nine

99 7 2
                                    

[NINE]

Kai's POV

Mas lalong lumalalim ang gabi napag-isipan naming gumawa ng isang bonfire sa kalapitan.

"Kai... hindi ba tayo nagiging makasarili nito?"tanong ni Seulgi na yakap-yakap ko ngayon.

Kanina nung hinalikan ko siya, kahit di pa niya sabihin alam ko na ang nararamdaman niya para sakin. Alam kong mahal niya parin ako hanggang ngayon.

"Makasarili na kung makasarili Seulgi. Ang mahalaga sakin yung kasiyahan nating dalawa. Sigurado akong maiintindihan din nila tayo."

"Inaantok na ako."she said.

"Matulog ka na, dito lang ako. Babantayan kita magdamag."

Sa gabing yun, di ako dinalaw ng kahit anong antok. Una, dahil gusto ko siyang bantayan at pangalawa dahil masaya ako. Masayang-masaya ako na nayayakap ko ulit siya. Na babalik na kami sa dati. Sana tuloy tuloy na ito.

***

"Seulgi."tawag ko sa pangalan niya.

"Hm?"

"Sana hindi nila tayo makita noh?"

Bigla naman niya akong hinampas.

"Sira ka talaga! Anong gusto mo? Dito lang tayo habang buhay?"aniya

Tumango ako. "Natatakot kasi ako."

"Bakit naman?"

"Baka pagbalik natin dun, bumalik na naman tayo sa dati. Baka iwan mo na naman ako. Baka malulungkot na naman ako."

"Kai...hindi tayo mabubuhay ng masaya kung puro baka nalang ang iniisip natin."ani ni Seulgi.

Magsasalita pa sana ako ng bigla kaming makarinig ng mga yabag mula sa may di kalayuan.

"May tao! Humingi tayo ng tulong."galak na sabi ni Seulgi.

"KAI! SEULGI!!! ANDITO NA KAMI!"rinig naming sigaw mula sa may di kalayuan.

"Sina Irene!"sagot ko. Nagmadali kaming pumunta sa may lugar kung saan kami nakarinig ng mga yabag at tawag mula sa mga kaibigan namin.

"SEULGI!"agad akong nanigas sa aking kinatatayuan ng makita kung sino ang tumawag ng pangalan niya. Nagbalik na siya.

Agad siyang tumakbo papalapit kay Seulgi saka niyakap ito ng mahigpit.

"Thank God walang nangyaring masama sayo. I miss you so much"he said then kissed Seulgi's head.

Nilapitan naman ako nila Chen saka tinapik ang balikat ko.

"Masaya kami at walang nangyaring masama sa inyo." Chen.

"By the way, nasa bahay na sila Wendy. Naglayas lang pala ang dalawa dahil medyo nagkaroon ng problema sa pagpaplano ng kasal. Nakisali kasi parents nila kaya ayun."sabi naman ni Kris pero imbes na lingunin siya ay nanatili akong nakatingin kina Seulgi. Alalang alala talaga si Jimin sa kanya. I wish I can hug her again this time now that Jimin's finally here.

***
"Inom tayo guys! Libre ko to' wag kayong mag-alala."

"Himala nanlibre si Kai. Aba! Di namin yan tatanggihan. Minsan na nga lang kaya lulubusin na namin."Baekhyun

Only For You [FYIW 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon