CHAPTER 19: Literally Close
“5, 4, 3, 2, 1 Happy Birthday Lolo!!” Sigaw naming lahat at kumanta na sila ng pambansang happy birthday song. Di na ko sumabay baka ma-carried away ako, bumirit ako bigla.
Kanina pa kami mayroong mini-program. Mga relatives and close family friends lang ang invited. Ngayon, gift giving and oras ng bumati. Usually, yung bisita ang dapat magbibigay ng speech para sa celebrant pero dahil matanda na si Lolo, sabi niya siya daw ang may mas karapatan na mag-speech. Naramdaman kong hinawakan ako ni Joshua sa waist and led me papunta kay Lolo.
“Happy Birthday po Lolo.” Ako. Bumati din si Joshua at inabot regalo namin. Yung libro na binili namin ni Joshua at yung scarf na binili ko sa mall kasama sina Bridget.
“Thank you Joshua and Angela.” Tumingin siya sa ibang mga bisita. “Alam niyo bang naaalala ko sakanila ang kabataan namin ng Lola ninyo? Ganyang ganyan din kaming nagsimula, aayaw ayaw saakin noong una pero kita niyo naman, nandito kayo ngayon sa mundo.” Nagtawanan ang lahat.
“If you were married in a wrong reason, that’s not a ground for not having a successful and happy marriage. You start building your foundation, a friendship. But I guessed you already established that.” Ngumiti siya saamin. Tiningnan ko si Joshua, akala ko bored siya pero nagulat ako kasi seryuso din siyang nakikinig.
“Trust, respect and acceptance are the next keys. And you’ll just realize the love. I know you two will work it out. But I’m hoping it will be sooner. I want a new baby in the family.”
“Lolo. I can feel it would be sooner, sooner as we think. Hahaha. GO BABY JOSHY! Itayo mo ang bandila ng mga Imperial!” Sigaw ni Mira, nagtawanan ulit sila. May iba ding relatives na nag-cheer. Pakiramdam ko, umiinit na naman ang mukha ko.
Pagkatapos ng mini-program, yung iba bumalik na sa rooms nila. Yung ibang mga pinsan naman, nag-bonfire. Si Joshua, bumalik sa kwarto namin, may kukunin lang daw siya. Me? Here, kumakain ng cake.
“Hey sissy. Alone? Si Joshua?” Mira.
“May kinuha lang sa kwarto namin. Si Donnie?”
“Ayun. Soundly Sleeping. Pagod kaka-swim.”
“Kita ko nga. Halos ayaw nang iwanan ang dagat.” Ako.
“Sinabi mo pa. Anyways, I saw you and Josh getting along well. I’m happy for you. Ang sweet nyo kanina. Bagay na bagay talaga kayo.” Siya.
Anong sweet?
-FLASHBACK-
Pagkatapos namin kilitiin si Donnie, nag-swimming na kmi.
“Punta tayo doon sa floating cottage.” Siya
“Ayoko. Malalim na doon.”
“Akala ko ba marunong kang lumangoy?”
“Marunong nga pero baka may horror jan.” Ako.
“Ha?” siya
“Alam mo yung sa mga movies, may pinatay na babae tapos tinapon sa dagat at doon siya nagmumulto. Magpapakita siya sakin sa ilalim tapos hihilahin ako. Waaaaaaah! Scary. Ay ano ba yan Joshua!”
Wala na! Wala na talagang demokrasya sa mundo. Hinila na niya ako. Hinayaan ko na lang siya. Wala naman na akong magagawa. Sabay kaming lumangoy, hawak niya ang kamay ko.
Holding-hands-while-swimming? (-.-)
Nang makarating kami sa floating cottage, tinulungan niya kong makaakyat. Curious lang ako, paano nakalutang toh? May dalawang medyo malapad na upuan, mesa sa gitna na may flowers sa ibabaw. Mayroong pink na tela na nakasabit sa apat na corners na linilipad ng hangin. Ang galing diba? Umupo kami sa sahig ng cottage so nasa tubig ang legs namin.
BINABASA MO ANG
THEIR MARRIAGE
HumorSophia is madly in love with her boyfriend pero he suddenly broke up with her. After the break up, her parents ask her to marry their business partner's son. Dahil sa pain, pumayag siya. What will happen to their marriage? Would it work or not?
