Chapter 7

399 12 2
                                    

"Ha? Asawa mo siya?!" Sabay pa ang dalwa.

"Oo. Asawa ko siya, nagtalik nga kami kagabie eh." Sarkastikong sabi ko.

"What?! San mo yan biningwit beh?" Sabay na naman ang dalwang uto uto.

"Naniwala naman? Mga gaga." Inag untog ko ang dalwa.

"Aray naman." Sambit pa nila.

"Mag promise kayo na wag na wag nyong sasabihin ito kahit kanino." -Ako.

"Na mag asawa kayo." -Tin.

"Aish! Leche. Sapakin kita jan eh. Wag ka na nga munang uminterap." -Me.

"Si Lexo-" hindi ako nakapagpatuloy ng biglang nagsalita si Nika. Bwiset talaga ang isang to. Kakasabi ko lang eh -_-

"Sabi ko nga ba eh, may Lexo kang binanggit." -Nika. Sinamaan naman namin ni Tin siya ng tingin.

"Stup up ka nga muna Nika." Sita ni Tin.

"Oo na." -Nika.

"Si Lexo ay galing sa taas." I'm sure manghuhula na naman tong dalawang to -_-

"Isa syang Anghel?" -sila.

"San banda sa 'wag munang umintirap' ang di niyo na iintindihan? Ha?" -Ako.

"Sorry naman. Sige gora bells na." -Nika.

"Nung isang gabi may nakita akong bulalakaw." Tumango tango pa ang dalawa.

"At si Lexo ang laman non."

"So ibig sabihin.."

"Isa siyang Alien?!" -Tin at Nika. Agad ko namang tinakpan ang bunga nga ng dalawa.

"Hinaan niyo nga boses niyo baka marinig kayo eh." Sabi ko.

"So, ano nang plano mo?" Tanong ni Tin.

"Ewan. Nasira kasi sasakyan niya kaya ayan. Kailangan niya munang mag stay dito for 5 years." - ako.

"Sasakyan niya yung bulalakaw?" -nika.

"Tanga ka ba Nika? Alangan namang tae nya yung bulalakaw." Sakastikong sabi ni Tin.

"Shut up." Sabi ni Nika kay Tin.

"Maya na nga yang away nyo. Dahil ususera kayong dalawa, damay na kayo sa problema ko." Sabi ko.

"Talaga bang alien yan? Eh bakit parang mukhang tao?" Tanong ni Tin.

"Oo nga eh, tao yung itsura niya pero may katangian pa rin syang alien. Tsaka, alien language lang alam niyan kaya hindi natin siya maiintindiha kung wala yang relo na nagtatranslate." -ako.

"Oo nga eh. Kaya pala kakaiba yung pinagsasabi niya dun sa relo." -Nika.

"Kala ko, abno siya eh." -Tin.

"Ang plano muna natin ngayon ay samahan habang nandito pa siya sa earth." -ako.

"Ay! Gusto ko yan." -nika

"Landi mo bes." -tin.

"Sino namang hindi aatakihin ng landi kung ganyan ka gwapo ang sasamahan natin." -nika.

"Ikaw lang naman ang nakakarelate niyan kahit pangit nga eh, pareha lang din reaksyon mo." -tin.

"Ngayong araw nato, ipapasyan natin siya. Igno kasi yan sa mga bagay dito sa earth." -ako.

"O sige. I pasyal na muna natin siya." -tin.

"Um, Lexo. Mamamasyal muna tayo, ok?" Sabi ko sa kanya at tumango naman siya.

"Pero para hindi tayo mahalata, hindi muna natin gagamitin ang relo mo. Maweweirdohan mga tao satin pag ganun." Tumango lang uli siya.

"Masunurin naman pala yan." Bulong ni Tin.

"Type ko siya." -nika.

"Magtigil ka nga jan. Pede pause muna ang landi." -ako.

Lumabas na kami ng bahay at naglakad lakad sa kalye.

Ito namang si Lexo parang na aamaze sa lahat ng nakikita sa paligid.

Sa paglalakad namin.

"Ah, Lexo. May gusto ka bang kainin?" Tumingin ako sa likod kasi nakasunod lang siya samin. Pero paglingon ko walang Lexo dun.

"Lexo?" Tumingin tingin ako sa paligid.

"Omaygash? San na siya?." -nika.

"Pataay.. Asan na yun?" -tin.

"Tara hanapin natin." Hinanap na namin kung saan nagsususuot ang nilalang na yun.

"Ay! Ayun." Tumingin kami sa tinutukoy ni Nika.

"Eh, turo turo yan eh." -tin.

"Tanga, yung lalaki jan sa turo turo." - nika.

Agad naming pinuntahan dun si Lexo.

"Lexo. Anong ginagawa mo dito?" Tanong namin. Tunuro turo niya yung niluluto ni Manong.

"Ito lang pala gusto niyan eh. Nagpagud pa tayo."  Reklamo ni Tin.

"Ilan sa inyo?" Tanong ni manong.

"Tatlo nga po." Sagot ko at ayun binigyan kami ng tatlong barbeque.

"Nhamotgho?" Sabi ni Lexo at tinuro yung isaw.

Patay, nag alien language ang puteeek.

"Ano daw?" Tanong ni Manong.

"Uh, this? This is the intestine of the chicken. Yeah." Tiningnan naman kami ni Nika ng sabayan-nyo-ako-look.

"Um. yes." Dagdag ko.

Bumili kami nun ng isa saka lumakad na baka mahalata pa kami ni manong eh.

"The chicken intestine is yummy right?" -nika.

"Tapos na ang akting bes. Mukha kang tanga." -tin.

"Paki mo ba? I like chicken intestine." -nika.

"Chicken intestine ka dyan. In short isaw. Suus." -tin.

Habang naglalakad kami ay nakasalubong namin yung lalaking kapitbahay ko.

"Sino yang kasama niyo?" Tanong nito.

"Paki mo ba?" Sagot ko.

"Teka, damit ko yan ah. Tsaka, shorts ko yan."

Oh no.

~

Bawal maFall [ON HOLD]Where stories live. Discover now