ATM, sexy na sexy akong nakatayo sa closet ko with only my undergarments. Yup. Confidently sexy but almost an hour stupidly thinking kung anong damit ang isusuot ko. Ang dami kong hinugot sa closet na damit at naitapon sa kama dahil sa pagiging undecided. But eventually, for the remaining last 30 minutes before ng aming 7pm formal dining outside, as per Joshua's terminology, napili ko lang din naman ang pinaka unang dress na naisukat ko.
--_______--
Very me. Always ending up on my first choice.
The dress is quite simple, an off shoulder midnight blue dress na hanggang mid thigh ang length. Pagkatapos kong magbihis ay naglagay na ako ng light make up and I curled up the ends of my hair. Feeling satisfied with my looks ay sakto namang may kumatok sa kwarto ko. The 2nd time of the day.
After one last look sa salamin at isang malalim na inhale exhale ay kinuha ko na ang pouch bag ko at gomora na ko sa pinto.
Pakabukas ko ay aktong kakatok sana ulit siya pero natigil siya sa gulat sa pagka excited ko at ako din naman ay hindi nagpatalo sa gulat pero yung akin ay dahil sa gwapo ng nasa harap ko. Smart casual, coat na ipinatong sa fitted blue shirt and black pants ang outfit niya tonight.
Bagay kami. I mean, yung matching colored outfit namin.
"Hi." Nahihiya niyang bati. Aba! Kelan pa nawalan ng self confidence toh? "Beautiful. I...I mean, your hair..your dress..your shoes and your face." Okay. He's kinda confusing. "You're beautiful tonight, that's what I really mean."
After ng munti niyang speech ay ito naman ako, blushing!
"Thank you." Sabay ipit ng hair sa tenga. "Ikaw din, gwapo."
--_______--
Gusto kong saktan ang sarili ko bigla. Hindi man lang marunong makatanggap and magbigay ng compliment.
"Uh, thanks?" Siya. Kahit ata siya nahiya din sa sinabi ko. "Lets go?"
Nagpunta na kami sa sasakyan niya at dahil maganda ang gabi, gentleman siyang pinagbuksan ako ng pinto.
Nang makaupo na siya sa drivers seat, "san tayo pupunta?" Tanong ko.
"I know this restau that serves the best steak in town and you'll definitely like its place." And then he flashed me his million dollar smile. Kahit sobrang kunat pa ng steak na yan, willing to go pa din ako kahit saan man yan.
--______--
Ay ano na naman ba itong pinag-iisip ko.
During sa car ride, bumalik ang normal relationship namin. Walang awkwardness o kung ano pa man. Kwentuhan at tawanan kaya kahit inabot ng isang oras ang byahe dahil sa traffic ay di na namin namalayan.
Nang dumating kami sa destination namin na isa palang hotel, ay kalmado lang akong nagmamasid sa paligid kahit deep inside ay halos gusto kong magpictorial sa lobby pa lang ng hotel.
He guided me papapuntang elevator dahil nasa rooftop ang restaurant. Pagdating sa taas ay hangang hanga ako sa ganda at pagka classy ng restau. Ang mga kumakain dito ay mga naka formal attire na lutang na lutang ang mga kayamanan. Sa tingin ko ay medyo under dress kami ni Joshua pero dahil sa confidence at itsura namin ay well, we blend in.
BINABASA MO ANG
THEIR MARRIAGE
HumorSophia is madly in love with her boyfriend pero he suddenly broke up with her. After the break up, her parents ask her to marry their business partner's son. Dahil sa pain, pumayag siya. What will happen to their marriage? Would it work or not?
