fifteen

122 8 4
                                    

Seulgi's POV

"Good morning!"bati sakin ni Joy nang makababa ako sa hagdanan. Aba sobrang saya niya ata sa araw na ito.

Nandito na naman sila sa bahay ko. Ilang araw na silang dito nakatambay. Ewan ko ba siguro ay takot sila sa kung ano ang gagawin ko. Nakakahiya na nga eh kasi alam kong busy sila pero nandito sila at binabantayan ako. Kaya kahit ayaw ko pa ay naisipan ko nang lumabas ng kwarto ko. Para na din hindi ako hassle sa kanila.

"Morning."tipid kong sagot, wala pa din akong ganang makipag usap ngayon.

"Are you ready?"Irene asked.

Tinaasan ko siya ng kilay. What is she talking about? Anong ready? Para saan?

"Di mo pa alam?"saad ni Wendy saka binalingan si Joy. "You didn't tell her?"

"Uhmmm---"pinutol ko ang sasabihin ni Joy.

"Ano bang pinagsasabi niyo?"naguguluhan kong tanong.

Tumayo si Yeri at tinabihan ako. "Ito kasing si Joy may plano for you. Pero nagtataka ako why she didn't tell you."

What plan? Ayan na naman tayo sa mga plano ni Joy. Tsk tsk tsk!

"I was about to tell her today. Surprise kung baga pero inunahan niyo ako eh."nakapout na sabi ni Joy samin.

May kinuha si Joy sa bag niya at inilapag ito sa may table. Isa itong sobre. Kinuha ko iyon at binuksan. Tumambad sakin ang isang plane ticket...plane ticket to Balesin. Teka anong gagawin ko sa Balesin? Bakit may ticket ako papunta dun?

"Ano ito?"

"Plane ticket."ani ni Joy.

Tch. Pilosopo talaga kahit kailan.

"Alam ko. Pero para saan to? Bakit may ganito? Are you leaving to Balesin? Pinayagan ka ba ng OB mo?"

"Gaga! Hindi ako. Ikaw! Ikaw ang pupunta sa Balesin."tugon ni Joy na ikinagulat ko.

"Oh My! Why?! Di ko naman sinabi na gusto kong pumunta sa Balesin ah. I'll just stay here."

"Ano ka ba Seulgi... you need sometime alone. Yung hindi ka lang dito sa bahay. You also need to enjoy. Kung hindi ka mag eenjoy dito sa Manila kasi alam mong anytime pwede mong makita ang dalawa. Pwes, magbakasyon ka sa ibang lugar. Atsaka maganda naman sa Balesin, diba?"saad ni Yeri at inakbayan ako.

"No!"matigas kong sabi. I won't leave.

Hindi ko naman kailangang umalis para makapag move on eh. Hindi naman lugar ang kailangan para makalimot kundi oras. I need time. Hindi ko kailangang pumunta sa Balesin. Hindi doon...

"Seulgi isipin mo din naman ang sarili mo. Kita mo na nga yang itsura mo parang pasan mo problema ng lahat ng tao. We can promise that we are always here for you pero Seulgi kailangan mo din tulungan ang sarili mo. You cant stay like that forever. Magsaya ka. Humanap ka ng para sayo. Yung hindi ka na masasaktan." pati si Wendy ay sang-ayon dito.

"Seulgi please... kahit para sa effort ko. Pumila pa talaga ako para diyan. Kahit ang init, pumila ako para sayo. Kahit galit itong si baby sa sinapupunan ko pinaglaban ko pa rin yan. Sige sa Seulgi."pakikiusap ni Joy sakin. Wow, hindi ko naman siya pinilit at inutusan ah.

Nakakakonsenisya naman itong si Joy. Bakit pumila pa siya eh pwede namang sa online siya nagpabook?

"Seulgi... do this for yourself."seryosong sabi ni Irene.

Siguro tama sila. I need a rest. I need a vacation. I need new environment. Mas mabuti na din ito kesa sa araw araw akong magmukmok sa bahay.

"Okay fine!"

"YES!!!"sabay nilang sabi. Tuwang tuwa lang guys?

"Anong oras ba flight ko?"tanong ko sa kanila.

"1PM. Pero kailangan na nating umalis kaagad. Baka matraffic pa tayo. Kaya go! Pack your things. Im sure mag-eenjoy ka roon!"nakangiting sabi ni Yeri.

Nagpapasalamat talaga ako at biniyayaan ako ng Diyos ng mga kaibigang tulad nila. Kahit malaki yung atraso ko noon dahil sa pag-alis ng walang paalam hindi sila nagalit sakin. Kahit matagal kaming di nagkasama nandun pa din ang closeness namin sa isat-isa.

"Ano ba iyang iniimpake mo JOY!"napasigaw nalang ako sa inis.

Paano ba naman puro short shorts inimpake niya para sakin. May mga bikinis pa talaga. Tas crop top. At see-through night gown. Para naman akong pupunta ng honeymoon.

"Ano ka ba Seul! Summer ngayon kaya dapat mga ganito suotin mo. Atsaka beach doon kaya dapat sexy ka. Baka mahanap mo na yung para sayo doon."pangangatwiran niya.

"Pupunta ako dun hindi para maghanap ng iba o sumubok ng relasyon ulit. Pupunta ako doon para makamove on at magsayang mag-isa. Gets?"

Inirapan ako ni Joy at nagpatuloy pa din sa pag-iimpake. "Whatever."

Sana tama nga itong desisyon ko. Sana makalimutan ko man lang ang sakit kahit saglit. Tama rin naman siguro na sarili ko naman ang isipin ko. Kaligayahan ko naman ang unahin ko.

Inihatid ako nila Joy sa may aiport. Ang dami pa nilang binilin sakin. Para tuloy silang parents na hinahatid ang kanilang anak sa first day of school.

"Pag naligo ka dun wag mo kalimutang maglagay ng sunblock. Baka umitim ka."sabi ni Yeri.

"Seulgi kumain ko dun ng marami. Wag magpapagutom."Wendy.

"Mag-iingat ko dun palagi. Tawagan mo kami if ever may kailangan ka." Irene

"Mag enjoy ka lang dun Seulgi. Im sure pagbalik mo rito masayang masaya ka na."sabi naman ni Joy.

Napayakap nalang ako sa kanila. Hay grabe! Ang swerte ko talaga dahil may kaibigan akong tulad nila. Simula pa noon ang laki na nang naitulong nila sakin. Paano nalang kaya pag wala sila?

Di nagtagal ay pumasok na ako sa loob ng departure area. Kinawayan ko muna sila bago tuluyang pumasok sa loob. Kumaway din sila pagbalik at nagthumbs up.

Pinapangako kung sa pagbabalik ko rito sa Manila ay mawawala na ang lahag ng sakit na dala ko. Baka nga siguro walang nakatadhana sakin sa kanilang dalawa. Pero hahayaan ko nalang iyon. Iisipin ko na isang magandang bagay na nakilala ko sina Kai at Jimin. Kahit hindi man nagkaroon ng magandang wakas ang storya namin, masaya ako at naging bahagi sila ng aking buhay. At kahit kailanman hindi ko ito malilimutan.

——
Third Person's POV

Nang makapasok na sa departure area si Seulgi ay biglang nagring ang cellphone ni Joy at agad naman niya itong sinagot

"Hello?"

"Oo. Napapayag na namin siya. Ang toroo ay papunta na siya riyan."

"Nagawa na namin ang part namin ah. Diskarte mo na iyan. Goodluck. Bye!"

---
[A/N]

Hmmmm... sino kaya ang kausap ni Joy? hihihi vote and comment yall!

-madamedamin

Only For You [FYIW 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon