Chapter 31

540 18 2
                                        

Sabado.

Pag-gising ni Shirley bumungad sa kanya ang magandang sikat ng araw at mainit na almusal. Hinanap niya si Drake pero di niya ito mahagilap sa buong kwarto. Kaya naman pagkatapos niya makapagsipilyo dumiretso siya sa lamesa kung saan nakahanda ang almusal. Namangha siya kasi para siyang nasa hotel kumpleto ang mga kubyertos at may kasama pang sariwang bulaklak na nasa magandang plorera. Nakatawag pansin sa kanya ang isang yellow post it na nakadikit sa plorera.

Amazona! alam ko ako unang hinanap mo pero sorry di mo muna masisilayan kagwapuhan ko at di kita masasamahan mag-almusal. Good for your heart lahat yan!.... huwag masiba.. -Drake.

"narcissist prince!! akala mo sobrang gwapo di naman..." wika niya sa sarili.

"hmmmmm... pero May tamang sinabi ang nurse sweet nga si Lagdameo... hehehe...not bad.." tila kinikilig si Shirley sa hinanda ni Drake.

Busog na busog si Shirley sa agahan niya besides sa masarap na pagkain kitang-kita niya mula sa kwarto ang asul na ulap at nakangiting haring araw. It was a perfect breakfast.

Habang nakatingin sa labas pumasok sa isipan niya ang billings niya sa hospital dahil sigurado siyang di ito libre at nasa private room pa siya. Nagiisip siya ng paraan paano mababayaran ang bill niya. Hanggang naabutan siya ng doktor...

"Good morning Ms.Bernardo... how are you?" habang hawak hawak ang chart niya.

Nahiya siya sa manggagamot kasi hindi pa ito nakaligo at nakapag-ayos.

"Ahhh... I'm feeling better doc.. thank you po.."

"Good to hear that.. pwede na kitang idischarge today but still take a rest when you reach home..eat the serve diet for you and wag na wag mo ihihiwalay sa katawan mo ang mga gamot mo.." bilin ng doctor sa kanya.

"Yes doc......ahmmmm.. doc regarding my bills meron po ba social worker dito.. di ko po kasi sinabi sa mga magulang ang nangyari kaya medyo kapos po ako at parang ang mahal po dito" tugon ng nahihiyang si Shirley.

Haist ba't dito pa kasi niya ako dinala.. tsk! di naman kami mayaman! -problemado si Shirley paano niya mababayaran ang kanyang hospitalization.

"Ahhh.. you don't have to worry it was all settled.. sige Ms. Bernardo take care of your heart..okey?" at nagpaalam na ito kay Shirley.

May nagbayad na ng bill ko.. Binayaran kaya ni Drake... haist naman! ang dami ko ng utang sa Lagdameo yun..

Tumayo na siya sa kinauupuan at nag-ayos ng gamit, pumasok ang nurse at binigay ang discharge slip niya.

".....at ang pinakimportante Mam... huwag nyo ho papakawalan si sir Drake ha..." huling sinabi ng nurse matapos maghealth teachings kay Shirley.

Ang kulit ng nurse nato..."Hindi ko ho talaga siya boyfriend"

Ngumiti ang nurse at umalis na. Ilang minuto lang din umalis na siya. Nasa labas na siya ng hospital ng may lumapit sa kanyang lalaki na nakauniporme.

"Mam Shirley?" tanong ng lalaki

Tumingin siya sa kanan at kaliwa "po?" pagtataka niya kung bakit siya kilala ng lalaki.

"Ahhh...pinahahatid ho kayo ni Sir Drake....driver niya po ako" tugon ng lalaki.

"Ay naku! huwag na... kaya ko naman umuwi magisa.." pagtatanggi ni Shirley.

"Naku mam kakagalitan po ako ni sir pag hindi ko po kayo hinatid...mahigpit niya po kasing bilin na ligtas ko kayong mahtid sa dorm niyo... baka po matanggal ako sa trabaho.." planado na niya ang sasabihin dahil yun ang mismong sinabi ni Drake na sabihin nito, alam ni Drake na siguradong tatanggi ang dalaga.

Bigla naman nakonsensiya si Shirley ayaw niya maging dahilan ng pagkasesante nito.. "Sige ho...." wika nito.

"Akin na ho bag niyo mam" at kinuha ang bag na dala dala, pinagbuksan ng pintuan si Shirley at sumakay na ito sa kotse.

"Shirley na lang ho mang.....?" tanong ni Shirley.

"Bentong na lang mam" wika ng driver habang pinaandar ang sasakyan.

"Shirley na lang po talaga mang Bentong.." sagot naman ni Shirley.

"Shirley" at ngumiti ang driver.

"Saan po pala si Drake?"

"Ahhhh.. Dumating kasi mommy niya kanina kaya ho di niya kayo nahintay" at tumingin ito sa salamin para makita si Shirley sa likuran.

Tumango lang si Shirley at ngumiti.

"Magaling po talagang pumili si sir Drake ng girlfriend... ang ganda niyo ho lalo na ho pagngumiti." biglang tugon ng driver.

"Mang Bentong di ho ako girlfriend ni Drake at isa pa po ang bolero niyo po..hehehe"

"Hindi ba? akala ko ho girlfriend niya kayo.. sa tinatagal-tagal kong driver ng batang yan unang beses ko siyang nakitang nag-aalala sa isang babae.. sabi ko nga binata na talaga si sir at matanda na talaga ako..hehehe" masayang wika ng driver.

"Bata pa po naman kayo mang bentong..."

"Bolera ka din mam Shirley, hehehe"

"Ay nako mang bentong bababa na po talaga ako pagpapatuloy niyo kakamam po sa kin" banta ni Shirley.

"Nako hindi na.....Shirley...hehehe"

Napangiti si Shirley.. Habang umaandar ang sasakyan napaisip siya siguro masyado niyang hinusgahan si Drake sa kung ano ang pinapakita nito sa kanya kaya di niya lubos maisip kung paano siya inalagaan ni Drake. Hindi nga siya makapaniwala na ang isang Drake Lagdameo ay pagsisilbihan siya.

Dumating sila sa dorm at hinatid siya hanggang sa pintuan ni mang Bentong

"Maraming salamat ho mang Bentong sensiya na sa abala.."

"Nako.. ako pa nga dapat magpasalamat dahil di ako masesesante..hehe" birong tugon ng driver.

"Sige po, ingat kayo!" at pumasok na siya loob.

Ang di alam ni Shirley ay may nakakita sa kanya sakay ng magarang kotse.

Naka-motorsiklo.....kitang kita ni Benj ang pagbaba ni Shirley sa sasakyan at di maalis sa kanya ang pagtataka at pagdududa.

Because of You (jailenash fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon