sixteen

93 4 2
                                    

After a year I guess...nalapag update na rin. Sorry at sobrang natagalan. I love you!!!!

— — — -

Seulgi's POV

Sariwang hangin. Maaliwalas na paligid. Malayo sa problema. Siguro rito ko na matatagpuan ang kapayapaan na gusto ko. Yung malayo sa sakit na dala-dala ko araw-araw. Yung malayo kina Kai at Jimin. Hindi ko na kaya if magi-stay pa ako ng matagal malapit sa kanila. Both of them broke my heart and I don't want them to continue ruining my life.

I want space from them. I hope I could find it in this place.

"This is your room Ms. Kang."sabi sakin ng babae na naatasan sa hotel na kung saan ako magi-stay. Nginitian ko siya saka nagtuloy sa pagpasok ng kwarto ko.

Iginaya ko ang aking mga mata sa buong paligid. May terrace ito kung saan kita ang beach sa may di kalayuan. Agad akong nagtungo roon at tinanaw ang dagat at ang payapang alon nito. I want to swim...that's what my mind thinks but considering my heart, memories from the past suddenly flashed. Noong vacation namin dito years ago. Noong isa pa akong Kim. Noong masaya pa kami at di komplikado ang mga bagay. Yung panahon na maari lang alalahanin ngunit hindi na pwedeng balikan.

Kung sakali bang magkapatid talaga kami ni Kai, siguro payapa ang buhay ko ngayon. Kung hindi ko nakilala si Jimin, siguro hindi ako makakasakit ng tao. Kung sakaling di ko minahal si Kai, marahil hindi ako masasaktan ng ganito.

Habang nagmumuni-muni ako ay biglang tumunog ang cellphone ko. Pambihira talaga tong si Joy.

"What?"sabi ko nang sinagot ko ang tawag niya.

"Nakarating ka na diyan?"she asked.

I sighed. "Yup."

"Kumusta? Okay lang ba diyan? Payapa ba? Makakapag-isip ka ba ng mabuti riyan? Nagkita na ba kayo?"

Saglit akong natigilan ng marinig ko ang huling sinabi niya. Nagkita na kami? Nino?

"Wait. Nagkita? Sino ang nakita ko?"naguguluhan kong tanong.

"Of course ang receiptionist. Naku, Seulgi ah. Sino ba yang nasa isip mo? Akala ko ba you'll clear your mind there. Don't tell---"

"Joy stop. Akala ko lang sino. Wala akong iniisip dito. I am fine here. Mamaya nalang tayo mag-usap. Medyo pagod pa ako sa biyahe, I need to sleep."di ko na hinintay na sumagot siya at binabaan ko nalang siya agad ng tawag. Pumasok muna ako sa loob ng kwarto at doon na humiga. I'm too tired.

Love... the most dangerous thing in this world. Pwede kang pasayahin, pakiligin pero pwede ka ring paiyakin at higit sa lahat pwede kang durugin. Love will never always be all about happiness, it also carries pain and suffer. Marahil pinasaya ako ng pag-ibig pero kaakibat nun ay ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Jimin didn't do anything bad to me. Ang tanging mali niya lang ay nagmahal sa isang taong di pa tapos magmahal ng iba and that is me. Sa maniwala siya o sa hindi, I loved him. Not just as a friend pero minahal ko talaga siya bilang isang lalaki. It's just that my love for Kai is greater. Ganun naman talaga, you can't stop loving someone. Siguro makakita ka ng taong mamahalin mo ng sobra o higit pa pero yung pagmamahal mo sa past mo ay hindi mawawala. Sadyang natabunan lang ng pagmamahal mo sa kasalukuyan.

Pero sa case namin hindi ganun ang nangyari. Siguro pwede niyong sabihin na rebound si Jimin pero ang totoo hindi. He isn't just a rebound. He is my love, too bad my love for him is not as great as my love for Kai. Sadyang mali lang talaga ang panahon nang pagmamahalan namin. I was too unfair to him. He deserves better.

Sa sobrang dami ng iniisip ko hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako ng biglang may nagtext sakin.

"Enjoy :) "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Only For You [FYIW 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon