Sabado na at wala pa rin natatanggap si Benj natext mula kay Shirley. Hindi na niya alam kung anong nangyare dito. Tinetext niya ang kuya Joseph nito pero ang tanging sagot ay okey lang. Wala pa siyang magawa sa ngayon pero sa oras na magkita sila lagot si Shirley sa kanya.
First meeting nila Benj ngayon sa varsity kaya naman naghahanda na ito sa pag-alis.
"Benj, may pasok ka?" wika ni Manang Judi.
"Wala po manang pero first meeting ho namin sa varsity..." sagot nito at umalis na.
Dumating siya sa gym at nakita ang mga senior niya, nakita niya rin si Kiko at Drake. Hindi na sila nagtry-outs automatic na silang varsity since they are recruited right before matapos sila ng high school.
They are welcomed by there coach and seniors.
"Welcome to La Salle! welcome as BOWS! you are lucky to be indeed part of the team and we are lucky to have you as well. Lagdameo, Jalbuena and Mangundayao three great players of your generation masaya kaming kami ang pinili niyo to be part of your college life. Feel all the pressure and enjoy college." wika ng coach.
Nagsalita na din ang team captain ng Bows "Hello ako si Joaquin team captain niyo...We always have our practice twice a week except exam week wala tayong practice nun. Every wednesday and saturday at 6pm after ng classes natin will meet dito mismo sa gym. And as varsity we have our own dormitories for those who live in the province or those who prefer to shelter in dorm than stay in your homes.. Welcome kayo dun just inform ahead of time para maprepare ang quarters niyo.." wika naman ng team captain ng Bows.
"There will be tryouts next week.. invite your friends if may kilala kayo who's interested but anyway will post the schedule as part of the freshmen orientation next week. Kung napapansin niyo it was only I and the rest of your seniors ang nandito. There have been slight changes sa coaching staff but when it will be finalize you will meet them next week... any further questions?" tanong ng coach.
Nagtinginan lang ang tatlo at umiling.
"None then let the practice begin!" huling sinabi ng coach.
Pagkatapos ng practice sabay na umuwi ang tatlong binatilyo. Nagpaalam na si Kiko na mauna kasi magkikita pa sila ni Marj sa mall. Naiwan ang dalawa sa loob ng campus.
Nagkasundo ang dalawa na dumaan muna sa cafeteria to drink refreshment.
"Biruin mo sa huli magkakampi pa rin pala tayo.." wika ni Drake habang umiinom ng energy drink niya.
"Kaya nga...Pero ikaw sigurado akong noon pa man nasa listahan ka na nila.." wika naman ni Benj.
"Siguro, hindi ko alam.. yun lang lage sinasabi nila sa akin...siya nga pala saan nag-aaral si amazona? ayyy.. este si Shirley" lakas loob na tanong ni Drake.
"Yun totoo, di ko alam.." wika ni Benj na bakas ang pagkalungkot.
"Ha?! di mo alam... impossible naman ata yun.. eh diba kayo" panghuhuli ni Drake kay Benj.
Wish ko lang.. "Hindi! Ang hirap kaya ligawan nun kung sakali..hehe" hilaw nitong tugon.
Napangiti naman dun si drake at tila natuwa sa narinig pero ng pagmasdan niya si Benj may lungkot sa ngiti nito.
"So di mo talaga alam kung saan siya ngayon?" pang-uusisa ni Drake..
"Baka na sa kanila lang, lage naman sinasabi ng kuya niya na okey lang ito" at tumahimik na silang dalawa.
BINABASA MO ANG
Because of You (jailenash fanfic)
Fanficsince gusto ni bebe na mala "hunger games" or "twilight" ang peg ng movie nya i thought i should make one story with a touch either of these movies. hehehe di ba? i'l try my best. well it will not be sci fi or anything like sorcerers, vampires, wol...