two

104 7 1
                                    

Follow me on twitter : @madamedaminWP

---

[TWO]

Seulgi's POV

"We're back again. Nakabalik din tayo sa bahay nato."pahayag ni Liz.

Nasa Pilipinas na kami ngayon. Kakarating lang namin galing sa mahabang biyahe. Nang matanggap ko yung invitation mula kina Wendy ay nagdesisyon agad akong umuwi. Syempre, hindi ko kayang di pagbigyan ang kainigan ko. It's her wedding and I need to be there.

"I'll just go to my room, Liz. Medyo masakit ang ulo ko eh. Jetlag ata."tumango si Liz saka ako dumiretso sa kwarto ko.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ay bumungad sakin ang litrato sa may gilid ng kama ko.

Napatawad na kaya niya ako? Masaya na kaya siya ngayon? Nakalimutan na kaya niya ako?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Napatawad na kaya niya ako?
Masaya na kaya siya ngayon?
Nakalimutan na kaya niya ako?

Kinuha ko ang picture frame saka tinignan.

"Hinding hindi ko pinagsisisihan ang lahat, Kai."

I meant what I said. Hindi ko pinagsisihan na minahal siya at mas lalong di ko pinagsisihan na iniwan siya. Nang makapunta ako sa US, lagi akong iniinform ni mommy sa lagay ni Kai. May kakilala siyang inutusan niya para sundan si Kai. Nalaman ko nalang na bumalik na sa dati ang kompanya nila. Tinupad ni daddy ang pangako niya na hahayaan niyang mabuhay ng payapa si Kai. Kahit masakit sa akin ang mahalaga ay maayos na siya.

Nginitian ko ang larawan saka ito nilagay sa loob ng drawer. Masaya na ako sa buhay ko ngayon. I let him go at paninindigan ko iyon habang buhay.

I was about to take a nap when my phone rang. It's from Jimin. ( )

"Hello?"

("Nasa bahay na kayo ngayon?")

"Yup. Kakarating lang namin. Miss na nga agad kita."

("Naks! Kinikilig ako, love. Miss na din kita.")

"Gabi na diyan ah. Why are you not yet sleeping? Diba sabi ko huwag magpupuyat and dont overworked yourself. Go sleep!"

("Yes, mam. Patapos na din tong gunagawa ko. Don't worry about my Seulgi. I can take care of myself. Just enjoy there.")

"I wish you're here."

("Susunod ako, remember? I just need to finish everything tas susunod na agad ako. Ayaw ko namang iwanan lang ang mga trabaho ko sito. I won't miss Wendy's wedding. I promised.")

"Sige na, mahal pa ang long distance. Mag-iingat ka diyan palagi ah. Don't forget to rest. I love you."

("I love you too.")

Then the call ended.

Everything is fine now, I hope it won't get complicated.

***

"Your wedding will be next month. I'm a month earlier you know. Kaya huwag ka ng magtampo."saad ko.

"Paano ako magtatampo? Kung hindi pa ako ikakasal malamang hindi ka pa din uuwi. Ni hindi ka nga nagpaalam samin ng maayos eh. You just left us with a letter. Tas hindi kapa nakikipagcommunicate samin. You rarely reply to our emails. Nakakatampo ka talaga."sabi naman ni Wendy. Halata talagang nagtatampo ito sa olaf.

"Kalimutan nalang natin iyon Wendy. I'm already here. I'm back. Kaya please huwag ka ng magtampo. Pangit kaya kapag ang bride ay nagtatampo sa maid of honor niya."

"...and besides I have my reason."

"Yes you have reasons to leave but you have more reasons to stay. Don't you want to ask if how is he doing?" I know who she's talking about pero pinilit ko pa ding ipakitang di ko alam kung sino ang tinutukoy niya.

"Hindi mo man lang ba itatanong si Kai?"ulit ni Wendy.

Saglit akong natahimik sa sinabi ni Wendy.

Kailangan ko pa bang malaman lahat? I already know that he's fine and it's enough. But it wouldn't be such a big deal to ask about him.

"Kumusta siya?"ayun, nasabi ko din.

"Sabi ko na nga ba itatanong mo din siya eh. After you left super nagbago na si Kai. He don't drink but that time he's always drunk. Tulog, inom yun lang ang ginagawa niya. Nagkukulong siya sa kwarto niya. He doesn't want to talk to all of us maski parents niya. Lagi niyang hawak hawak ang picture mo at lagi siyang umiiyak. He's worst that time Seulgi. We gave him space kasi hiningi niya. Wala kaming naging balita sa kanya for two months..."kwento niya.

"Pero after nun nabalitaan nalang namin na unti-unti na siyang bumangon. Bumalik siya sa kompanya nila. Bumalik siya sa barkada. Bumalik yung dating Kai bago mo iniwan."

"Galit din ba kayo sakin?"nag aalinlangan kong tanong.

"To tell you honestly Seulgi, yes. Yes. Were mad at you that time. Lalo na si DO. How could you leave without even saying goodbye. Galit ang exo sayo dahil iniwan mo si Kai at ikaw ang naging dahilan ng pagiging miserable niya. Irene tried to understand you but she couldn't. Akala namin iniwan mo siya ng walang dahilan. Na iniwan mo lang siya dahil sa takot mo sa parents mo. We thought you're just tired of loving him. But we are wrong."Wendy.

"Nalaman namin kay Tita Kyla na hiningi niya sayo na iwan si Kai para sa ikakabuti nito. So inexpect namin na dahil sa utang na loob mo sa parents ni Kai, sinunod mo ang hiling ni Tita Kyla. Dun narealize namin na walang kwenta ang galit at tampo namin sayo. Kaya Seulgi, were very sorry. I'm sorry kung nagalit agad kami sayo ng hindi man lang inaalam ang tunay na nangyari. Higit isang taon din kaming nagalit sayo."dagdag pa niya.

"It's fine Wendy. I'm fine now. Masaya lang ako na napatawad niyo ako. I didn't mean it, I promise. I just didn't have any choice. Alam ba ni Kai ang rason?"

She shooked her head. "Hiningi ni Tita Kyla na sya nalang ang mag explain kay Kai. Pero sa pagkakaalam ko hindi pa nya ito nasasabi hanggang ngayon. Siguro natatakot lang siya na baka magalit si Kai sa kanya."

Habang busy ako sa paginom ng latte ko ay pansin ko ang pagiging atupag ni Wendy sa phone niya. Palagi din siyang may tinitignan sa labas ng cafe. Parang may hinihintay ata siya.

"Uhm---Wendy, may hinihintay ba tayo?"

"Actually me---"

"Were here. Pasensya na medyo natagalan kami, sobrang bagal kasing kumilos nito si---Kai."

Only For You [FYIW 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon