A/N:Magsisipag na po ako dear readers, na inspire po kase ako sa inyo tsaka bakasyon na at nagkaroon na uli ako ng bakanteng oras mehehehe. Lab ko po kayo. Continue reading na po muwah muwah
~
Si Dane ang anak ng papa kong tinakbuhan ako. High school na nung malaman ko yung tunay kong ama, at sadly naging school mate ko pa yung anak nya.
"May sinalihan ka na bang club?" Rinig kong tanong ni Dane sa di kalayuan, naglalakad pa kase ako.
"Ah wala pa." Sagot naman ni Lexo at napakamot sa ulo nya.
"Sali ka na sa Astronomy Club!" Paanyaya niya pero agad ko nang hinila si Lexo baka madamay pa sya sa kaplastikan ng babaeng to.
"Teka Kikay, sali tayo." Hindi ko nahila si Lexo kase hinila nya ako kaya napatingin nalang ako kay Dane.
"Sali ka na rin Keisha." Pang-iimbita nya saken. Pero agad akong umiling.
"Halika na Lexo, malalate na tayo." Hihilain ko na sana sya pero ayaw pa rin mahila. Bat ang lakas ng kumag nato!
"Kung ayaw mo, pwede naman ako nalang." Nakangiting sambit nya. Nyemas, bat ang kyut nya? Hindi ko sya matiis, ayoko ko namang iwan sya sa kamay ng bruhang to kaga sege na nga!
"No! S-sasali nalang rin ako." Kahit ayoko naman talaga!
"Talaga? Pero, okay lang naman na di ako iyo samahan." Suhestyon nya pa pero nagkunware akong nakapagdesisyon na akong sasali talaga.
"Ilista mo na kami. Sege jan ka na." This time nilakasa ko na talaga ang paghila ko at nagtagumpay na talaga.
"May meeting mamaya sa rooftop! See you there!" Sigaw nya pa.
"Bye Dane." Nagpaalam pa itong si Lexo. Nagseselos na talaga ako babe!
Tapos na yung klase kaya hinintay ko si Lexo sa classroom ko, nagtaka ako bakit di nya ako hinihintay sa labas nung matapos na akong maglinis.
Nasan na pa yung alien na yun?
Dumungaw pa ako sa labas pero wala pa rin sya, usually kase maaga pa lang nandito na sya.
Asan na ba kasi ang alien na yun?
Mag-isa nalang ako naglakad, pupunta na sana ako sa ground nung maalala kong may meeting pala sa club. Shet, sakit talaga to sa ulo. Kaya siguro di ako sinundo ni Lexo eh kase na una na sya dun sa club na yun. Putik di man lang ako hinintay. Sarap pektusan eh, kung di ko lang talaga crush! Hays.
Halos maubusan na ako ng hangin nung makarating ako sa roof top, pumasok na ako sa maliit na room dun. Bat dito nabase ang club nato? Nakakapagod maglakad!
"Oy! Member ka rin?" Nagulat ako nung makita ko dun si Tin at Nika.
"Member din kayo?" Tanong ko. Lumapit na ako sa kanila tsaka tumabi sa pag-upo.
"Oo. Ito kaseng si Nika dinamay ako sa kalokohan nya." Reklamo pa ni Tin.
"Wala pa naman kaming gagawin sa softball at chess kaya dito muna kami haha. Tsaka nandito si Lexo my babes hehe." Binulong pa ni nika yung last sentence saken kaya agad ko syang kinutungan.
"Akin lang sya!" Giit ko at napahimas naman sya.
"Aray.. Ang sadista mo talaga! Nagjo-joke lang naman ako eh." Depensa pa nya. Napa cross arms nalang ako. Naalala ko bigla si Lexo kaya hinanap ko agad sya.
"Bat wala pa si Lexo?" Tanong ko. Wala rin si Dane. Nakukutuban ko na talaga ang dalawang yun.
"O anjan na sila oh!" Tiningnan ko agad yung tinuro ni Nika pero wala akong maaninag.
"Ahahaha joke only!" Kinutungan ko na naman si Nika. Gustong gusto nya talagang masapak eh!
"Aray. Yoko na sayo!" Tumayo naman sya at tumabi kay Tin. Yan jan ka! Nakakainis ka eh.
Ilang sandali lang bumukas yung pinto at sila Lexo at Dane pala yun.
"Lexo! San kayo galing?" Tanong ko sa kanya. Nagtatawanan pa sila habang may dalang paper bags.
"Bumili kami ng snacks." Sagot naman ni Dane. Napairap nalang ako sa kanya. Baka nakakalimutan nyang may galit ako sa pamilya nila! Azaaar!
"Hala. Sorry Ikay, hindi ko ikaw nadaanan kanina." Paghingi ng pasensya ni Lexo. Napacross arms nalang ako at bumuntong hininga.
"Okay lang. Sinundo naman ako nila Tin."
"Oy-" magrereact na sana sila pero agad ko silang tiningnan ng sumabay-nalang-kayo-look
"Okay sege. Simulan na natin ang meeting." Tumayo na yung babaeng maikli ang buhok at naglakad tungo sa gitna.
"Ako nga pala si Kaye Dela Cruz. Ang president ng club na ito. At si Dane Wedson ang vice." Tumayo naman si Dane at bumati samin. Uupo na sana sya sa tabi ni Lexo pero agad ko syang inunahan
"Rawr!" Singhal ko at napa-atras sya.
"Geez. Easy." Lumakad nalang sya at umupo sa tabi ng president.
"Wag ka nang mag eskandalo Kikay." Bulong naman ni Tin na nasa tabi ko lang pala.
"Rawr!" Yun na lang din yung reply ko sa kanya. Wala akong maisip eh, at nahihiya na ako.
"Ikaw nga umayos Kikay. Weird mo ngayon." Natigilan naman ako nung si Lexo na ang bumulong saken. Kainis!
Umayos nalang ako at nakinig na sa nagsasalita.
Natapos na ang meeting at isa isa na kaming tumayo. At naglabasan na club room. Lalabas na rin sana ako pero inagilap ko muna kung nasan si Lexo pero ayun nag-uusap na naman sila ni Dane. Sinamaan ko sila ng tingin! Grrr!
Ilang sandali mukhang nakita ata ako ni Dane kaya bigla nalang syang nag paalam na kay Lexo at sumabay dun kay Ms. President.
"Someone's jealous." Muntik na akong mapatalon nung bulong si Tin sa tenga ko mismo.
"Ano ka ba? H-hindi no!" Sagot ko at agad na naglakad. Agad naman silang nag tawanan ni Nika kaya ayun, nagmok-mok akong lumakad.
"Kikay!" Agad akong lumingon at nakita ko si Lexo na naglalakad tungo saken. Nyemas! Sasabay pa ba ako sa kanya matapos ang halos isang araw na hindi nya ako pinansin?! Nakakaimbyerna naman to o.
"Sabay na tayo." Sambit nya nung maabutan na nya ako. Maglalakad na sana kami nung may tumawag sa pangalan ni Lexo. Pag lingon namin si Dane kasama yung presidente. Hays bat nakakataas ng dugo ang babaeng to? Kunsabagay, anak lang naman sya ng kinamumuhian kong ama. Grr.
"Alis na kayo?" Tanong nito kay Lexo. Obvious naman diba? Masyado talaga tong papansin.
Tumango namam si Lexo.
"Bye bye~" kumaway kaway pa sya samen pero inirapan ko lang sya. Si Lexo pang yung kumaway sa kanya pabalik.
"Bye bye Ate!" Umigting naman yung tenga ko nung marinig yun. Sumenyas naman si Lexo saken sapamamagitan ng pag tama ng braso nya sakin. Di ko nalang ito pinansin at na una nalang akong lumakad sa kanila.
"Hintay."
~
Thanks for reading! Please do vote and leave a comment! Sesya na kung raming typos hehe.
YOU ARE READING
Bawal maFall [ON HOLD]
Teen FictionNot your typical love story :))) Better read, vote and be a fan ;D