Mula nung practice game nila sa La Salle walang araw na hindi nagtraining ang district 1 team. Tanging linggo lang sila nakapagpapahinga. Samantala sila Kobi at Benj naman ay naging komportable na din sa mga manlalaro ng Caro High.
Unti-unti ding nagkakapalagayan ng loob sina Kiko at Benj. Hindi man sila masyado nag-uusap sa labas ng court ay coordinated naman sila pagdating sa paglalaro. Kaya di batid ng mga kasamahan nila na di nag-uusap ang dalawa maliban na lang kay Kobi na pareho nilang kaibigan.
"Bro ayaw niyo pa ba magbati ni Kiko?... Ang tagal na nun!" wika ni Kobi sa kaibigan ng makapagpahinga na sila.
"Bro, hindi kami nag-away ng pinsan ko... Di lang kami nag-uusap!" sagot naman ni Benj.
"Eh, bro anu ba tawag mo sa sitwasyon niyo... "walang kibuan".... bago yun ah!" sarkastikong tumbad ni Kobi.
"Alam mo bro...... bumili ka na lang ng tubig.... ang intrigiro mo" pag-iiba ni Benj. Ayaw na kasi niya itong pag-usapan.
"Ewan ko sayo bro!......" at agad lumabas si Kobi para bumili.
"Tama si Kobi! Ba't di na kayo mag-usap ni Kiko kung di naman pala kayo nag-aaway" at umupo si Shirley sa tabi ni Benj.
Gulat naman si Benj sa pagsulpot ni Shirley at sa mga salitang sinabi nito.
"Pasensya na di ko naman sinasadyang marinig yun pinag-uusapan ninyo ni Kobi......Magpinsan pala kayo ng mokong na yun" sabay tingin kay Kiko na nasa kabilang dulo ng gym.
"Ahhhhh... Oo!" yun lang tanging salita lumabas sa bibig ni Benj.
"Hindi ko lubos pansin na di pala kayo nagkikibuan ni Kiko. Ang galing niyo kasing dalawa sa court. Alam na alam niyo ang kilos ng bawat isa" at tumingin ito kay Benj.
"Bata pa lang kami ito na nilalaro namin dalawa kahit hanggang maghigh school pero nung lumipat siya ng paaralan di na kami nakapaglaro ulit maliban na lang ngayon." tugon ni Benj na nakatingin pa rin kay Kiko.
"Kaya naman pala.... swerte naman ng team! Pero mas gagana ang coordination niyo if okey na kayong dalawa.. Ayaw ko manghimasok Benj ha sa tingin ko pareho niyo naman gustong mag-usap eh... sana whatever it is that keep you from talking to Kiko eh.... maovercome mo na.. No harm in trying..." payo ni Shirley kay Benj.
Matagal na hindi nakapagsalita si Benj. Pinag-isipan niya kung ano man ang sinabi ni Shirley. Marahil nga tama siya... Pride lang naman ang pumipigil sa kanya para kausapin ang pinsan niya. Nang magkaroon ng hidwaan ang kanilang pamilya ay nagkaroon din ng lamat ang kanilang relasyong dalawa. Walang naman siyang galit sa pinsan niya kung meron man ay hinanakit lang sa bigla nitong paglipat ng paaralan at ng nawalan sila ng kumonikasyon. Pero batid niyang gusto makipag-ayos ni Kiko sa kanya siya lang tong nagpipigil.
"Siguro nga Shirley.... hayaan mo..." tangi niyang sambit at iniba na niya ang usapan nila ni Shirley.
"Siyanga pala... ba't lagi kang nauuna umuwi?..... iniiwasan mo bang ihatid kita ulit?" wika nitong nakatawa.
"Ha?! hindi... late na nga ako nakakauwi ngayon kasi deadline na ng school paper... kailangan na kasi ma-finalize." naiilang na sagot ni Shirley.
"Ahhh... kaya pala... ahmmmm... Anong oras na kayo natatapos?" pang-uusyuso nito.
"Usually 10 na. Yun lang ang maximum time na pwede kami mamalagi sa school premises eh."
"Ahhh... so sinusundo ka?" talagang curious itong si Benj.
"Hindi ah! Maaga kasi pasok ng kuya ko, tapos si tatay naman maaga sa bukid. Sumasabay lang ako sa bestfriend kong si Angel sinusundo kasi siya ng papa niya"
"Okey........"
"O siya Benj pag-igihan niyo ang training.. hmmm.. kahit wala ako dito I will still know kung sumusunod kayo sa program.. "sabay turo sa mata ni Benj at sa mata niya..
".......bye!" at umalis na si Shirley.
..............................................................................................................................
Past nine na at di pa din tapos sila Shirley sa lay out nila sa school paper. Kasama ang bestfriend niya, isang late work cramming na naman ito para sa school paper nila.
"Haaaaaaaaay! nakakapagod na talaga. Kung di lang ako ang editor in chief di ako magpapakapuyat dito!" reklamo ni Angel nakahiga na ang ulo sa mesa.
"Huwag ka na magreklamo diyan.. bilisan mo na at parating na yun tatay mo at si manong guard" wika ni Shirley na nakaharap sa monitor ng computer.
"Thank you talaga bes ha! Buti na lang pumayag kang maging associate editor kung hindi baka mag-isa ako pumapasan ng kalbaryong to" at patuloy ito sa pagsusulat ng ginagawang lay out.
Makalipas ang ilang minuto binisita na sila ng gwardiya.
"Ten na, bilisan niyo na diyan at andito na mga sundo niyo" wika ng gwardiya.
"thirty minutes pa ho manong... promise last day nato.. kailangan na kasi namin mapasa bukas to kung hindi lagot kami kay Ms.Kasimsiman pag wala kami ma-ipresent." pagmamakaawa ni Angel sa gwardiya.
"Sige! 30minutes lang.. matapos kayo diyan wag niyo kalimutan patayin ang ilaw." agad pumayag ang guard at umalis.
Eksatong 30minutes nga natapos nila Angel at Shirley ang lay outing at ang editing. Pinatay ang mga computers, ilaw at sinara ang office ng org.
Malapit na sila sa gate ng mapansin nilang parang hindi tatay ni Angel ang nag-aabang sa labas. Nagtataka silang dalawa kung bakit ibang motorsiklo ang nasa labas at tila isang binata ang naghihintay. Hindi nila maaninag kung sino ito dahil nakatalikod ang binatilyo. Sigurado naman silang hindi ito ang motorsiklo ng tatay ni Angel at wala siyang kapatid na lalaking magsusundo. Tuloy natakot silang lumabas ng gate. Hinintay nila ang guard na kakagaling lang sa banyo at nagtanong kung sino ang lalaki sa labas.
"Manong, sino ho yung nakamotorsiklo?" sabay turo ni Shirley sa binatilyo.
"Sundo mo daw siya" wika ng guard.
"Sundo ko ho?!" pagtataka ni Shirley.
Pareho na silang takot ni Angel.
"Ehhhh... wa...." dugtong pa sana nito ng lumingon ang binatang nakasandal sa motorsiklo.
"Beeee...eeee..nj?" halata ang pagkagulat ni Shirley.
"Sinong Benj?" tanong agad ni Angel.
Hindi na sumagot si Shirley, hinila na lang niya si Angel patungo kay Benj.
"Ba't andito ka?! Anong ginagawa mo dito?! late na ah!" sunod sunod na tanong ni Shirley.
"Dahan dahan lang Shirley.. mahina ang kalaban." nakangiting tugon ni Benj.
Nakapamaywang si Shirley at naghihintay ng sagot ni Benj.
"Kasi........ bumili akong energy drink s convenience store, wala na kasi sa bahay.. at saka pahirapan kaya ang training program na bigay mo.. nakakaubos ng energy." paliwanag ni Benj.
"Sa ganitong oras ng gabi?! hmmmm... i feel something.... i'll shut up na nga" mahinang side comment ni Angel.
Hindi pinansin ni Shirley ang side comment na iyon ng kaibigan at nagtanong pa ulit kay Benj.
"Eh.... ba't andito ka at sa akin mo pa talaga sinisi" tanong ni Shirley dito.
"Wala.. kasi nung pauwi na ako.. naalala ko ang sinabi mo na ten na kayo nakakauwi.. kaya yun nagtanong ako kay manong at sabi niya andiyan pa nga kayo... kaya hinintay na lang kita... one way lang naman tayo diba?" paliwanag ulit ni Benj.
"Palusot...." side comment ulit ni Angel at hinampas siya ng mahina ni Shirley.
"Angel nga pala.. bestfriend niya.. Benj right?..Oo kilala na kita...kanina pa kayo nag-uusap dalawa at narinig ko na name mo" at inabot ang kanang kamay niya para makipagkamay.
Agad naman din nakipag-kamay si Benj.
"So, ano... tayo na... hatid na din kita Angel.." yaya ni Benj.
"Nako, huwag na andiyan na si papa o... Sige Shirley una na ako.!" at naglakad si Angel patungo sa papa niya na nakamotorsiklo rin.
"Nice meeting you Benj!.. ikaw na bahala diyan.." habol ni Angel ng makasakay na siya sa motorsiklo.
"Ha! Pambihira talaga to si Angel o... di ka pa nga niya kilala pero kung ihabilin niya ako sayo ganun ganun na lang!" kunot noong tugon ni Shirley.
"Shempre mukha pa lang mapagkakatiwalaan na ako....Bakit Shirley... mukha ba akong rapist or kidnapper para sayo?" tanong ni Benj dito.
"Ha?! ano pinagsasabi mo?"
"Eh kasi parang natatakot ka makasama ako.."
"Ako?! Takot?! haaaay... Benj.. I told you already ayaw ko ng..."
Di na natapos ni Shirley ang sinasabi dahil agad isinuot ni Benj sa mga ulo niya ang helmet.
"Sakay na... gabi na..." wika nito.
"Kailangan pa ba talagang may helmet ako?" tanong ni Shirley na akmang aangkas na sa motorsiklo.
"Oo!" agadan sagot ni Benj. "I want you to feel safe with me" dugtong niya ngunit hindi na ito narinig ni Shirley.
![](https://img.wattpad.com/cover/10793531-288-k761806.jpg)
BINABASA MO ANG
Because of You (jailenash fanfic)
Fanficsince gusto ni bebe na mala "hunger games" or "twilight" ang peg ng movie nya i thought i should make one story with a touch either of these movies. hehehe di ba? i'l try my best. well it will not be sci fi or anything like sorcerers, vampires, wol...