9:30 na nung makarating kami sa Club, maraming nasa entrance. Buti nalang kasama namin si Matt – yung boyfriend ni Kai, connections you know kaya nakapasok kami agad. Pero before I entered may pumukaw ng atensyon ko sa labas. Isang lalaking may katangkaran, nakaupo sa hood ng kanyang sasakyan. Nagyoyosi, nakaleather jacket, and he was looking towards me. Kahawig niya si Tom Daley, yung Olympic Diver. Pero mas matangkad at manly lang yung dating niya. Naloko na, ang gwapo, kung totoo man yang Cupid's arrow – natamaan na ako that moment. Yung goal ko kanina ay magpakasaya, uminom ng marami at magwala sa dance floor. Pero nung makita ko yung hot guy, nag-iba yung timpla ko. Parang na-hypnotized naman ako sa look niya, konti lang yung ininom ko, cocktails lang. Di rin ako sumama kina Kai sa pagsayaw, nagpaiwan ako sa may bar area. Nababalot na ng ingay yung club, pero yung utak ko yung image parin ng lalaki ang pinoproseso.
Someone sit beside me then nagsalita siya. "Alone?"
Tinignan ko yung nagsasalita. Pakshet dre, si Tom Daley, ay este, yung lalaki sa labas kanina. I cleared my throath and started to respond. "No".
"Love that lie huuh! Ang tipid mo namang magsalita, aren't you enjoying?"
"Biglang nagbago yung mood ko eh"
"Ooooh, so tell me what's your flavor baby? I mean, can I offer you a drink instead? What do you like? Beer, Martini, Tequila Sunrise, Mojito, Margarita?"
"Margarita nalang"
Tinawag niya yung bartender at umorder nga. Pero di parin siya umalis, ang swerte ko, eto na ba to?
"So, may I know your name?"
"I'm Grei" sagot ko
"I'm Ralph pre"
Naka 3 glasses na rin ako ng Margarita nun nang magsalita siya ulit.
"Grei, let's go outside, masyado nang magulo dito"
Sumama naman ako, pagtayo ko medyo nakaramdam ako ng pagkahilo, pero I still managed to walk. Tinext ko si Kaira na lalabas na ako at uuwi na. She replied, "Ok best, inggat ka". Sumama ako kay Ralph, mukha namang mabait siya. Pumunta kami sa kotse niya at umupo sa hood nito. Siya naman humiga, stargazing daw.
"Tell me about yourself, parang ang lungkot mo kasi, sanay ka ba talagang mag-isa? Taga-saan ka? Nag-aaral ka pa?" sunod sunod niyang tanong.
"Dude, isa isa lang. I'm Grei. Yes, sanay akong mag-isa, nakatira ako somewhere in Q.C, and yes ulit, nag-aaral pa ako, 4th year na, hindi ka ba naiilang sa akin, knowing my gender orientation?"
"Walang problema sa akin kung gay ka, bisexual, or anything, ang mahalaga mabuti kang tao at may sense kausap, magkapit bahay lang pala ang schools natin, tama ba?"
I just nod. "Ikaw naman, tell me your story"
Nalaman ko nga na Ralph Eisen Buenavides yung pangalan niya. Kumukuha ng Development studies course sa Ateneo, graduating, member siya ng swimming team. Kaya pala ganun yung built niya, megawwwd Tom Daley lang talaga ang peg. Nalaman ko rin na kaka-break lang nila ng girlfriend niya, dahil after graduation, lilipad na siya patungong Amsterdam para sa Masters niya at baka dun narin siya for good dahil andun yung pamilya niya.
"You know Grei, I like you, may boyfriend ka na ba?"
"Hah? Wala"
"Are you into a different kind of relationship? Yung fling fling lang, yung masaya lang, walang commitment, no strings attached, basta masaya lang tayo sa company ng isat-isa"
"I don't know" yan lang ang nasagot ko.
"Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan. Look, life is too short para ikulong ang sarili natin sa isang sitwasyon from our past. Pag nasasaktan, laban lang, move on. Yan dapat ang motto in life. We need to be adventurous at sumabay sa trend, kung di ka marunong lumangoy sa rumarasagang agos, tiyak matatangay ka, wala kang patutunguhan. I just want to live my life to the fullest, nakakasawa ang mag-senti. Yung nalalabing araw ko dito sa Pinas, I just want it to be memorable, I just want it to be happy, and I just want to spend it with you – ok ba yun sayo?"
BINABASA MO ANG
A Beautiful Disaster (boyxboy)
RomantizmDumating ka na ba sa point na halos delubyo nalang yung nangayayari sa buhay mo? Yung andami mong tanong pero wala kang mahagilap na kasagutan. Kahit and Diyos ay kwinestiyon mo narin. Naririnig mo ba ako? Kung totoong merong Diyos, dinggin mo ako...