Seulgi's POV
"ANO?!?!"
"Anong ibig niyong sabihing nawawala sina Wendy?"sigaw ni Joy.
"Maam, yun na nga po eh. Kagabi pa po di umuuwi si Mam Wendy tas nung tinatawagan po namin di sumasagot. Nag-alala na po kami."tugon ng katulong nila Wendy.
"Alam na ba ito ni DO?"tanong ni Yeri.
Lumingo-lingo naman si Manang.
Habang busy kami sa pagtawag ng kung sinong maaaring may alam kung nasaan si Wendy ay biglang may nagdoorbell sa bahay nila.
"I'll just open the door baka si Wendy na yun."sabi ko.
Agad ko itong binuksan at humungad sakin ang EXO na halatang nag-aalala.
"Anong gi---?"agad namang pinutol ni Sehun ang sasabihin ko.
"Nandito ba si DO?"tanong ni Sehun.
"Wait, nawawala din si DO?"tanong ko.
"Anong nawawala din? Sino pang nawawala?"Suho.
"Kagabi pa nawawala si Wendy. Di namin siya macontact."saad ko.
"Si DO at Wendy nawawala?!"Xiumin
"Alam na pre. Inuna honeymoon."sabi ni Chen at sinuko naman siya ni Tao
"Pumasok muna kayo."sabi ko saka dumiretso sa sala.
"Anong ginagawa niyo dito?"tanong ni Joy.
"Nawawala din si DO. Kagabi pa namin di macontact. Akala namin nandito pero wala pala."Luhan.
Biglang ngumisi si Yeri. "Wait, nawawala sina DO at Wendy. Since last night pa. Hindi kaya..."
"Stop it Yeri. Di ito ang oras ng pagbibiro."saway ni Irene sa kanya.
"Im sorry naisip ko lang kasi na baka... baka inuna nila ang honeymoon"ani ni Yeri.
"Exactly! The best ka talaga Yeri. Oh diba? Parehos kami ng iniisip."Chen.
"Whatever, Chen."Kris.
"Why don't we just look for them instead of just staying here? Hanapin natin sila isa-isa. Malay natin may masamang nangyari na sa kanila."sabi ni Baekhyun.
"Malay din natin nakashoot na si DO."binatukan naman ni Kai si Chen.
"Chen, stop. Masasaktan na talaga kita."sabi naman ni Luhan.
"Sorry. I was just trying to make the atmosphere lighter. Sobrang stress niyo na kasi. Oh well, ako pa ang mapapasama. Let's go. Hanapin na natin ang dalawang love birds."sabi ni Chen at nauna pang kumabas sa bahay nila Wendy.
Agad naming nakita ang apat na sasakyan sa labas. Sumakay naman agad ang iba sa mga sasakyang ito. Sa unang sasakyan ay si Kris ang magmamaneho kasama niya sina Suho, Joy, Yeri at Irene. Sa pangalawa naman ay si Sehun ang magmamaneho kasama sina Luhan, Baekhyun, Chen, Chanyeol. Sa pangatlong sasakyan naman sina Lay, Xiumin, Tao.
"Walang sasama sakin?"tanong ni Kai. Ang sasakyan niya lang kasi ang bakante. Agad namang napatingin silang lahat sa akin.
"Nandiyan si Seulgi. Siya ang sasakay sayo."sabi ni Lay.
Pambihira ka naman Seulgi eh. Antagal mo kasing maglakad, edi sana kasama mo sina Irene sa iisang sasakyan. Edi sana di ka sasama sa sasakyan ni Kai.
"Yeah. I'm here. Sa kotse mo ako sasakay" like i have any choice.
Habang nasa biyahe kami ay sobrang tahimik. Mabuti nalang at may music atleast di talaga ganun katahimik.
"Sa tingin mo, nasaan sila DO ngayon?"sa wakas, may nagsalita na din.
BINABASA MO ANG
Only For You [FYIW 2]
Teen Fiction[For You I Will Book 2] 3 years have passed since Seulgi choose to leave and broke Kai. She found a new love with Jimin. She forced herself that she moved on and she's happy with what she has right now. Until she came back to Philippines, there she...