Begin Again (11)

1.1K 46 1
                                    

I still remembered the first time I saw him, I was at bliss.

Second Year kami noon, nagrendering class kami sa Paco Park. Aba eh, umalis pa talaga kami sa Campus, bumiyahe ng napaka-layo para lang sa mga walang kwentang view. Di ako makahanap ng magandang subject, yung mga classmates ko nag-start na magdrawing, ako nagmamasid lang. Then suddenly I saw someone from a distance.

Umiba ako ng pwesto, medyo lumapit ako sa kanya. He was a perfect subject, ang gwapo niya. Napaka linis niyang tignan, ang ganda ng tindig niya, very masculine. Buzz cut hair, perfectly chiselled nose, mysterious eyes, kissable lips, well-defined na katawan. Yung bugbog sa work-out, batak na batak. Yung black shirt niya fit na fit sa body niya. Plus the matambok na pwet.

Patuloy parin ako sa pag-sketch sa kanya, he was having conversation with his buddies that time. Then suddenly he look at my direction, sakto namang tinignan ko siya that time. Nagkatitigan kami, parang slow-mo moment sa mga napapanood sa big screen. I break the eye contact and started sketching again, nung titignan ko siya ulit, kinindatan niya ako. Shet! Kilig na kilig naman ang lola niyo, pero di ko pinahalata but instead I continued to finish the drawing.

Tinatapos ko yung shading ng drawing ko nun nang biglang may nagsalita.

"Ayos ah, galing mo brad, kuhang kuha, ang gwapo naman ng subject mo".

Hindi ko nilingon yung nagsasalita sa likod ko but instead I replied. "Ganun lang talaga kung inspired ka while doing your craft plus factor din yung perfect subject"

"So you mean I'm perfect?"

Dun na ako lumingon. Ahy, pakshet, yung hot guy, nasa tabi ko na, mas gwapo pa siya sa malapitan, nagpapa-hot pa sa kanya yung pag-chew niya ng gum. Imagine mo nalang si Neil Perez na nagpapcute sa tabi mo habang kusang nalalaglag yung panty mo – ganun yung feeling 'day. I cleared my throat.

"Ahemmm, sorry ah. I didn't say your perfect, pero parang ganun narin"

"Ayos, perfect pala ako. I'm Pierre pala brad, ikaw ano pangalan mo?" Sabay abot ng kamay niya at umupo sa tabi ko.

"Grei"

"Cool, parang kulay"

"Gray is not a color Pierre, it can't be refracted from pure light"

"Tang ina genius ka pala, ganun ba? Wala palang kwenta yung matagal na panahon na pag-aaral ko, ni simpleng kulay di ko alam"

Kwela pala siya. Sabay nalang kaming tumawa.

"Anong course mo brad?"

"Architecture, ikaw?"

"Criminology"

Tapos naging magkaibigan kami, naging pa-fall siya dumating yung time na nag-iwasan dahil nagtapat lang naman ako ng feelings ko sa kanya. After that parang tinuldukan niya yung pagkakaibigan namin at dun talaga ako na-frustrate. Para naman kasing contagious disease yung pagiging bakla ko para layuan niya ako ng ganun. Tapos ayun bumalik siya, at dun ko naman siya pinagtabuyan na dahil masyado ng masakit yung rejection na yun. And then one day nga ay nagbiro ang tadhana at pinaglapit kami ulit sa Friel Studio.

"Ba't di mo sinabing Tita mo pala si Mam Tina? Ba't di mo sinabing magaling ka palang sumayaw?"

"Nagtanong ka ba? Ikaw din naman ah, di mo sinabing sumasayaw ka pala, at sa Friel pa"

"Akala ko may aptitude ka lang sa Photography, mahilig magsolve ng mystery, magaling kumanta at tumogtog ng gitara"

"Yun nga yung masaya eh, yung mas nakikilala natin ang isat isa sa tuwing magkasama tayo, kaya nga mahal kita. Marami tayong similarities, bagay tayo Grei, bagay na bagay"

A Beautiful Disaster (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon