaw and the next thing I knew, naka-smirk na yung nakatapon sa akin ng banana split

"Alam ko namang gwapo ako eh, pero hey, you're drooling, dear" sabi niya at nilabas pa ang panyo niya. Pero imbes na ibigay sa akin, pinunasan lang niya at isang patak ng ice cream sa damit niya?!?

"Damn! My shirt, it's ruin!" sabi niya. Pero ang mas ikinainis ko pa ay, nginisihan niya ako at the hell?!

"AAAAHHHHHH!!!!" tili ko. Paano ba naman kasi, kumuha pa ng ice cream at tinapon pa sa mukha ko!

"Hahaha, ayan, you look pretty!" sabay tawa niya ulit! Bwiset siya! Bad trip pa naman ako!

"Uggh! You stupid douchebag! Uggh!" inis kong sabi at nagmadaling umalis sa ice cream shop na yun. Nakakainis na siya ah! Sobra na eh, hindi naman sa pikon ako pero, nakaramdam ako ng pagpatak ng luha ko. Pinunasan ko agad, di ba hindi naman luha to? Di ba laway lang ito? Tama, laway lang ito! Hah!

Pero nakakainis ka talaga Kean Paul Hwang!

====================

Kean's POV

"Lagot ka pare, sobra ata yung nagawa mo" pangongonsensya ni Father Nathan! Pero hindi nga? Aiish! Hindi, okay lang yun, di ba?

"Pare, kung ako sa iyo, sundan mo, hangga't may time ka" sabi ni Quiel. Napatingin ako sa kanya, ang seryoso, pero bakit yung tono ng boses niya? Malungkot?

"Tae! Quiel, bakla ka ba?" tanong ko. Para naman maging okay na ulit ito. Paano ba naman kasi, nakita na naman si Britt? Pero nagkamali ako, ang init ngayon ng ulo ni Quiel na umabot sa puntong sinuntok niya ako.

"T@ng In@ naman, pare! Alam mo bang nagsisisi ako na pinakawalan ko siya? Tapos ikaw naman! Imbes na suyuin, sinasaktan mo pa! Pare, si Britt, dati ang lapit lapit lang niya, pero ngayon ano na? Ang layo na niya!" sabi ni Quiel tapos hinitak na siya ni Nathan para hindi na ako sugudin.

"Quiel Pare! Saan ka pupunta?" pero hindi na niya sinagot si Nathan. Nagmadali na lang siya sa paglabas at sumakay sa kotse niya. Nakaupo ako sa sahig at hawak ang labi ko. May dugo? Napatawa na lang ako ng mapait.

"Kean, sobra ka naman kasi, intindihan mo na lang si Quiel, he is facing his hard time now" sabi ni Nathan at tinayo na rin ako at tinapik sa balikat. Teka, bakit lumaki ata ang issue? Eh kanina, tungkol lang sa pagkapikon ni Ai, tapos napunta sa nararamdaman ni Quiel? Yung totoo? 

Pero hindi nga, sumobra na ba ako dun? Eh, di ba yun talaga ang ginagawa ng mga lalaki sa mga gusto nila? Yung iinisin nila tapos mapapansin sila? Eh ako, sobra na akong napapansin to the point na nasaktan ko na siya?

OPERATION: Make Them FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon