"Shhh.." dahan dahan kaming lumabas ng kwarto baka mahuli pa kami ni Mama.
Lumabas na kami ng bahay at agad na kaming lumisot sa skrin na harang patunho sa kabilang lote.
"Aray.. Kikay. Tulong." Nilingon ko siya at ayun hindi makapasok pasok sa butas.
"Aish!" Binalikan ko siya at hinila hila papasok.
Pede naman siguro to siyang mag melt gaya ng ibang alien, di ba?
"Aray.. paa ko." Nasabit pa ang paa niya.
"Leche naman to o." Hinila ko ang paa niya at ayun nakapasok na siya.
Agad na kaming pumunta dun sa sasakyan niya.
"Aray ang kati." Kinamot kamot ko pa ang mga braso at paa ko. Ang kati kasi ng mga dahon dito.
Pumasok na kami dun sa sasakyan.
Ang galing, napaka high tetch ng porma. Charoot. Ang angas pa ng designs.
"Sayo to?" Tanong ko. Hindi ko maiwasang maging ignorante sa mga kagamitan dito. Ngayon palang ako nakakakita ng mga ganito. Nakakamangha talaga.
"Wag galaw mga kagamitan." Bilin niya at pumasok dun sa parang sa room ng pilot.
Hindi ko maiwasang maamaze. Ang ganda kasi at naninibago ako parang nasa future na agad ako.
"Initiating space mobile."
Nagulat ako ng magsalita ang sasakyan. Omyghad. Sino yun?
"Unable to initiate ship. Fixing time: 5 years and 7 months."
Ano daw?
"Ugh!" Rinig kong untas ni Lexo mula sa loob.
Anong nangyayari? Jusme, lalayas na ako dito baka mag transform siya, magiging halimaw na siya!. Lalabas na sana ako nang biglang bumukas ang pintoan ng pilot.
Mukha pa rin nman siyang tao.
"Uh.. Anong nangyari Lexo?." Kunyari wala akong planong tumakas dito sa sasakyan niya.
"Gaano katagal 5 years and 7 months?" Tanong niya.
"Um.. Matagal tagal rin yan." Sabi ko.
"Bukas? 5 years na?" Tanong nya.
Chaka naman to. Excited?
"Hindi. Kung 16 years old ka ngayon gaya ko. Eh, kailangan mo munang maging 21." Sabi ko.
"Ako 248 years old na."
Grabe siya o. 248? Eh 100 nga eh, mahirap na magkaedad ng ganun. Sabagay, galing kasi siya sa kalawakan.
"Ah.. Um.. Kung 248 years ka. Kailangan mo munang maging 253 years old."
"An tagal nga." Sambit niya saka naglakad nakami palabas.
May pinindot siya bago kami tuluyan nang bumabas.
"Ano nang plano mo?" Tanong ko.
"Ewan. Kailangan pa ako ng 5 years bago ayos sasakyan." Sabi niya.
"Ahh.. So, pumapayag ka nang itour muna kita dito sa earth?" Masayang sabi ko.
"Oo, ganun nga." Sagot niya.
Yey!
"Aray.. Tulong." Sambit niya kasi ayun na sabit na naman siya.
"Magdahan dahan ka kasi." Tinulongan ko na siya.
Dahan dahan na kaming pumasok sa bahay buti naman at hindi nagising si Mama.
Pumasok na kami sa kwarto.
"Matulog ka nalang muna." Sabi ko habang naglalatag ng kumot sa sahig para dun na ako matulog. Kung hindi lng sana ako mabait dito sa alien na to. Talagang dun sa balkunahe ko siya patutulugin at hahayaang maubusan ng dugo dahil sa lamok.
Nagmukmuk lang siya habang nakahiga.
"Matulog ka na." Sabi ko saka ako humiga.
"Good night." Sambit ko bago ako tuluyan nang natulog.
~
Sana nag enjoy kayo sa first five Chaps :))
Vote vote vote and be a fan :D
-netfreakMeibel
YOU ARE READING
Bawal maFall [ON HOLD]
Teen FictionNot your typical love story :))) Better read, vote and be a fan ;D