CHAPTER 13: Naughty Joshua
JOSHUA’s POV:
Umaga na pala. Anong oras na ba? May pasok pa ko.
Sa sofa na naman ako natulog. Simula nung nagpakasal ako, sa sofa na ko lagi natutulog.
(--.)
Bakit may blanket dito?
Angela?
Asan na yung chubby na yun?
Umakyat ako papunta sa kwarto niya.
Ayos na kaya siya?
*Knock!
*Knock!
Nakadalawa na kong katok, tama na yun. Binuksan ko na ang pinto. Hindi naka lock.
Pakapasok ko, wala siya.
May rule kaming bawal pumasok sa kwarto pero ilang beses na kong nakapasok dito na di niya alam. Wala naman akong pinapakialaman sa gamit niya, gusto ko lang tumambay dito.
Humiga muna ako sa kama niya.
Ang bango, ang tamis. Pakiramdam ko tuloy, katabi ko lang siya. Gaya kagabi.
Tsss.
Bakit ko ba yun iniisip?
Ay tokwa!
Bumukas ang pinto ng banyo.
Napatalon ako mula sa kama pababa.
Andito pala siya.
Nakadapa akong nagtatago sa gilid ng kama niya. Mukhang hindi ako nakita. Kung nakita niya ko, malamang magwawala yun.
BINABASA MO ANG
THEIR MARRIAGE
HumorSophia is madly in love with her boyfriend pero he suddenly broke up with her. After the break up, her parents ask her to marry their business partner's son. Dahil sa pain, pumayag siya. What will happen to their marriage? Would it work or not?