[FIVE]
Seulgi's POV
Nice! May pa 'I'll get you' pa siyang nalalaman, may girlfriend na pala siya. Hindi sa nag eexpect ako pero nakakainis lang eh. He has a girlfriend kaya dapat umakto syang may girlfriend.
"AHHHHHHHH" I shouted in frustration.
"Mam? May kailangan kayo?"tanong ng maid namin.
"Nothing. Lalabas muna ako. Lalanghap muna ako ng sariwang hangin."
Agad akong lumabas ng bahay namin. Di naman delikado sa labas kasi nasa subdivision namin kami eh. Bantay sarado ito ng mga guard. Nag stay muna ako sa labas ng ilang minuti bago napagdesisyunang bumalik sa loob. Pero bago ako makapasok sa gate namin ay may biglang nagsalita sa likuran ko...
"I missed you."
That voice. That husky voice has the same effect on me. Kilalang kilala ko kung kanino galing ang boses na yun. Sa di ko malaman na kadahilanan ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
No Seulgi! Stop it pls, stop it!
"I missed you so much, my dumb"
Napapikit nalang ako ng tawagin niya ako sa pangalang iyon. Di ko pa din siya nilingon. I'm afraid that I might do something wrong if i'll face him.
Sinubukan kong maglakad papasok pero nagsalita ulit siya.
"Sige Seulgi, umalis ka. Talikuran mo ko. Diyan ka naman magaling diba? Ang galing mong mang-iwan."he said.
I was caught off guard that's why I faced him. I tried to act normal, as in very normal.
"What do you want?"
"You. Alam mong ikaw ang kailangan ko."
"Kai! Di pa ba maliwanag sayo na tapos na tayo? Matagal na. Kailangan ko pa bang sabihin paulit-ulit na wala ng tayo. Tapos na tayo. Di na kita mahal, yan ba ang gusto mong marinig?"
"I need an explanation."mahinahon niyang saad.
"What?"
"Gusto kong malaman ang rason mo kung bakit mo ko iniwan? For pete's sake Seulgi, ilang taon akong nababaliw sa kakaisip ng dahilan mo kung bakit mo ako iniwan. May mali ba? May nagawa ba akong masama?"irita niyang tanong.
"Wala."sagot ko.
"Kung wala eh bakit? Siguro naman you owe me an explanation. Seulgi I also deserve to hear your explanation"Kai.
"You don't need to hear my explanation."
"FUCK!!! SEULGI I WANT TO HEAR YOUR EXPLANATION. I FUCKING NEED IT. MABABALIW AKO SA KAKAISIP."sigaw niya.
"NAPAGOD AKO!"sagot ko sa kanya.
"Ano?"
Kinuyom ko ang kamao ko para pigilan ang pagpatak ng luha ko pero walang epekto pa din. Umiyak pa din ako. "Narinig mo na. Napagod ako."
"Napagod sa ano?"
"Napagod ako sa set-up natin. Napagod ako na sa condo mo lang umiikot ang mundo ko. Napagod ako na ipaglaban ang pagmamahalan natin at higit sa lahat, napagod akong mahalin ka."
"Napagod kang mahalin ako?"
Dahan-dahan akong tumango.
"Liar. Seulgi you said you won't get tired of loving me. Nasaan na yung sinabi mo dati? Kinain mo lang ba?"aniya.
BINABASA MO ANG
Only For You [FYIW 2]
Teen Fiction[For You I Will Book 2] 3 years have passed since Seulgi choose to leave and broke Kai. She found a new love with Jimin. She forced herself that she moved on and she's happy with what she has right now. Until she came back to Philippines, there she...