CHAPTER 27: Textmate

3K 76 39
                                    

 

A/N:

Sorry late update. Minahal kasi ako ng sakit ko, di ako iniwan agad. Extended tuloy bakasyon ko. One week na kong absent.

May share ako sainyo, ang complicated ng namumuong buhay-pag-ibig ko. Di ko expected na tatamaan ako ng makasaysayang anong-pipiliin-mo-friendship-o-love. Pang wattpad lang.

Kaya nga ako nakapag-update. I’m so confused. Hahaha. San ko yan napulot?

Anyways, may magbabago nga pala. Di ko alam kung in favour kina Sophia and Joshua. Basta! Magbasa na lang tayo. HAHA.

 

 

CHAPTER 27: Textmate

 

 

Nang makalabas ulit ako, naghihintay pa rin siya sa labas. Kailangan ko ng maka get over.

“Sorry.” Lumapit ako sakanya pero hindi ako umupo.

“It’s okay.” Siya. “Halika na. Matulog na tayo.” Tumayo siya, inakbayan ako.

“Ha?”

“Sa kwarto ko na ikaw matulog. Papapalitaan na lang natin ang bed sheet bukas.” Siya.

“Okay.” I’m slowly dying.

“I’ll just change.” Siya. Nakapasok na kami sa kwarto niya.

Humiga ako sa kama niya, I feel so comfortable here. Pakiramdam ko, I belong here. Hindi ko na siya nahintay makabalik, I drifted into my most peaceful sleep.

.

.

Nagising ako sa kama ni Joshua. Ang saya ko na sana pero unti unti akong nakakaramdam ng stomach cramps. Shoot. Dysmenorrhoea.

Tumagilid ako at ilinagay ko ang kamay ko sa tiyan para lagyan ng pressure. Nakapikit ako dahil sa sakit. Narinig kong bumukas ang pinto at may tumabi sakin. Hinawakan niya ang noo ko.

“Angela. Gising ka na? Okay ka lang?” siya

“Yes and no.” Sagot ko, nakapikit pa rin ako.

“May masakit ba sayo?” siya

“Dysmenorrhoea.”

“Dadalhin na kita sa ospital.” Binuhat niya ako. Bridal style.

THEIR MARRIAGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon