"Wahhh! Bilisan nyo na po, MA!" Kinatok katok ko ang pintuan ng CR namin. Ito kasing si mama kulang nalang pakasalan tong banyo. Eh, natatae na talaga ako. >_<"Wait lang, nag to-towel pa ako." Sabi ni Mama mula sa CR.
"MAAA! Bilis bilis na po! Natatae na ako." Sambit ko habang hawak hawak ang pwet para hindi muna muexit.
"Teka lang. One minute." Sabi ni Mama.
"MAAA! Mama naman eh! Masyado lang excited tong etats ko at gusto ng lumabas!" Pasintabi lang po sa kumakain :))
"Natatae na ako ma. Bahala ka na nga po! Sige, dito ko na to ipuputok ngayon.." Sabi ko at nakatayo pa rin ako sa harap ng pinto.
"Nako wag! Nakakadiri ka naman Kikay!"
"O ito na." Lumabas na si Mama.
Yey! \^=^/
Matapos kong sagutin ang tawag ng kalikasan ay naghugas n ako ng kamay saka lumbas ng CR.
"O, successful ba?" Bungad na tanong ni Mama.
"Stup up." Inirapan ko si Mama.
"Oy, wag kang ganyan sa mama mo ah." ani Mama.
"Nakakainis ka kasi ma. Natatae na ako, parang relax na relax ka pa sa loob samatalang ako kulang nalang tumakbo ako patungo dun sa damuhan." Reklamo ko.
"Nako halika na at magmomovie marathon na tayo. Bilis." ala dala na ni Mama ang ginawa niyang popcorn saka nagmadaling umupo sa sofa ng sala. Umupo na rin ako sa tabi ni Mama.
Kukuha na sana ako ng popcorn.
"Ops, teka. Nagsabon ka ba?" Tanong ni mama.
"Grabe ka ma." sinamaan ko ng tingin sa Mama.
"O ito alcohol." Ibinigay ni mama sakin ang alcohol.
"Ang arte." Sambit ko at naglagay na ng alcohol sa kamay saka kumuha na ng popcorn.
Kami lang dalawa ni Mama kasi nung binuntis ako ni Mama ay hindi ako pinagutan ng papa ko kaya i started to hate boys kase naaalala ko si papa sa kanila pero mej lang naman.
Btw, I'm Keisha Jeanne Perez. 16 years old.
Nabored ako sa pinapanood ni mama'ng walang ka kwenta kwentang love story ayoko pa naman sa mga ganun. Nung maubos na ang popcorn ay bumabas ako para makipagchikahan kina Nika at Tin.
CHIKADORA ALERT!
"Mga beh, may meteor shower daw mamaya. Manood tayo." Balita ni Anika.
"Weh, di nga? Baka gawa gawa mo na naman yan." Sabi ni Tin.
Nandito pala kami ngayon sa harap ng tindahan nakaupo sa upuan sa magkabilang gilid nito.
"Magtigil nga kayo. Ingay niyo eh." Reklamo ko.
"Teka, may dala nga pala akong biskit, para kay Kikay lang." Inirapan ni Nika si Tin at inabot sakin ang biskit.
"Busog pa ako eh." pag tangi ko.
"Akin nalang." Hinablot ni Tin ang pagkain.
"Hoy! Para kay Kikay yan." Sabi ni Nika.
"Ayaw niya daw eh, masamang tangihan ang blessing." Sabi ni Tin at kinain yung biskit.
"Hinablot mo ang blessing, gaga!. Maka sabi na tinangi parang siya yung binigyan. Hmp!" -Nika.
"Hayaan mo na Nika." Sabi ko.
Sila yung mga kaibigan ko dito sa baryo namin sina Anika at Christine. Madalas talagang nag aaway yan pero staying strong pa rin naman kami kahit ganon. Summer pa kasi at 1 month pa bago ang pasukan kaya medyo naboboringan na ako at gusto ko nang pumasok sa kalse -_-
"Haayyss."
Ang boring ng buhay ko nitong mga nakaraan, sana may mangyaring something exciting para naman magkaroon ng kulay tong buhay ko.
Malalim na ang gabi at hindi pa rin ako nakakatulog. Nakakainis naman to. Feeling ko inaantok ako pero feeler lang pala ako. -_-#
Hmm.. Ano kayang pedeng gawin para antokin? Teka, may meteor shower daw sabi ni Nika kanina.
Binuksan ko ang bintana at dumungaw dun saka hinintay ang meteor shower. Inaantok na ako kakahintay pero ilang minuto lang may isang malaking bulalakaw ang nahulog.
"wow. " untas ko dahil big and bright yung bulalakaw na yun at ngayon pa ako na nakakita ng ganun.
*boogsh*
May nahulog. O.O
Nagtaka ako kung bakit may something na maliwanag dun sa katabing lote namin sa likod.
Myghad! Ano kaya yun? *_*
Lumabas ako ng bahay at sumilip dun. May something na maliwanag na maliwanag. Pumasok ako sa maliit na butas dun sa skrin na harang. Kadalasan kasi dito kami nagtatago ni na Nika may ginalit kaming kapit bahay :)).
Lumusong ako kahit na madaming damo at medyo madilim pero dahil sa maliwanag na dala nung something ay lumiwanag ng kunti.
Lumapit ako dun sa maliwanag at nakita ang isang parang battle spaceship na medyo may kalakihan. Bumukas ito at lumabas ang isang nilalang. Hindi ko alam kung anong nilalang siya pero nakikita ko ang isang lalaki?
Tao naman yung hulma ng katawan niya nakasuot siya ng parang pang fighting outfit na spacesuit. Madilim kasi kaya wala akong mukhang nakikita.
Omygash. Pano kung nangangain ang Alien na to parang sa mga movies. >•<
Paika ika siyang naglakad at biglang natumba. Pataay! Anong gagawin ko? Tutulungan ko ba sya?
Ano na? Ano na? Isip isip kikay. Isip!
Nilapitan ko yung lalaki. At tiningnan kung buhay pa ba ito.
Taong tao nga ang hitsura niya parang kaedad ko lang. Marami siyang pasa at sugat sa mga braso at malaking sugat sa paa.
Astronaut kaya ito? Pero hindi naman mukhang rocket ship tung sinasakyan niya at hindi rin mukhang UFO gaya ng nasa mga karaniwang pinikula para itong advance na advance na sasakyan ng air force.
Chaka bes! ^_+
"Hoy, alien. Buhay ka pa ba?" Tanong ko at niyug yug siya. Medyo bumukas ng mata nito pero tuluyan na ring pumikit.
Tao naman ata 'to. Tutulungan ko nalang siya.
~
YOU ARE READING
Bawal maFall [ON HOLD]
Teen FictionNot your typical love story :))) Better read, vote and be a fan ;D