"Sir, nawawala ang warrior ship 710 sa labanan, maging ang pilot nitong si Warrior 310." Balita ng Cheif ng Warrior ships na si Hilter"Walang kwenta! Hanapin ito!" Utos ng Kapitang si Kinosuke
"P-pero kapitan. Wala na pong senyales ng ship na iyon. Hinanap na namin ito maging sa dulo ng kalawakan." Angil ni Hilter at hindi na alam kung san hahanapin ang ship na nawawala.
"Balitaan ng Cheif Comando sa Earth para hanapin ito. Bilisan mo." Mahinahong sambit nito kay Hilter.
~
"Lexo! Sama ka saken? Punta akong palengke." Paanyaya ko sa kanya.
"Oo, sama ako." Agad syang tumayo sa pagkakahiga nya sa sofa.
"Ma! Una na kami." Paalam ko at agad na pina andar ang motor.
"Lexo, sakay na." Sambit ko saka sinuot ang helmet.
"Kaya tayong dalawa nyan? Mukhang liit ng land ship nayan para saten." Kinamot kamot nya pa ang batuk nya. Ang kyut sana ni bae kaso, timang sya. Sorry bae :)
"Hindi land ship ang tawag dito. Motor. Tsaka ganun na ba ako ka taba para di tayo kayanin ng motor? -3-" sambit ko nagpa nguso nalang.
"Hehe ang kyut mo kikay pero marunong ba ikaw magmaneho ng landship na ito?" Tanong ng tanong hayst.
"Motor nga sabi. Sakay ka ba o hindi?"
"Eto na. Sasakay na." Sumakay sya humawak sa bewang ko.
Awieeee kakilig <3
"Suotin mo to." Lumingon ako sa kanya saka pinasuot yung helmet.
"Ano to?" Tanong nya at pinukpok pok-pok nya yung helmet.
"Helmet. Maya ka na tanong ng tanong. Lets go!" Nagmaneho na ako.
"Ingat anak!" Rinig kong sigaw ni mama.
"Kikaaaay. Ano ito? Baka tayo mahuhulog. Wala ba ito seatbelt?" Pasigaw na tanong nya, maingay kaya kailangan talagang sumigaw.
"Di tayo mahuhulog. Kapit ka lang bae. Tsaka walang seatbelt ang motor." Pasigaw rin na sagot ko.
"Andito na tayo." Dumating na kami sa palengke.
Bumaba agad si Lexo at sumuka sa isang gilid.
Huwaaaa? Mahihiluhin pala ang mga alien. My god.
"Lexo okay ka lang?" Tanong ko at hinimas ang likod nya.
"Ang bilis kasi iyo patako bo. Ako hilo na. *kwaaaa."
"Yii sorry na." Hinimas himas ko yung likod nya.
Parang di maipinta ang mukha nya ng maka pasok kami sa palengke.
"Welcome to.. *drum rolls* Palengke!" Shinake shake ko pa yung mga kamay ko.
"Tayo na. Mamalengke na tayo." Agad naman syang sumunod nang lumakad na ako.
Marami kaming pinamiling gulay at karne, nang mapadaan kami sa isadaan ay may nakita akong pusit.
Hmm.. Naalala ko tuloy yung kinuwento nya.
Hehehe. May maganda akong naisip.
Kumuha ako ng isang maliit na pusit.
"Um, Lexo may bibigay ako sayo." Mapilyo ko syang nginitian.
"Ano ba iyon?" Nilahad nya yung kamay nya saka ko nilagay yung pusit.
"Kalaban!" Nagtatalon sya at ang panget ng mukha nya. Nabitiwan nya yung pusit na binigay ko.
"HAHAHAHAHAHA." Tawa lng ako ng tawa. Jusko
"Kikay, di ako tuwa sayo ginawa." Binitiwan nya yung tatlong basket.
"Huy teka teka." Di ko na sya napigilan. Pinagpupulot ko yung mga nahulog sa kamatis galing sa basket saka ako tumayo.
"Manang isang kilo ng ng pusit."
