Magdahan dahan ka Kikay kundi mahuhuli ka.
Nilagay ko na ang bangko dun sa gilid ng wall at agad akong tumuntong. Ayun na ang mga damit, buti naman at may lalaki dito sa kapit bahay namin. Hindi naman siguro niya mamamalayan na nawala ang isang underwear niya di ba? Kaya Ok na yun ;).
Pilit kong inaabot ang mga yun pero wa epek.
Hays! Bat di ko maabot abot ang mga to? Ay! Susungkitin ko na nga lang ang mga to.
Bumaba ako at kumuha ng stick na mataas saka ako tumuntong sa bangko uli. Isa isa ko nang sunungkit at mga damit. Isang panlalaking shorts, isang pantaas at isang underwear.
"Ayos." Untas ko at agad na bumalik sa bahay.
"Tapos ka na ba?" Tanong ko.
"Oo." Rinig kong sambit niya mula sa loob.
"O sige, lumabas ka na." Sabi ko at agad naman niyang binuksan ang pinto. Half naked siya!
Oh shheeet na malagkeet!. Ang hot ng Alien na to. Aangkinin ko na talaga to ba. Gawin ko tong boypren eh.
Ang gwapo niya. Wet look. nga-nga dito mga model. Shet.
"O ito damit. Magbihis ka na." Mamumula kong sabi. Nakakahiya naman to. Nahihiya tuloy fats ko sa ganda ng katawan niya.
Sinara na niya ang pinto at agad na nagbihis.
Maya maya'y lumabas na siya.
Umupo na ako sa couch at nanonood ng tv. Tumabi naman siya sakin.
Ang awkward bakla!
"Um. Ano pala ang pangalan mo?" Tanong ko at nakatingin lang siya sakin.
"Pa-nga-lan. Gaya nito, ang pa-nga-lan ko ay Kikay." Sabi ko.
"Ki-kay?" Pag ulit niya.
"Oo, ako si Kikay. Eh, ikaw?" -ako
"Ako, Lexo." -siya
"Lexo?" Tumango tango naman siya pagbanggit ko nun.
Lexo ang pangalan niya.
"Eh, apilyedo? Meron ka ba?" Tanong ko. Pero wala siyang sinagot.
"Ahh.. Ok lang na wala kang apilyedo. Haha."
Ok na yung pangalan lang. At least kilala ko na siya.
"Ah.. Akin sasakyan?" Tanong niya
"Ay! Nandun." Sabi ko.
"Atin puntahan." Tumayo siya.
"Ha? Ngayon na?" Sabi ko. Tumango naman siya at bubuksan na sana ang pinto.
Pataay.
"Nako nako. Wag! Muna! Mamayang gabi nalng. Baka may makakita sayo." Humarang ako sa pinto para hindi siya maka alis.
"Bakit?" Tanong niya.
"Di ba kasi, alien..estey kakaibang nilalang ka na nahulog sa kalawakan. Kaya kay langan nating mag ingat." Paalala ko.
Pinaupo ko muna siya sa sofa at kinuha ang relo niya. Siguro naman, full charged na to.
"Kailangan ko umalis na." Sabi niya.
"Bakit?" Medyo sad na tanong ko.
"Isa ako Space Warrior. Kailangan potektahan ang teletolyo namin." Sabi niya.
Warrior siya. Kaya pala napaka matipuno.
"Pero, mamayang gabi nalang. Hindi ka muna pwede lumabas baka anong mangyari sayo." Sabi ko.
"Marami pang kalaban dapat tapusin." Sabi niya.
"Relax ka muna. Pede naman siguro mamayang gabi na." Sabi ko.
Jusme, ano nalang sasabihin ko kung nakikita sila ng mga kapit bahay at nina Tin?
"Makakapaghintay naman siguro ang mga kalaban niyong alien estey.. Ang mga kalaban di ba? Kaya relax lang."
"O sige. Pero ngayon ako dapat alis." Aniya.
"O sige." Medyo na lungkot ako. Aalis na agad siya? :(
"Magkwentohan muna tayo." I suggested.
"Kwento?" Sabi niya
"Oo. Ganito yan. K-kwentuhan kita tungkol sa buhay ko pero ikaw mauna." Swestyon ko.
"Uh, Amin pamilya, sinalakay ng mga halimaw kaya kailangan ko potektahan ang amin pamilya at amin teretoryo." Kwento niya.
"Ahh.. Nakakatakot ba ang mga halimaw na yun?" Tanong ko.
"Oo. Sila kamukha nito." May drinawing syang something sa hangin.
Eh? -_-
"Ahh.. Ehh.. Dito mo nalang idrawing yan." Ibinigay ko sa kanya ang papel at lapis na nasa mesa.
"Ganito." Nagsimula na siyang mag drawing.
Wow. Ang husay niyang gumuhit. Nakakahiya naman na mas magaling pa tong alien na to kesa sakin eh -_-
"Ganito." Hirap niya sa mukha ko yung drawing at diin sa mukha ko.
"Aray ko Lexo, hindi ko yan makikita. Masyadong dinikit mo sa mukha ko." Sabi ko.
"Sorry." Inilayo na niya yung papel at ayun nakita ko na ang isang nilalang na may pagkasquid?
"Teka.." Mariin kong tiningnan ang drawing.
"Pusit naman yan eh. Sus.. Di na kakatakot." Medyo natatawa ako kung bakit may pusit silang kalaban. Samatalang dito sa earth tempura, squid ball or calamres lang yan dito.
"Ha? Hindi ka takot?" Tanong niya.
"Hindi. Gusto mo, itour muna kita dito sa earth bago ka pumunta sa kalawakan?" Pag iimbita ko. Ayaw ko muna kasi syang umalis. Nakakalungkot kaya.
"Gusto ko yan pero. Importante aking pamilya."
Nakakalungkot naman kailangan na nga niyang umalis.. Waahh! Mr. Handsome Alien. Dito ka muna. T.T
~

YOU ARE READING
Bawal maFall [ON HOLD]
Novela JuvenilNot your typical love story :))) Better read, vote and be a fan ;D