CHAPTER 8: Girlfriends

3.5K 45 2
                                    

CHAPTER 8: Girlfriends

Papunta na ko sa university namin. Nag taxi lang ako. Hindi na ako hatid sundo. Kasi naman, si Kenneth ang naging driver ko dati pero dahil break na kami. Wala na siyempre. Ba’t ko ba yun iniisip? (--.) Akala yata ng parents ko, asawa ko na bahala sa transportation ko. Ayun nga yung lalakeng yun, tulog na tulog pa din sa bahay. Maaga naman kasi akong umalis ng bahay kasi mahaba habang pilahan na naman kasi toh.

Ang saya ko, makikita ko na naman kasi sila Bridget. I miss my girlfriends. Ilang araw din kaming hindi nagkita kita. 2 days? I guess.

Hindi pa naman kadamihan ang mga estudyante. Ang excited ko naman yata. Asan na ba sila?

Ang laging meeting place namin, dito sa may Centennial Tree, CenTree for short, sa gilid ng soccer field. Obviously, super tanda, super laki at super tatag ng punong to ah. Subok na ng panahon.May nakapalibot na bench dito, as in pa circle at malapit ito sa may catwalk that’s why dito ang tagpuan namin.

Umupo ako sa side na nakaharap sa soccer field. Kinuha ko yung IPod and earphone ko at sound trip sound trip muna. May mga naglalaro ngayon pero hindi sila yung varsity players. Kung sila yang naglalaro, malamang, umalis na ko dito. Hindi ako nakakatiis sa kakulitan nila pag wala dito sina Bridge, specifically Kat. Ang lakas kasi ng trip nun.

After 20 minutes…

Nawala na ang excitement sa katawan ko. Kumikinang na ang mga noo ng mga soccer players.

After another 20 minutes…

At tuluyan ng naging pawisan ang mga soccer players. (-.-)

Kinuha ko phone ko and dialled Bridget’s number.

-- CALLING BRIDGET --

(Sophi! I’m driving. Park lang ako.)

-- END OF CALL –

Kay Bridge. Kuha ko. (-.-)

What about Kat? Bianca? Ayoko nang tumawag. Sayang sa battery.

After ilang minutes, dumating na si Bridge.

“Sophi! IMY!” Bridge. Sabay hug.

“Yeah! Tagal natin di nagkita. Halos di na kita makilala.” Ako.

“Haha. Funny. What’s that look Phi?” Bridge.

“Ang look na toh ay ang look ng pinaghintay na babae sa ilalim ng makasaysayang punong ito! Halos tubuan na ko ng ugat dito.” Bulalas ko.

“Wala pa naman kaya okay lang yan. Haha. Sorry Phi. Traffic kasi.” Bridge.

“Sophi!!!! Bridge!!! Oh Em! Grabe traffic.” Kat. Pasigaw na sabi habang tumatakbo takbo ng konti.

Sabay acting pa si Kat ng parang nagpapahid ng pawis sa noo. Eh wala naman, nakapag retouch na toh siyempre. Napaka vain niyang babae. Tsaka sinong pagpapawisan sa traffic kapag nasa air-conditioned car nakasakay. (--.)

“Ewan ko sainyo noh. Nasayang ang effort ko gumising ng maaga.” Ako.

“Hey bruha! Anong sayang mo jan. There oh…” Kat. Sabay turo sa mga soccer players. “May magandang tanawin naman dito. It’s not really boring here.” Umupo siya and tumingin sa mga naglalaro with hearts sa mga mata.

“Wala ka talagang pinalalampas Kat. Iba ka!” Bridge.

“Sometimes. Ahaha. Wait! Where’s Bianca?  Gosh! She’s so late.” Kat.

“Wow! Nahiya naman ako sayo Kat ha.” Ako.

“Sorry na Phi!” Kat. (^o^)

“Haaay naku. Mabuti na lang at tinuruan ako ng yaya ko ng salitang pagpapatawad.” Ako.

THEIR MARRIAGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon