A/N:
miyetooot:
Hahahaha. Dalawang chapter pala nadedicate ko sayo. Ganyan kita kamahal. haha.
______________________________________________________________
Waaaaah! Dinner na pala. Di man lang ako ginising ni Joshua. Mabuti pa ang tiyan ko, maaasahan, ginising niya ko.
Nagpalit na muna ako ng damit. Pagbukas ko ng pinto, papasok din si Joshua.
“San ka pupunta?” siya.
“Kakain po.” Ako. Pumasok na siya, sinarhan ang pinto at nagdive sa kama.
“Wag ka ng bumaba, nagpadala na ko ng pagkain.” Binuksan niya ang tv at nagpapalipat lipat ng chanel.
“Ha? Hindi tayo sasabay sakanila kumain?”
“Hindi. Ang ingay nila.”
“Hala. Baka isipin nila, wala tayong manners.”
“Natuwa pa nga na dito lang tayo at sinabi kong napagod ka sa byahe. Bukas, makakabonding mo naman sila.”
“Ganun? Okay.” Natutuwa sila na dito lang kami? Hindi naman ako slow. Sorry po mga kamag-anak, wala pa yan sa isip ko. Hindi pa madadagdagan ang lahi ninyo, not yet.
Dumating na ang pinakahihintay kong pagkain. Sa veranda kami kumakain. Kung in love lang kami, super romantic ang drama namin ngayon. May candles sa table, madaming stars, ang ganda ng view ng dagat at humahangin hangin pa. Papasa na pang music video.
“Joshua, sigurado kang okay lang na di tayo sumabay sakanila?”
“Kulit. Oo nga. Sila pa nga nag-suggest ng sinabi kong pagod ka.” siya
“Eh bakit mo kasi sinabi na pagod ako? Eh di naman ako pagod.”
“Ha? Ano kasi...akala ko pagod ka kasi nakatulog ka na naman.” siya
“Di yun pagod. Antok tawag dun.” ako
“Pareho lang yun.” siya
“Di kaya. Anyways, ayoko ng kumain.” ako
“Siyempre, inubos mo na.” siya
“Hahahaha. Parang ako lang yung umubos ha. Lets stand, ayoko lumaki tummy ko. Baka isumbat mo na naman sakin yan.” ako
“Sumbat? Haha.” Siya.
Tumayo na ko and nagpunta sa may rail para pagmasdan ang view mula dito sa veranda. Ang ganda, nakaka relax. Naramdaman ko na lang tumabi si Joshua sakin.
“Ang ganda noh?” ako.
“Yeah. But you’re more beautiful.” Siya.
“I know.” Ako.
“Nilalamig ka?” siya.
“Ha?” Ako. Nilagay niya sa likod ko ang jacket niya.
(0.o)
Sinabihan niya ko ng maganda. Ipinatong niya jacket niya sakin. Anong nangyayari? Tinitingnan ko siya, at nginitian niya ko.
“Joshua?”
“Bakit Angela?” Nakangiti niyang tanong. Hindi ko na kaya toh...
Kinurot ko ang pisngi niya.
“Aaaaaw. Bakit?! Alisin mo yan...Araaaaaay!” siya. Kinukurot ko pa din siya. Nanggigigil ako.
“May pa more beautiful beautiful ka pa jan ah! At pa jacket jacket pang nalalaman.” Inalis ko na kamay sa mukha niya. Hala! Masyadong namula yata. So what?

BINABASA MO ANG
THEIR MARRIAGE
HumorSophia is madly in love with her boyfriend pero he suddenly broke up with her. After the break up, her parents ask her to marry their business partner's son. Dahil sa pain, pumayag siya. What will happen to their marriage? Would it work or not?