Chapter 13

937 47 3
                                    


To the most beautiful DYsaster that happened to my life, Zaire Graysen:

DY,

By the time you'll be reading this I'm sure di mo na ako kapiling. But don't let this event or this painting consume you. Hayaan mo lang ang mga gawa mo na nakasabit sa dingding. Pag napatayo mo na yung dream house natin dun sa site na pinili mo, gawan mo ako ng gallery ha. Lahat ng paintings mo at mga photographs ko dun mo ilagay. Pati yung portrait ko na naging dahilan kung bakit tayo nagkakilala, yung may grade na 79, ilagay mo rin doon. Pasalamat ka sa 79 na yan dahil nauwi tayo sa 69 (napangiti ako, kahit kailan talaga manyak to, nagawa pa talagang magbiro sa farewell letter niya). You've completed me in those numbered days Grei, at gaya ng sinabi ko sa iyo nung sinagot mo ako sa Café', I will love you till lifetime. Pero sana maniwala ka na I will love you forever. Kung bibigyan pa ako ulit ng isa pang pagkakataon na bumalik sa mundo, di ka man maalala ng utak ko, pero hahanapin at mamahalin ka parin ng puso ko. I promised you that I will never go again, pero this is life, this is my happy ending. Happy kasi until the day I die, nakasama kita – hindi ka umalis. I want you to be happy Grei, I want you to finish your Masters at maging successful ASEAN Architect. I want to set you free now and soar high gaya ng sinisimbolo ng estatwa sa pinakamamahal mong pamantasan, I know you are broken pero kayanin mo para sa akin. Nasa black envelope na ang lahat ng makakatulong sa iyo, ang mga sagot sa tanong mo. Till we meet again Grei, I love you so much."

Saktong tumawag si Enzo sa akin that day, I broke down. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa mapagod na ako. Yung puso at kaluluwa ko parang pinupunit. Galit ako sa mundo, galit ako sa lahat, wala akong masisi, putang inang mga purpose yan. The next day, na-cremate na ang mga labi ni Pierre at iniuwi na ito sa Legazpi, di na ako sumama sa kanila dahil di ko kakayanin ang sakit.

I resigned from my work kahit nakatakda na ang promotions ko, pinipigilan ako ng boss ko, he even gave me a 1 month leave para di lang ako mag-resign. I turned down his offer, pursigido ako mag-resign. Di narin ako pumasok sa Masters class ko, di ako maka-concentrate. Simula noon, pariwara na ang buhay ko. Madalas ang paglalasing ko, mga hook-ups, sex sa kung sino-sinong matipuhan. Medyo napapabayaan ko na nga rin yung sarili ko, wala na talaga pang pag-asa – kulang ako kung wala si Pierre. Di ako sinusukuan ni Kaira, nung matapos ang Dubai project, at nalaman niyang nag-resign ako sa firm panay ang punta niya sa Condo, puro sermon at pangangaral. Until one day, natauhan nalang ako. Napagod narin ako sa mga ginagawa ko, pansin ko rin na hindi na tumutunog yung wind chime.

Naglakad lakad ako sa may BGC, 4 days after ng 1st death anniversary ni Pierre. Marami akong nakakasalubong na mga taong may itim na krus na nakapahid sa kanilang mga noo. Na-wirduhan ako, alam ko namang ash Wednesday yun, pero bakit sa tuwing makakasalubong nila ako para silang nakakita ng demonyo – baka nga. Bumalik ako sa Condo, pagbukas ko ng pinto, tumunog ang wind chime. Nagulat ako pero natuwa, dahil pag tumunog yun meaning andun si Pierre. Nakita ko yung sketch pad at charcoal pencil dun sa desk, matagal na yun dun, 1 year din akong di nag-drawing or nag-paint. Naligo ako, nagbihis at naisipang pumunta ng Diliman. Kung anong dahilan, wala lang, feel ko lang. Ginamit ko yung itim na kotse ni Pierre.

Tumambay ako sa isang place, nagmasid masid tapos biglang may nakapukaw sa atensyon ko. Perfect subject. A guy reading a voluminous book. Tisoy, napaka-neat niya tignan, buzz cut hair, very formal yung dating niya sa suot niya. Kinuha ko yung sketchpad ko at charcoal and I started to draw. Nung matapos ko yung portrait, someone approached me – babae.

"Mr. Andrade, been a long time since I last saw you. Musta na Architect?"

Si Ana, classmate ko nung 2nd year, at pati narin sa Masters class. Architect din siya, nagtuturo sa isang public University.

"Eto, patambay tambay lang, sketch sketch"

She look towards my subject pagkatapos ay ngumiti. "Tan-tan" sabay kaway niya. Tumingin yung lalaki tapos ay kumaway din.

"Kilala mo?"

"Yeah, classmate ko siya noon sa PSHS (Phil. Science High School), nagte-take siya ng Law dito, isa siyang Forensic expert sa crime lab, Tristan Jonas Balaguer yung name niya, Tan-tan for short, gusto mo ipakilala kita"

"Oh, no no. Nakakahiya" pero medyo nagulat ako dun ah, isa siyang forensic expert, oh what a coincidence.

"Miss ka na namin sa Masters class, sayang ka Grei, malapit ka narin sana matapos, why don't you come back?"

"I'll think about it, sa mga nangyari sa buhay ko parang di pa ako handa"

"Ok, by the way, may exhibit pala dito sa Saturday, punta ka ha?"

"Sure"

Nag-attend nga ako ng exhibit, magaganda yung mga exhibit, lalo na yung mga paintings. Pero mas na-amaze ako dun sa mga photographs. One photo caught my attention, I saw myself there in the photo. Tandang tanda ko ang araw na yun, the sunset that changes my life. Yun yung araw na namatay si Pierre, yun yung araw na nasa Roxas Boulevard ako, yun yung araw na kinausap ako ng isang weird na matanda. I can't help myself but cry seeing an image that brings back the bad things that happened to me. Ana approached me nung makita niya akong umiiyak.

"What's wrong?"

"Wala, di ko lang iniexpect na makita ito dito"

"Ako nga rin eh, nagulat ako nung makita yang picture mo"

"Do you know kung sino kumuha niyan?"

"Of course, si Tan-tan ang kumuha ng mga yan, yung ginuguhit mo nung isang araw. Actually sabi niya sa akin magaling daw yung mentor niya sa Photography, nag-training sa New York at Malaysia, yung mentor niya sayang daw at maagang namatay"

Nagulat ako sa sinabi niya, seeing those photographs may tatak Pierre ang istilo. Hindi kaya si Pierre ang tinutukoy ni Tristan na mentor?

After namin sa exhibit nag-aya sina Ana at mga dating classmates ko na mag-bar daw kami. Party, party, pumayag naman ako. Iniwan ko yung kotse ko dun sa dati kong apartment, at sumama sa kanila. Medyo madami din akong nainom that night. Then nung mga 11:00 na, I decided to go home, kaya nagpaalam na ako. Pagkalabas ko sa bar, nag-abang na ako ng sasakyan, mga isang oras na pero wala paring humihintong taxi. "Taena, nalintikan nanaman"

Tapos biglang may huminto na puting sasakyan sa harap ko, binaba niya yung side window. It was him, yung ginuguhit ko, yung law student, yung photographer – si Tristan.

"Can I drive you home? Mahirap mag-abang ng sasakyan dito" sabi niya.

Sasagot na sana ako noon nang may mapansin akong familiar na mukha na tumatawid sa kalsada. Siya yung matandang binigyan ko noon ng 500 sa Roxas Boulevard, yung weirdo. Tumakbo ako papunta sa kanya pero biglang may mabilis na sasakyan na papunta sa direksyon ng matanda, binilisan ko ang pagtakbo at tinulak ko siya. Then all went blur, nakadama ako ng sakit sa ulo ko, sa buong katawan ko. Nawalan nalang ako ng malay, all went blank and dull.

"Grei, Grei.... Wake up!"

A Beautiful Disaster (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon