Chapter 2

752 20 0
                                        

Ayun inuwi ko sa bahay ang nilalang na yun.

Nagmukha tuloy akong kidnapper -_-

Pinunasan ko yung lalaki at pinalitan ng damit buti nalang at mahilig ako sa extra large na dami, ginamot ko rin ang mga sugat niya, hindi ko pinalitan ang pambaba niya baka makakita ako ng himala dun, kung meron man. May himala ba ang mga alien? Hmm.

Grabe, san ba galing na bakbakan ang lalaking to at parang bugbug sirado na siya.

Mga 3 AM na ako nakatulog. Naglatag nalang ako ng kumot sa sahig at dun nalang natulog.

*kalabit*

*kalabit*

"Hmm." Tumagilid sa pagtulog.

*kalabit*

"Hmm.. Ano?" Kinamot ko yung buhok ko.

*kalabit*

"Ano ba-" natigilan ako nang makita ang mukha nung lalaki. Agad akong napaupo mula sa pagkakahiga.

"Alien?..estey." Napailing nalang ako dahil hindi ko alam kung anong tatawag ko sa kanya. Ayoko namang tawagin siyang Alien -_-

"Ok ka na?" Tanong ko.

"Huchuvhuni rinuvhuni." Sabi nito. Kumunot naman ang noo ko.

Ano daw? Buni buni? Ano yun?

"Ano?" Tanong ko.

"Novikino huchuvhi?" Sabi niya uli.

Jusme, Mukhang alien language lang ang alam nito.

"Um.." Pano na to? Hindi ko siya maiintindihan.

"Ah. Honto?" Tinuro niya yung wrist niya. Nakapagconclude naman agad ako na relo yung tinutukay niya.

"Ay! Yung relo mo?" Kinuha ko agad yung relo niya sa desk at binigay sa kanya.

Hinawakan niya ito at nilapit sa bibig niya.

Nagsalita siya dung ng something alien at tinansrelate ng watch na yun.

"Ako na saan?"

Wow. Tagalog beh. High tetch talaga ang relo niya. Pang Alien nga.

"Um. Nasa bahay kita." Sagot ko at tinansrelate naman yun nung watch niya para siguro maintindihan niya ako.

"Haysss." Buti naman at may translator siya. Ang advance niya, wala pa sigurong ganyan dito sa earth eh. Pero malay natin meron na pala.

"Aking sasakyan, na saan?" -Alien

"Nandun sa kabilang lote" sagot ko.

Wala naman atang makakakita nun kasi medyo matataas ang mga dahon at maraming puno tsaka malayo ang bahay dun amin lang ang pinakamalapit.

*knock*

"Anak, sinong kausap mo?"

"Patay.." Nataranta ako at nagtatatalon. San ko ba to itatago? Sheeet. Talagang yari na ako nito ni mama.

Binuksan ko yung cabinet.

"Halika." Sumenyas ako sa kanya buti naman at sumunod saka ko sinara ang cabinet. Malaki laki yung cabinet ko kaya makakahinga pa siya at saktong sakto.

*knock*

"Anak?"

Patay patay.. ><

Tumalon ako sa kama at nagkunwaring nag se-sleep talk.

Narinig kong bumukas ang pinto.

"Ahh. Nasan ako? Ha? Nasan ang sasakyan ko?" Pagkukunwari ko at tinaas taas pa ang kamay at paa para magmukhang makatotohanan ;))

"Anak. Wala kang sasakyan." Niyug yug ako ni Mama.

"May aswang!" Umupo agad ako mula sa pagkakahiga kunyari binangungut ako. Ang layo naman ng sasakyang at yung aswang. Teka, bat may aswang. Jusko! Sana hindi ako mahuli.

"Binangungut ka lang. Halika na at kakain na tayo." Sabi ni Mama saka naglakad na palabas ng kwarto.

"Haaayyss. Muntikan na yun." Napahiga uli ako sa kama pero nang maalala ko yung alien napatayo agad ako at binuksan ang cabinet.

"Ok ka lang?" Mahinang tanong ko.

"Uh.. Ewan." Sabi nya, traslated pa rin nung kakaibang uri ng relo. Namilog nman ng mata ko nang makitang hawak hawak niya ang underwear ko.

Sheeeet. >< kakahiya!

"Hoy bat hawak mo yang panty ko. Akin na yan." Hinablot ko agad yun at binalik sa cabinet.

"Panty?" -siya. Inosente naman to kaya wala rin yang alam tungkol sa mga underwears and everything pero.. May underwear nga kaya siya?

Ang awkward naman kung wala. Eeh! Ang laswa!

"Tumahimik ka. Ssshh ka lang dito ah." Hinawakan ko yung magkabilang balikat niya at ginuide siya para maupo lang sa kama.

"Jan ka lang. Wag kang gagawa ng ingay, wag na wag ah. Tsaka, wag na wag lang aalis o lulusot ka nalang bigla sa bintana kundi malilintikan ka talaga sakin." Bilin ko. Dahan dahan akong naglakad.

"Ssshhh" sambit ko bago lumabas ng kwarto.

Naglakad na ako patungo sa kusina at umupo na sa lamesa.

"Ano palang panaginip mo anak?"

Sana nga panaginip lang ito. Panaginip lang na may dinala akong alien dito sa bahay T.T

"Meron daw alien. Tapos niligtas ko daw siya at ayun. Nakalimutan ko na hehe." Kwento ko.

Sana nga nakalimutan ko na!

"Nga pala anak, mag go-grocery ako ngayon may papabili ka?" Tanong ni mama.

"Um.." Nag isip isip ako kung ano nga ba ang ipabibili ko. Di lang para sakin kundi para dun sa Alien.

"Uh, ma bilhan niyo po ako ng isang panlalaking T shirt tsaka shorts na rin - na pang lalako rin." -ako.

"Ha? Kailan ka pa nag kainteres sa mga ganyan? Tekaa.. Wag mong sabihing-"

"Hindi no! Hindi ako lesbian! Chaka ka naman ma." Pagpigil ko sa iniisip ni mama.

"Eh, bakit pabigla bigla yan?" Tanong ni mama.

"Uh, wala lang trip ko lang. Basta ma, bilhin nyo nalang ho yun. Ahehehe." Sambit ko.

Chinar char ko lang tong si Mama, tutal, bili kay bili lng naman ang alam nito.

"Ay! Nga pala ma, pede bilhan niyo ako ng isa pang kumot butas na kasi yung isa kong kumot." Pasulot ko.

"O sige." Sabi ni Mama.

*

"Bye ma. Ingat ka." Sabi ko.

"Bantayan mo ang bahay ha. Wag kang magpapasok ng kahit na sino." Bilin ni Mama saka sumakay na dun sa motorsiklo niya.

"Ah.. Opo naman po. Hehe." Pagsisinungaling ko.

May nakapasok ka nga ma eh.

Nang makaalis na si Mama ay agad kong sinara ang pinto saka bumuntong hininga.

Jusko po, ano itong pinasok ko!

~

Bawal maFall [ON HOLD]Where stories live. Discover now