Chapter 19

643 21 6
                                    

"Ano ba kasi gusto mo malaman?" tugon ng nakukulitan na si Drake.

"Hindi mo pa rin ako masagot-sagot! What's up with you and that girl?!" wika naman ng naiinis na si Ella.

"Ilang beses ko bang sasabihin na nakalaban namin sila sa practice game! yun lang!"

"Nakalaban lang sa practice game? eh ba't para kayong aso't pusa?" naghihinala na si Ella.

"What's wrong with you? pinipikon ko lang yun si Shirley... are you jealous?" panunukso ni Drake.

Oo, the way mo titigan ang babaeng yun at kung di lang kay Lexie iisipin kong siya ang tinungo mo sa table nila.- pero hindi ito ang sinabi niya.

"Ako nagseselos? sa babaeng yun? No way!" pagkukubli ni Ella.

"Babe, wala ka naman kasi dapat ikaduda o ipagselos wala lang yun sa amin ni Shirley" paglalambing ni Drake sa nobya.

"Siguraduhin mo lang Drake! I'm not just any other girl you can fool around." banta ni Ella dito.

...........................................................................................

Unang araw ng mga laro. SpSunod-sunod ang magiging laban nila Shirley. May laro sa umaga at hapon, bawat laro kailangan nilang manalo para umusad sa susunod na level.

Hindi naging mahirap ang unang araw nila, madaling natalo ng team ang kanilang kalaban. Natapos ang first day ng matagumpay kaya exhausted ang grupo.

"Bukas kailangan natin manalo para makapasok tayo sa semi-finals.. sinu-sino ba makakalaban natin?" tanong ni Kiko na nag-aayos para makapahinga.

"Bacolod... sila ang una natin makakalaban if makalusot tayo sa kanila makakalaban natin ang mananalo between Davao and Lanao." tugon naman ni Benj.

"One tough team ang Bacolod, they came third last year's palaro. Kaya tomorrow is a hell of a game." wika ni Shirley habang nagsusulat.

"I know wala na kayong panahon para panoorin laro nila.. I have some clips though.. pero I think it would be best na magpahinga na kayo.. earn your energies we need that tomorrow!" dugtong nito.

"So may game plan na?" tanong ni Kiko.

"None as of the moment... but be prepare for tomorrow... pahinga na kayo" wika ni Shirley.

Hindi pa man yun nasabi ni Shirley naghihilik na si Kobi, nagpaalam na din si Kiko matulog pero nanatiling gising si Benj.

"Ba't di ka pa matulog?" pansin ni Shirley kay Benj na nakatingin lang sa kisame.

May tatlong bed sa kwarto, si Kobi at Shirley solong solo ang tig-isang bed samantalang sina Kiko at Benj ay magkatabi sa iisang kama sa gitna. Malapit sa bintana si Shirley at halos magkalapit lang sila ni Benj.

"Iniisip ko kung kaya ba natin maging national champions, bukas makakalaban natin ang isang magaling ng team, they are once national champions" wika ni Benj.

"Dinadaga ka ba Benjamin?.... focus ka lang sa laro.. it's not about winning all the time but enjoying the game too... huwag ka masyado mag-isip at itulog mo na yan.."

Tumagilid si Benj at tiningnan si Shirley na nagsusulat...

"Ba't ikaw di ka pa matulog?" tanong nito kay Shirley.

"I'm doing my job in the team.. nagpapasalamat ako at natalo niyo lahat ng kalaban natin na team ngayong araw and you give me the chance to prove my worth."

Because of You (jailenash fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon