A/N:
Dahil na inspire ako, ipagpapatuloy ko na ang isturya! Yey! Sorry po kung natagalan mwehe. Still, labyu❤
Gusto ko sanang mag change ng title. If my idea kayo, drop it down please. Ty :)
~
"Sumusulong ang kalaban. Lexo bantay mo si Lissa at ang Mama mo." Binilin ni papa saken si Lissa at agad kong hinawakan ang kamay ng nakababata kong kapatid.
"Lucas!" Tawag ni Mama na nagpahinto sa pagtakbo ni Papa at limingon samin.
"Mag-ingat ka." Sambit ni Mama.
"Mag-iingat ako." Agad nang tumakbo si papa at ng ibang kasamahan nya sa labanan.
Agad na kaming pumunta sa evaquation hall. Marami ng iba pang pamilya ang nagdaratingan sa hall.
"Wed, bantayan mo ang mga bata. Kailangan kong sumama sa medical team para matulungan sila." Rinig kong kina usap ni Mama si Kuya Wed, dito sya naka assign sa evaquation hall.
"O sege. Ako nang bahala dito."
"Kuya, anong nangyayari? San pupunta sina mama't papa." Tanong ni Lissa sakin.
"Kailangan nilang protektahan ang Mother Ship. Itong sinasakyan naten ngayon. Para mapanatiling ligtas ang mga taong nandito."
Muwang palang ako ay ito na ang buhay na kinagisnan ko. Lahat kami dito ay tinitrain upang maging space warrior, yung iba ginagawang medical warriors. Kinakalaban namin ang mga nilalang na nasa kalawakan para maprotektahan ang amin pamilya at ng aming teritoryo, ngunit ang higit sa lahat ay ang maprotektahan ang malaking bilog na kulay green at blue.
"Pa, anong meron jan sa malaking bilog na yan?" Tanong ko kay papa habang nakatingin sa malaking bilog.
"Yan ang tinatawag nilang Earth. Hindi ko alam kung meron jan pero kailangan nating protektahan yan." Sagot ni Papa sakin.
"Earth..." Bulong ko sa sarili.
Saktong paglingon ko naglabasan na ang mga kalaban.
"Pa. Andito na sila." Sambit ko at mahigpit na hinawakan ang manubela ng warrior ship ko.
"Handa ka na ba anak?" Tanong ni Papa at tumango naman ako.
Habang busy ako sa pakikipaglaban di ko namataang may kalaban pala sa likod ko at nagbuga ng laser furi.
"Nak!" Hinarang ni papa ang ship nya kaya sya ang tinamaan.
"Paaa!" Sigaw ko at bigla nalang nahulog ang sasakyan ko sa patungong dun sa malaking bilog na tinawag nilang earth.
"Paaaa!"
"Lexo.."
"Pa!" Agad akong napa bangon sa hinihigaan ako.
"Lexo. Okay ka lang?" Pambungad na tanong saken ni Kikay.
"Ako nanaginip." Sagot ko.
"Okay lang yan. Bumamaba ka na. Kakain na tayo." Sabi nya't tumayo na saka lumabas ng kwarto.
Pa.
Kikay's POV:
Hindi nagtagal ay pinayagan na ni Mama na manatili dito si Lexo. Yehey! At di rin nagtagal ay pasukan na.
Huhu i cry. Parang dati lang gusto kong mag balik skwela na ngunit ngayon, ayoko naaaa! Maiiwan si babe sa bahay. Charoot babe daw, itsurerang palaka si ateeeng.
"Ma, alis na ako. Hinihintay na ata sila Nika at Tin sa labas." Paalam ko.
"Hindi mo ba isasama si Lexo sa inyo?" Nagulat ako sa tanong ni mama kaya napatigil ako sa pagbukas ng pinto.

YOU ARE READING
Bawal maFall [ON HOLD]
Ficção AdolescenteNot your typical love story :))) Better read, vote and be a fan ;D