Chapter 3

508 29 0
                                        

"Bumaba ka na jan!" Sabi ko at maya maya'y bumukas na ang pinto ng kwarto ko at lumabas siya.

Bahagya akong napatawa nang makita ang suot niya, iyan na kasi ang pinakamalaking shirt ko. May cupcake pa na print. Mukha siyang bakla.

Napakunot naman ang noo ko. "Teka, yung mga sugat mo."

Nagtaka ako kung bakit parang magaling na magaling na siya samantalang kagabi halos parang na magulay na.

"Madaling gumaling aking sugat." Sabi niya.

Hindi na rin nakapagtatakang Alien nga siya! Alien beh! -_-

Pinaupo ko siya sa table at hinanda ang pagkain.

Ginalaw galaw niya muna ang pagkain gamit ang kutsara. Para siyang nagtatak dun sa hitsura ng hinanda ko, na para bang nilagyan ko yun ng lason.

"Hindi ito nakakalason?" Tanong niya. Ayan na nga ba sinasabi ko, may lason lason nga -___-

"Ha? Hindi. Gulay yan.. gu-lay." Sabi ko at inemphasize yung gulay.

Para namang maiintindihan niya. Wala naman atang gulay sa outer space eh.

"Gu-lay?" Sabi niya yung hindi tinansrelate.

"Oo. Masarap yan, luto ni Mama." Sabi ko.

Tinikman na niya yung pagkain.

"Masarap ba?" Tanong ko.

"Um! Masalap." Sabi niya mismo walang translator.

"Ma-sa-rrrap." Para naman akong nagtuturo nito ng baby.

"Ma-sa-rrap" sambit niya.

Tumunog yung relo niya at kumislap kislap ang kulay red.

~empty battery~

"Low bat na yung relo mo." Sabi ko.

Tumango naman siya. "Arlaw."

Arlaw? Ano yun?

"Arlaw?" Pagulit ko. "Ay! Araw?" Pagcorrect ko at tumango naman siya saka binigay sakin ang relo.

Lumabas ako at pinaarawan ng relo niya. Solar pala ang relo na to, chaka, high tech na high tech, kakaiba rin ang oras.

0.56:0.43.

May oras ba na ganun? Nako! Bat ba ako nagtataka?! Alien nga siya eh, galing siya sa kalawakan. -_-

Bumalik ako sa mesa at ayun kumakain pa rin siya. Umupo ako kaharap niya at tiningnan siya habang kumakain.

Kung tutuusin, pede ko namang pakainin ng lason ang isang 'to para wala nang problema o di kaya'y diretsohin ko siya ng sasaksak.

Tsaka, kung ibebenta ko yung relo niya magiging milyonaryo ako kasi kunyari ako ang nakadiskubre nun, o di ba? Magiging history ako at magiging kilala sa pagiging imbentor.

At yung sasakyan niya pwede ko yung ibenta sa junk shop, magkakapera rin ako. Pwede ring magpretend ako na ginawa ko rin ang ganong sasakyan, magiging peymos ako at magkakapera.

*iling*

Bat ba puro pera nalang ang laman ng bibig, estey  isip ko. Hays! Tutal pinasok ko naman to, kailangan kong panindigan ang kabaliwang pinasok ko na to.

"Gusto mo bang maligo?" Tanong ko.

Maiintidihan kaya ako nito?. Wala yung translator eh.

Tumango naman siya. Nakakaintindi siya?

"Naiintidihan mo ako?" Tanong ko. At tumango rin siya.

"Bat mo ko naiintindihan? Eh, walang nagtatranslate." Sabi ko.

Itinaas lang niya ang balikat na nagsasabi na "ewan".

"Ahh.. Alam ko na, naiintindihan mo ako kaso hindi ka nakakapagsalita ng lenguwahe ko?" Sabi ko. At tumango tango rin siya. Para naman akong naglalaro ng charades into -_-

"Ok ganito, maligo ka muna. Ito ang towel." Inabot ko kanya ang towel na dala.

"Tsaka, yan ang sabon. Sabon." Inaksyon aksyon ako pa na parang pinapahid pahid ko yung sabon sa katawan para maintindihan niya kung para sana yun. Baka naman tuloy, isabon niya sa buhok -_-

"At yan, para buhok. Buhok." Kinuskus ko kunyari yung buhok ko para maintindihan niya rin.

Tumango siya at agad na hinubad ang t shirt. 

Ohmyghad! Yung abs niya. Oo, may abs siya. May abs pala mga alien?. Jusme! Marami pa talaga akong di alam tungkol sa mga kakaibang nilalang ng kalawakan!

"Waahh! Wag ka dito mag hubad!" Sabi ko at agad na tumalikod.

"Isuot mo muna yan. Isuot!" Sabi ko at sumilip ng kauinti para tingnan kung nagbihis na siya. Pero nakatayo lng siya dun na parang bata na walang kaalam alam sa mundo.

-_-

"Hayss." Hinarap ko siya at kinuha ang towel na dala niya saka iyon pinantakip sa mga tinapay nito.

Nanginginig kamay ko.

"Dun sa loob ka mag hubad. At huwag na huwag kang lalabas na hubot hubad ah. Aish! Matatamaam  ka talaga sakin." Bilin ko at saka sinara ang pinto ng CR.

"Mag simula ka na. Babalik lang ako!" Sabi ko. Narinig ko namang umandar ng shower. Marunong naman siguro siyang maligo. Naliligo naman siguro ang mga alien di ba?

Haayy nako, bahala na siya. Alam na niya yan, malaki na siya.

Agad na akong lumabas ng bahay.

San naman ako kukuha ng damit nito? Hayss.. Bahala na si Superman! -_-

~

Sorry late update :))) hope you guys enjoy! :D

Vote vote vote and be a fan ;)

Lovelots :)

Bawal maFall [ON HOLD]Where stories live. Discover now