Umuusok ang tenga ko na bumalik na bahay. Pati ilong ko uusok na rin.
Kinuha ba naman ni Lexo yung Landship, estey Motor?! Jusme, halos matanggal na yung mga kamay ko kakapasan ng tatlong basket.
"LEXOOOO!" sigaw ko nang maka abot ako ng bahay, nilagay ko ang basket sa kusina saka ako humiga sa sofa.
Ang init init pa naman, tsaka walang nag malasakit saking tumulong sa dala ko. T_T
I know the pusit was not a good idea -_-
"Kikay. Ang panget ng iyo mukha. HAHAHA." para syang chinese na di mapinta yung mukha kakatawa sa mukha ko.
Agad akong napa upo sa pagkakahiga ko sa sofa nang marinig syang magsalita saka ko sya hinarap nang may galit na mukha.
"Bwiset ka. Bat mo dinala ang land ship!?" Tanong ko.
"Ikaw kase, ikaw ako loko. Di kakatuwa." Sambit nya saka nag change yung mood saka pumasok sa kwarto nya.
Lakas maka change mood ah. Bipolar pala ng alien? Hayst.
Tumayo ako saka naglakad patungo sa kwarto nya at kumatok.
"Huy, Lexo. Sorry na. Naka ganti ka na o. Ako lahat nag pasan ng basket, sama sama mo." Reklamo ko sa harap ng pinto nya.
Bumukas ito at bumungad sakin ang mukha ni Lexo na naka ngiti.
"Okay lang. Sorry ikaw akin iwan sa palengke." Nakangiti pa rin sya pero medyo malungkot na yung ngiti nya.
"Okay lang. Mag ihaw tayo ng pusit?" Masayang sihestyon ko at ngumiti sa kanya.
"Hay.. Di kita masisisi, ikaw isang earthling kaya di mo alam anong ginagawa ng mga pusit sa itaas." Sambit nya matapos huminga ng malalim at ngumiti. Ginulo nya pa buhok ko.
Medyo magulo yung sinabi nya kaya medyo nag taka na rin ako. Ano ba kase meron sa mga pusit na yan sa space? Hmm..
"Ikaw wag nang magtaka. Tayo na, ihaw tayo ng pusit." Sabi nya't lumabas na sa kwarto at sinara ito.
Nakakabasa ng isipan ang mga alien? Ibang klase.
"Tara na." Binalewala ko nalang yung sinabi nya saka masiglang nag hop patungong kusina.
"Luto na ang pusit!" Masayang anunsyo ko at hinain na ang naluto namin ni Lexo.
"Wow. Galing ah. Masarap ba yan?" Sambit ni mama nang makabalik na sya galing sa pagtatanim nya ng rosas sa bakod namin.
"Opo naman Ma. Diba Lexo?" Binaling ko ang tingin ko kay Lexo na kasalukuyang sinapatay ang baga sa ihawan namin.
"Opo. Masarap yan. Si Ikay nag luto eh." Ang kyut kyut nya talaga pag naka ngiti.
"Kayo ha, nagsabwatan pa kayo." Sabi ni mama matapos nya mag hugas ng kamay at umupo na.
"Totoo naman po yun ma. Tikman nyo pa po." Angil ko saka nilagay ang cooking clip sa sync.
"To talaga, di na mabiro. Osya, halina kayo. Upo na't kakainin na natin tung niluto nyo."
Nagsimula na kaming kumain. Nagulat ako nang pagkagat ni Lexo sa pusit ay natigilan sya.
"Oh, pangit ba ng lasa?" Nag aalalang tanong ko.
Umiling sya. "An sarap. *0*" nagsparkle pa yung mata nya, sarap na sarap sya sa luto naming dalawa.
Aba't dapat lang, para maipagluto pa ko pa sila sa susunod haha.
~
Hope you enjoy! :D. Don't forget to drop yung comments mwehe. Vote vote vote and be a fan :)
~netfreakMeibel_

YOU ARE READING
Bawal maFall [ON HOLD]
JugendliteraturNot your typical love story :))) Better read, vote and be a fan ;D