Prologue to A Beautiful Redemption

1.7K 36 11
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hoy Migoy, nakatunganga ka nanaman diyan. Ang lalim nanaman niyang iniisip mo. Nakapag-luto ka na ba?" pang i-spoil ni Yaya Melba sa page-emote ko kaya naman pinandilatan ko nalang siya.

"Siya parin ba? Kalimutan mo na yun, walang kwenta yun"

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Oh dali kwento ka, makikinig ako" tugon niya.

"Nakita ko siya kanina sa MRT"

"Bakit ka nag-MRT kasi?"

"So kasalanan ko pa ganun?"

"CEO ng kumpanya mage-MRT, aba matibay. Tag hirap na?"

"Pag CEO di na pwedeng mag-MRT?"

"Malay ko, CEO ba ako?"

"Ikaw alam mo, hay naku ewan ko na"

"Pero nung makita mo tumibok parin?"

Tumango lang ako.

"Asus ang bakla, di makamove-on. Mahal mo parin Migoy, tsk tsk tsk. Ipaglaban mo!"

"May anak na siya eh"

"Yun lang, kabog ang matres ng lola mo"

Napa-buntong hininga nalang ako.

"Oh siya tama na ang drama at magluto ka na para maka-kain na tayo ng maaga para makapanood ako ng paborito kong teleserye"

"Alam mo ikaw di ko narin alam kung anong inaplyan mo nun eh, kung katulong ba oh amo. Iba ka rin eh, matindi"

"Hehehe, testing lang ikaw naman. Eto na nga oh, magluluto na"

Tumayo na nga siya sa pagkaka-upo niya at nagtungo na ng kusina. Mga ilang minuto din ang nakakalipas ay tumungo din ako sa kusina para kumuha ng mansanas.

"Matanong ko lang, asan na pala yung bata na pumupunta dito noon, Robie ba yun? Yunah? Ano na nga ulit?"

"Yohan!" sagot ko.

"Ayun, Yohan. Ba't di na yun nagpupunta dito, nabawasan tuloy yung good spirit sa bahay na to"

"So bad spirit ako ganun ba?"

"Mej"

"Aba ang loka, may pa-mej, mej ka na ngayon ah"

"Hihihi, nakaka-hawa kasi si Mam Anya"

"Yung pinsan ko Mam ang tawag mo samantalang sa akin na nagpapa-sweldo sayo Migoy ang tawag mo. Husay no, husay!"

"Syempre, close tayo"

"Sabi?"

"Yeah. Eto iniiba ang usapan, alam mo kung naglilihi lang ako paglilihian ko yung batang iyon. Ang gwapo eh, ganda ng lahi. Ba't di nalang siya ang jinowa mo"

"Ikaw, maglilihi? Asa!"

"Ay grabe ka sa akin. Hindi porket taga bundok lang ako wala na akong angking alindog. Di mo natatanong ako kaya pambato ng barangay namin sa mga Beauty Pageant"

Natawa ako sa sinabi niya, as always naman nakakatawa siya. "Ang saklap namang beauty pageant yan"

"Ay grabe siya talaga, excuse me. Miss Photogenic kaya ako, Best in Talent at Miss Congeniality"

"Taray naman, ganda naman this girl. Ganda, hayop sa ganda"

"Naman!"

"Eh ilan naman kayong naglalaban laban?"

"Lima lang yung Sitio sa Barangay namin eh, so lima lang kami. Top 5 agad, lahat kami may korona. Oh diba, fabulous?"

Tumawa nalang ako. "Ano namang tanong sayo?"

"Di ko na matandaan eh, English kasi"

"Pero anong sinagot mo?"

"Thank you for that very wonderful question. For that reason, I decided to be the fourth runner up. Ganun, so hiyawan silang lahat sa akin. Ayun, ako title holder"

Nagtawanan ulit kami, kahit kailan talaga ay stress reliever ko tong si Yaya Melba. Sa lahat ng naging kasambahay namin ay siya lang yung naka-tagal sa ugali ko. Masungit daw kasi ako at laging sumisigaw. Ibahin mo tong si Yaya Melba, sumisigaw rin pag sinisigawan ko. Hanep no, iba rin kung maka-demand ng increase. Magi-invest daw sa stock market dahil yun daw ang turo ng TrulyRichClub. Oh edi siya na talaga, cool ng kasambahay ko noh.

"Ano nga, asan na nga yung Yohan?"

"Interested ka?"

"Sige na kasi, nasaan na yung batang yun?"

Nagkibit balikat lang ako, dahil maski ako din ay di ko rin alam kung nasaan na yung ugok na yun.

Itutuloy.....

Abangan....

Follow me: PrinceZaire  

A Beautiful Disaster (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon