Chapter 09

1.2K 55 0
                                    

October, Sunday, 6:30 AM. Mga 3 hours palang ang tulog ko, may nagdoor-bell sa unit. Bumangon ako kahit medyo inaantok pa, inis na inis. Wala naman kasing magbubukas nun kundi ako lang. Pagbukas ko ng pinto, si Pierre lang naman. Bihis na bihis, bagong ligo, ewan ko kung naligo sa pabango, ang gwapo shet. Hiyang hiya naman ako sa itsura ko, bagong gising, ang baho tignan. Laki ng smile ng loko, pinapasok ko siya. Umupo sa sofa, ako naman pumunta sa may lababo para magmumog at mag-hilamos.

"Grei, labas tayo"

"Lintik na yan ah, ang aga-aga, saan naman tayo pupunta?"

"Sa Quiapo, magsisimba lang tayo"

"Ako? Magsisimba? Naka-drugs ka ba, lokohin mo na ang lasing, wag lang ang puyat na kagigising"

"Mag-mall nalang tayo, dali ligo na, bihis na"

Inirapan ko siya. "Ano bang Mall yan na nagbubukas ng 6:30 ng umaga? Alam ko, may mga mall nag nagsasagawa ng Sunday Worship, kung nandito ka para bwisitin ako ng ganito kaaga, mabuti pang umuwi ka na"

"Dito nalang muna ako"

"Naku, sayang yang dress to kill aura mo brad, uwi ka na, itulog mo lang yan"

Pumanhik ako sa itaas, babalik sa naudlot na pag-tulog.

"O, saan ka pupunta?"

"Matutulog uli ako" sumunod siya sa akin, at nahiga sa tabi ko. Inaantok pa talaga ako, kaya umidlip na ako. Naramdaman ko nalang yumakap ang loko. Napangti nalang ako.

Nagising ako, 9:30 na, sakto lang dahil 10:30 yung pagpunta ko sa Friel. Nakaramdam na din ako ng gutom, wala na si Pierre sa tabi ko, baka umuwi na nga si Nevermind. Pero pagbaba ko ng hagdan, nakabukas yung TV sa sala, nanonood si Pierre, habang nasa may tabi niya si Cody. Naghanda narin siya ng breakfast, sweet noh.

"Ah Kuya, hindi ka ba talaga uuwi? Pupunta kasi ako sa Friel."

"Kuya? Nang-iinis ka ba talaga? Friel? Yun ba yung Dance studio?"

Tumango lang ako.

"So marunong ka palang sumayaw? Kailan pa?"

"Ay hindi, magaling akong kumanta, kaya nga pupunta ako sa isang dance studio para mahasa ang boses ko. Maliit na bagay, kailangan pang i-detail"

"Bago yan ah, hindi ko alam na magaling ka palang sumayaw, Good. Pwede ba akong sumama?"

"Marami ka pa talagang di alam sa akin. At saka, ano naman gagawin mo dun?"

"Wala, papanoorin lang kita, moral support"

"Napaka-formal naman ng supporter ko pag nagkataon. Tignan mo yang suot mo, parang dadalo sa JS Prom, ay hindi, sa binyag pala"

"Pahiram nalang ako ng jogging pants at t-shirt DY"

Sumama nga siya sa Friel, nagkataon naman na di pumasok yung madalas na partner ko na si Ate Jasmine kaya solo ako. Magka-kilala pala sina Pierre at yung Choreographer namin.

"Pierre why don't you join Grei, partneran mo tong kaibigan mo, di ba magaling ka sa contemporary?"

"Sure, why not"

Tumayo na nga siya sa kinauupuan niya. Medyo natatawa ako pero di ko pinakita sa kanya. Si Officer, sasayaw? Marami din pala akong di alam sa kanya. Ano kaya kahihinatnan ng routine na to, katatawanan? Handang handa na ako noon, kabisado ko yung mga steps para sa anumang tugtog. Mam Tina played the music, Nak Nang, No Air – Jordin Sparks at Chris Brown. Nagkatinginan kaming dalawa.

"Tell me how I'm supposed to breathe with no air"

"Ooooh, I love this song" tugon niya ng nakangiti habang titig na titig siya sa akin, isa sa favourite namin yung song na yun. Gusto ko na gumalaw, pero bakit ako frozen dun. Siya yung unang nag-move. He's dancing at my back, parang macho dancer na nang-seseduce. I'm petrified, yung mga steps niya, yun yung tinuro ni Mam Tina. Then sa part ni Chris Brown, dun ko na siya sinabayan. Parang kabisado niya yung routine, sabay na sabay siya sa ginagawa ko. Parang may connection yung utak at katawan namin while dancing. Damang dama namin yung kanta, yung feeling ko ako yung girl doon, nalilift, doing the turns, jumps. Ako yung gumawa nung part ni Ate Jasmine, pagbigyan ang ambisyosa. We portrayed the song to the best we can. Hiningal naman ako sa routine. After the dance, we earned an applause from Mam Tina and my classmates.

A Beautiful Disaster (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon