Chapter 27

551 15 2
                                    

Dumating si Shirley sa practice, gaya ng dati she works on researching. Kahit pa over a month na niya nakakasama ang mga players she still doesn't know how good they are or kung meron pang mailalabas na potential ang mga to. Kaya most of the time nasa practice talaga siya para magmasid kahit hindi require na palagi siyang andun.

While taking a break....

"Hey...." tugon ni Benj.

"Ooooy.. great stamina today.." sagot naman ni Shirley.

"Oo nga eh... how are you sa dorm? okey ka lang ba dun?" tanong ni Benj.

"Oo naman.. ba't natanong mo yan?"

"Wala lang... ahhh.. do you have any plans after this?"

"Oo.."

"Talaga?.. ano na man?" wika ng di makapaniwalang si Benj.

"May nag-invite sa akin magmalling.." wika nito.

"Sino?!" madiin wika ni Benj.

"You'll know susunduin niya ako mamaya dito.." pasuspense na wika ni Shirley.

"Manliligaw mo?!" biglang may nagsalita sa likuran nila. Sabay na napatingin si Benj at Shirley.

"Anong ginagawa mo diyan? nakikinig ka sa pinaguusapan namin?!" galit na wika ni Shirley sa binata.

"Kanina pa'ko andito at nauna ako sa inyo.. at paano ko po di maririnig eh ang lakas ng boses mo!" pilosopong tugon ng binata.

"So nagkaroon ka na ng right para sumingit sa usapan namin dahil nauna ka dito?" sarkastik na tumbad ni Shirley.

"Bawal ba? so sino nga yun? manliligaw mo ba? himala at may naglakas loob manligaw sa yo.."

"Pakialam mo Lagdameo kung sino.. at saka ano ngayon kung manliligaw ko.. bawal ba?!"

"Tumigil na nga kayong dalawa.." nagsalita sa wakas si Benj sa gitna ng bangayan ni Drake at Shirley.

Tumahimik at tumigil sa pag-uusap si Drake at Shirley.

"Sino nga ba talaga Shirley? manliligaw mo ba?" tanong ng di rin mapalagay na si Benj.

"Pati ikaw?! magsama nga kayong dalawa!" dahil inis na si Shirley iniwan niya si Benj.

Hinayaan na ni Benj umalis ang dalaga. Siguro naiirita na talaga ito pero di niya kasi mapigilan magtanong kung sino nagyaya dito.. kung malling lang ba talaga o isang date.. ba't hindi rin ito masagot ng dalaga.

Natapos ang practice nila.. Parehong di maalis ng dalawang binata ang tingin sa dalaga hinihintay nila kung sinu ang susundo dito.

"Benj! Drake!" tawag ni Lexie sa dalawa ng makapasok na ito sa gym.

"Lexie... andito ka?" tugon ni Benj.

"Dinadalaw namin kayo ni Drake....masama ba?... Drake?" na nakatingin kay Drake at Ella.

Naging awkward ang sitwasyon ng dalawa.

"Lex... Ell..." tanging wika ni Drake.

Tumango lang si Ella.

"Tapos na kayo?" wika ulit ni Lexie.

"Oo, tapos na kami..." sagot ni Benj.

"Shirley!" sigaw ni Lexie pagkakita kay Shirley sa gitna ng court nakikipag-usap pa ito sa team captain.

Ngumiti si Shirley at lumapit sa grupo.

"Ready?" tanong ulit ni Lexie.

"Ready saan?" usyoso ni Benj.

"We will go malling... sorry but no boys allowed.. girls bonding ito" salita ni Lexie.

"Hahahahahahahahahahahaha" di mapigilan ni Drake tumawa.

Lahat sila nagtaka sa biglang pagtawa ng malakas ni Drake pero itong si Shirley tila alam na kung bakit tumatawa ito ng ganun na lang.

"What's so funny Drake?" tugon ni Lexie.

"Wala...may iba kasi nagpapasuspense..... sus yun pala wala! hehe"sagot ni Drake.

Di magets nila Lexie at Ella ang ibig sabihin ni Drake. Nakataas ang mga kikay at di na nila inusisa pa.

Di nagsalita si Shirley, di na lang din siya umimik sa sinabi ni Drake kahit sobra siyang nainsulto dito.

Sino ba naman kasi nagsabi na may manliligaw ako! baliw tong tao to! Shirley thought.

Akala ko manliligaw na... hahaha... bilib na talaga ako syo amzona.. Drake thought.

"Magtatampo na sana ako kung manliligaw ang sumundo sayo" bulong ni Benj kay Shirley.

"Ba't ka naman magtatampo?" napangiti doon si Shirley.

"Ahhhhhhhhh...kasi naglilihim ka na sa akin.." depensa ni Benj.

"Asuuuuuuus...Jalbuena" at tinapik-tapik ng dalaga ang pisngi ni Benj. "May sekreto ka na nga sa akin!"

Alam ni Benj kung ano ang tinutukoy ni Shirley, muntik niya na kasing masabi ang lihim.

Samantala ang tatlong mata nakapaligid sa kanila ay halos di na magkaugaga sa selos sa pagmomoment ng dalawa.

"Ahhh.. let's go Shirley!" dahil di na makaya ni Lexie niyaya na niya umalis sila.

"Ahhh.. sige.. una na ako" tumingin ito kay Benj at inirapan lang si Drake na nasa gilid.

"Hatid ko na kayo?" yaya ni Benj.

"No need Benj andiyan na din driver ko so......bye guys!" paalam ni Lexie.

Umalis na ang tatlong babae at naiwan ang dalawang binata.

"Drake! gusto mo ba si Shirley?" kanina pa niya gusto iconfront si Drake sa inaasal nito towards Shirley pero naghahanap siya ng tiyempo.

Drake was taken aback sa sinabi ni Benj. Hindi din niya alam ang sagot. All he knows he love Shirley to be just around him, nakikita niya, nakakausap niya at napipikon niya.

"Hindi!.. bakit bro bawal ba magustuhan si Shirley?"

"No! I just don't want you to treat her that way..." madiing wika ni Benj.

"So dapat....yun trato ko gaya ng trato mo sa kanya?!"

Now Benj was taken aback. Halos lahat naman ata napapansin may gusto siya kay Shirley pero coming from Drake it doesn't sound good.

"Kaibigan ko si Shirley at proprotektahan ko siya sa abot ng makakaya ko."

"Okey!..." hindi na nagtanong further si Drake, kinuha ang bag at umalis.

Because of You (jailenash fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon