Chapter 03

1.3K 64 1
                                    

We have this subject nung 4th year, planning subject. We need to immerse ourselves in a unique community na preserve na preserve parin ang culture, architecture at traditions. Every group, sampu yung members, Batanes yung sa amin. Di ko kasama sina Kaira noon, sa Sagada sila, yung iba naman Ilocos. I was mesmerized by the place, it was a paradise actually. Parang dinadala ka ng lugar na iyon sa ibang dimension, so tranquil.

Bale 1 week kami doon para mag-gather ng data at details. The third day, sa Community Chapel na yung ido-docu namin. I refused to go with the group, nag-dahilan nalang ako na masama ang pakiramdam ko. Pero ang totoo, I hate to enter places of worship, hindi talaga ako bagay dun. Kung naghahanap kayo ng malalim na dahilan, wala akong maibibigay.

Instead, pumunta ako sa Lighthouse, dun sa Mahatao, para medyo malayo from Fundacion. Di ako nabigo sa tanawin na nakita ko. It was very relaxing. Kung pwede lang sana tumalon nalang sa Cliff at instant na mawawala na yung frustrations ko sa buhay, ginawa ko na. Pinikit ko yung mga mata ko, linanghap ang fresh air, pinakingan ang sound of nature. Nung dumilat ako, I saw the beautiful Mountain ranges, bigla akong may naalala. "Tang ina, lakas naman makathrow-back, hindi naman Mayon yan, bushit. Bushit ka, Pierre Matthew Fuentebella". Sigaw ko, knowing na wala naman makakarinig sa akin doon.

"Di ka niya maririnig, nagsasayang ka lang ng energy" biglang may nagsalita sa likuran ko. Pagtingin ko, si Enzo, sinundan pala niya ako. Di ko nalang siya pinansin.

"Affected ka parin ba, siya ba ang dahilan kung bakit ganun yung reasoning mo sa Philosophy class, bitter na bitter?

Di parin ako sumagot. Actually, isa si Enzo sa mga numi-ninja moves, nagpapapansin. Bisexual siya sabi ng iba, pero di ko pa siya nakitang nagka-relationship sa guy, mostly girls yung nililigawan niya. Gwapo naman siya, mas matangkad lang ako ng konti sa kanya, may lahing Chinese, mayaman, maputi. Pasado naman, pero di ko type. Kahit mukha namang masarap, ay este, mabait pala.

"Tama nga ako, mahal mo pa siya, base sa kilos mo, one sided love yan noh?"

Dun na ako nainis, pakialamero ang gago. "Why? Do you care? Ba't ka ba nangingialam?

"I just want to help, baka kailangan mo ng makakausap"

"Thanks, but no thanks"

"Ang suplado naman nito, tama nga sila, hindi ka lang opinionated at matapang, matalino ka nga, magaspang naman yang ugali mo. Why do you let pain consume your beautiful heart?"

"Gago ka rin no, close tayo? You don't have the right to judge me, hindi mo ako kilala, at di mo ako maiintidihan"

"Then magpakilala ka, ipa-intindi mo sa akin yung mga di ko maiintindihan. Yan yung hirap sa iyo, you let yourself to believe na kayang iprocess lahat ng utak mo ang mga nangyayari. Yang pagiging suplado mo, defense mechanisms mo lang yan. Actually, behind those defensive walls of yours, is a fragile soul, a fragile heart. Why not try to bring those defensive walls down, and let other people help you"

May point siya dun, pero marami parin akong di naiintindihan.

"Trust me Grei, I'm a good listener"

Trust, big word in a small pack. Nabibili sa mga suking botika? Punyeta, yun yung mahirap ibigay, ang Trust. Pero I tested my chances, nagopen-up ako sa kanya. Marami siyang pinayo sa akin, marami siyang tinurong ways on how to handle situations efficiently. Nakuha na niya yung loob ko, nagtatawanan na kami.

"Alam mo Enzo, sana mas maaga kitang nakilala. Parang hindi tuloy bagay sayo maging Arkitekto, bat di ka kumuha ng Psychology, baka mas marami kang matulungan dun"

"Actually yun yung gusto ko noon, but my Dad insisted me to take this fucking course, nung tumagal, ginusto ko naman na."

Hapon na nung makabalik kami sa Fundacion. That was the start of our friendship. Nung natapos yung Batanes trip, mas naging close kami ni Enzo. Siya yung kasa-kasama ko tuwing lunch pag wala si Kaira. Siya yung sumasama sa akin sa Vargas, o kung trip ko mag-sketch sessions somewhere sa University pag free time. Dun din siya nagpaalam na manliligaw daw siya sa akin. Na gusto daw niya ako.

A Beautiful Disaster (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon