Second Year kami noon, nagrendering class kami sa Paco Park. Aba eh, umalis pa talaga kami sa Campus, bumiyahe ng napaka-layo para lang sa mga walang kwentang view. Di ako makahanap ng magandang subject, yung mga classmates ko nag-start na magdrawing, ako nagmamasid lang. Then suddenly I saw someone from a distant.
Umiba ako ng pwesto, medyo lumapit ako sa kanya. He was a perfect subject, ang gwapo niya. Napaka linis niyang tignan, ang ganda ng tindig niya, very masculine. Buzz cut hair, perfectly chiselled nose, mysterious eyes, kissable lips, well-defined na katawan. Yung bugbog sa work-out, batak na batak. Yung black shirt niya fit na fit sa body niya. Plus the matambok na pwet.
Patuloy parin ako sa pag-sketch sa kanya, he was having conversation with his buddies that time. Then suddenly he look at my direction, sakto namang tinignan ko siya that time. Nagkatitigan kami, parang slow-mo moment sa mga napapanood sa big screen. I break the eye contact and started sketching again, nung titignan ko siya ulit, kinindatan niya ako. Shet! Kilig na kilig naman ang lola niyo, pero di ko pinahalata but instead I continued to finish the drawing.
Tinatapos ko yung shading ng drawing ko nun, nung biglang may nagsalita.
"Ayos ah, galing mo brad, kuhang kuha, ang gwapo naman ng subject mo".
Hindi ko nilingon yung nagsasalita sa likod ko but instead I replied. "Ganun lang talaga kung inspired ka while doing your craft plus factor din yung perfect subject"
"So you mean I'm perfect?"
Dun na ako lumingon. Ahy, pakshet, yung hot guy, nasa tabi ko na, mas gwapo pa siya sa malapitan, nagpapa-hot pa sa kanya yung pag-chew niya ng gum. I cleared my throat.
"Ahemmm, sorry ah. I didn't say your perfect, pero parang ganun narin"
"Ayos, perfect pala ako. I'm Pierre pala brad, ikaw ano pangalan mo?" Sabay abot ng kamay niya at umupo sa tabi ko.
"Grei"
"Cool, parang kulay"
"Gray is not a color Pierre, it can't be refracted from pure light"
"Tang ina genius ka pala, ganun ba? Wala palang kwenta yung matagal na panahon na pag-aaral ko, ni simpleng kulay di ko alam"
Kwela pala siya. Sabay nalang kaming tumawa.
"Anong course mo brad?"
"Architecture, ikaw?"
"Criminology"
"Pwede akin nalang yang ginuhit mo? Remembrance ba, para palagi kong maalala na ang Gray ay hindi kulay"
"Loko-loko, di pwede eh, ipapasa ko ito sa Prof. ko. And speaking of, time na pala, I need to go"
"Wait, kunin ko nalang number mo, I just wanted to know you better. Parang ang gaan kasi ng loob ko sa iyo, maybe we can be friends. At papagawa rin sana ako ng portrait eh, anniversary gift sa girlfriend ko"
"Sure" binigay ko nga yung number ko at pati din naman siya. Bigla naman ako nawalan ng pag-asa, may girlfriend pala siya.
That night he texted me, he even called me, gusto lang daw niya ng may sense kausap. Kahit marami akong hand written reports that night, nakipag telebabad parin ako sa kanya. Marami akong nalaman tungkol sa kanya, at ganun din naman siya sa akin. Pero di ko na sinabi yung di magandang details, akin nalang iyon lahat. Sa mga sumunod na araw, nagmeet kami, sinasamahan ko siya manood ng sine o mag-mall pag busy ang girlfriend niya. Fashion Designer ang girlfriend ni Pierre, si Nix, maganda siya, parang model. Ginawan ko sila ng painting na dalawa, medyo SPG yung tema, hindi naman siya as in Nude painting session, pero very sensual. Buti natapos ko yun, medyo nakaramdam ako ng heart ache that time. Umabsent pa ako sa Saturday Class ko para lang doon.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Disaster (boyxboy)
RomantikDumating ka na ba sa point na halos delubyo nalang yung nangayayari sa buhay mo? Yung andami mong tanong pero wala kang mahagilap na kasagutan. Kahit and Diyos ay kwinestiyon mo narin. Naririnig mo ba ako? Kung totoong merong Diyos, dinggin mo ako...