Bakit di ko yun napansin, bakit ko binaliwala si Benj.. Simula pa lang alam kong plinano mo nato, sinadya mo na di masyado pumuntos si Benj unless kailangan, para iwan namin siya.. Malakas na ang team niyo pero mahirap talunin dahil sayo - nasasisip ni Drake habang nakapamaywang nakatingin kay Shirley.
Walang pagsidlan sa tuwa naman ang district 1, natupad din ang dati pangarap lang sa grupo. Pero para kay Shirley, alam niya malayo mararating nila, alam niyang kayang kaya nila manalo. Matapos matanghal na National Champion nakipagkamay ang bawat team ng Arrows sa bagong national champions.
"Congrats Benj!.." wika ni Drake habang nakikipagkamay kay Benj.
"Salamat Drake at Salamat din sa magandang laro" tugon ni Benj at nakipagkamay ito sa iba.
Hinanap niya si Shirley at ng makita niya nagdadalawang isip si Drake puntahan ang dalaga. Ibig niya sanang pormal na batiin ito sa pagkapanalo. Tumalikod na siya patungong locker room pero hindi siya makatiis, humakbang siya papalapit sa dalaga at...
Mula sa likuran "Shirley....." humarap si Shirley "Congrats!" wika ni Drake na kinakabahan,, hindi niya alam kung sasagutin ba siya ni Shirley ng pabalang.
Nagtitigan muna silang dalawa. Pareho nilang naramdaman ang moment na parang walang ibang tao sa paligid maliban sa kanilang dalawa... hanggang sa nagsalita si Shirley.
"Salamat Drake!" nakangiting tugon ni Shirley. Isinantabi muna ni Shirley ang awayan nila dalawa at sumagot kay Drake ng naaayon.
Natuwa naman si Drake... kung gaano niya kagusto makita ang pagkainis ni Shirley ganun din ang pagngiti nito. Biglang hindi niya gusto ang nararamdaman kaya.....
"Amazona ka pa rin! hahahahaha" pangiinis ni Drake at tumawa ito ng malakas.
"Lagdameo!!!!!" naiinis ulit si Shirley.
"Peace na tayo! Sana magkita tayo ulit amazona......" at tumalikod na si Drake sa nakakunot noong si Shirley.
It was great knowing you Shirley. You give me feelings that others can't give even my girlfriend pero hanggang dito lang ako, hanggang ganito lang tayo - Wika ni Drake sa sarili habang naglalakad palayo kay Shirley.
Sa paghaharap ng dalawa may mga matang minamasdan sila sa di kalayuan. Si Ella na hindi komportable sa mga titig ni Drake kay Shirley at si Benj na hindi maipalawanag ang nararamdaman tuwing nagsasagutan si Drake at Shirley. Parehong may di maipalawanag na pangamba sa mga nararamdaman nila.
.......................................................
Malapit ng matapos ang school year, after ng palarong pampbansa sumabak agad ang mga manlalaro sa digmaan ng papel, ang kanilang final exams.
"Congratulations Benj! ikaw na talaga..." wika ni Shirley na nakaupo sa sa tuktok ng burol na tinutungo ni Benj tuwing nagjojogging.
"Ikaw din... congratulations! Graduating top of your class....galing!" sambit naman ni Benj.
"Nakakatawa nga eh! di ko namalayan ang ginagawa ko, I was active in sports than in academics... Akala ko talaga, Angel will have it."
"Asus Bernardo nagpapakahumble ka na naman.." tukso ni Benj.
"Ikaw nga diyan... almost a full time athlete pero third honors.. nagpapasalamat nga si Marj at athlete ka..hehehe.. kung hindi pehadong dehado siya.."
Tumawa si Benj at nagsalita "Siya nga pala... anong plano mo ngayon bakasyon?"
"sa bahay lang.. di ko na natutulungan sila nanay sa bukid eh, ikaw?"
"Kung saan ka doon ako... heheheheh.. Joke lang... may summer basketball clinic gusto kong sumali" seryoso niyang tugon.
"Good for you! ahhh..may tinanggap ka na na school?" wika ni Shirley.
Noong nakaraang Palaro isa sa mga nanood ay mga coaches ng malalaki at prestigious school ng maynila. Ang mga scouts na ito ay naghahanap ng mga players na pwede maging varsity sa kani-kanilang school.
"Wala pa akong napagdesisyonan, pero noon pa man gusto ko na maging bahagi ng Bows, eh ikaw?" tugon ni Benj.
"Ako? di ko pa din alam..." wika ni Shirley na may malalim na iniisip.
"Sana magkasama tayo sa iisang school..." wika ni Benj na nalukunkot sa possibleng mangyari.
"Malabo mangyari yun, hindi ko pa din alam kung papayag sila tatay na makapag-aral ako sa Maynila.. baka diyan lang ako sa bayan.." malungkot na tugon nito.
"Pwede ka naman mag-apply ng scholarship diba? at impossibleng walang naka-scout sa galing mong yan."
"Benj, team manager lang ako.. hindi ako player.. isa pa kahit may scholarship ako denpende pa rin sa pagsang-ayon nila tatay"
"Bakit naman pipigilan nila tito ang pag-abot mo sa pangarap mo at makapag-aral sa isang prestihiyosong paaralan.?" pagtataka ni Benj.
"May mga bagay Benj na di natin hawak....." tanging tugon ni Shirley.
Nagtataka si Benj kay Shirley, noon pa man ramdam niya guarded ang bawat galaw niya kahit sa paglabas ng bahay...What's keeping you here Shirley...what's keeping you? pauli-ulit na tanong ni Benj sa sarili.
"Mabuti pa, let's spend our summer to the fullest... matapos nito magiging isang bagong mundo na naman ang sasabakan natin.." pagputol ni Shirley sa madrama na nilang conversation ni Benj.
............................................................................
Isang masayang bakasyon ang naging bakasyon nila Shirley. Kahit nag-enroll sila Kobi, Kiko at Benj sa basketball clinic lage nila binibisita si Shirley at sabay na namamasyal kasama ang iba pang kaibigan.
Malapit na matapos ang bakasyon at isa-isa na silang mag-eenroll sa napili nilang skwelahan. Sinulit ng barkada ang mga natitirang araw, lalong lalo na si Kiko.
"Woooow! hindi ko alam may ganitong lugar sa Caro!" wika ni Marj na namamangha sa nakitang tanawin.
"Kasi libro lage kaharap mo Marj..." wika ni Angel na nakangiti.
"Kitang-kita dito ang buong Caro...ang ganda..." wika ni Marj.
"Kasing ganda mo..." biglang tugon ni Kiko mula sa likod.
Hawak hawak ang mga tulips, paboritong bulaklak ni Marj, pormang porma humarap si Kiko sa dalaga. Kasabwat ang buong barkada pinalipad nila Benj at Kobi ang streamer na nakasulat
"PLEASE BE MY GIRLFRIEND"...
Nagulat si Marj sa nangyayare. Pitong buwan ng nanliligaw sa kanya si Francis kahit busy ang binata sa basketball walang araw na hindi ito nagpaparamdam sa kanya sa text. Sinisigurado din nitong nakakadalaw siya minsan sa isang linggo. Pero hindi pa siya kailanman natanong ni Francis ng ganito, ngayon lang.
"Alam ko medyo fail ako sa panliligaw sayo. Hindi mo ako lage nakikita, hindi pa kita nayaya sa isang date, parang wala lang effort... but I always make to a point na lage mong mararamdaman andito pa din ako naghihintay sayong oo..... Marj de Silva can you be my girlfriend?" at binigay ang mga bulaklak na hawak.
"Hindi man kita nakikita, hindi pa man tayo pormal na nagdate at inaakala mong wala kang effort... eh nagkakamali ka.. Naiintindihan ko ang priorities mo bilang isang mag-aaral at bilang isang manlalaro. Naappreciate ko na sa loob ng pitong buwan ay araw araw mo ako binabati sa aking pagising at sa pagtulog. You have given me this much time to think what we have.. Francis Mangundayao.......... Yes, be my boyfriend!" sagot ni Marj.
Isang malakas na "YES!!!!" ang nabitiwan ni Francis at dali-daling niyakap si Marj sa sobrang tuwa.
Hindi nila napansin na pinagmamasdan sila ng buong barkada at nagpalakpakan ang mga ito.
Si Benj naman tinitingnan ang reaksiyon ni Shirley, tinititigan mula sa likuran.
Gusto mo rin kaya ng ganyan...sana magawa ko din yan sa iyo..nasasaisip ni Benj.
Ang swerte ni Marj... Kiko liked her a lot and did everything for her.. ako kaya kailan magkakaganyan? - buntong hininga ni Shirley.

BINABASA MO ANG
Because of You (jailenash fanfic)
Fanfictionsince gusto ni bebe na mala "hunger games" or "twilight" ang peg ng movie nya i thought i should make one story with a touch either of these movies. hehehe di ba? i'l try my best. well it will not be sci fi or anything like sorcerers, vampires, wol...