CHAPTER 15: Chubby Ko

3.9K 38 4
                                    

CHAPTER 15: Chubby Ko

Boring.

Boring.

Boring.

Tumingin ako sa mga katabi ko.

Si Bridget, nakaupo ng tuwid, naka cross-legged, yung itsura ng isang reyna habang nanonood ng isang grandiose show. Ang problema lang, naka poker face sa professor. Well, ibig sabihin niyan, linalabanan niya ang antok within her soul.

Si Kat, nakapangalombaba at nakapikit ang mata. Mukhang dyosang nag-iisip lang.

Si Bianca, nakasubsob ang ulo sa mesa. Parang tambay lang, walang poise. (-.-)

Ang boring kasi ng klase. Kasi naman, boring na nga ang subject, linagay pa sa pang alas dos na sched. Di ba nila naisip ang tamang pagsched ng boring na subject? Malamang hindi.

After almost an hour. I give up.

“Maam. Excuse me.” Ako. I caught everybody’s attention. Nagsitinginan naman ang mga girlfriends ko. Sorry girls, alam kong binabalak niyo ng gawin toh pero uunahan ko na kayo.

“Yes Miss Marquez?” Tinatawag pa din akong Miss Marquez. Para lang si Kris Aquino, nung mag-asawa pa sila ni James Yap, Miss Kris Aquino pa din. Oh diba? Parang celebrity lang dating ko.

“Maam. I’m sorry but I’m suffering from a dysmenorrhoea and I can’t help it. May I go to the clinic to get a pain reliever? I’ll be back soon.” Of course may pa-pikit pikit pa ko ng mata while holding may abdomen.

“Yes of course Miss Marquez.”

“Thank you Maam.” With that, I left the classroom. Hindi ko na pinansin ang mga kaklase kong inggit na inggit sakin. Wahahaha. Sorry Maam, wala akong balak bumalik. Sorry girlfriends, hindi kasi kapani-paniwala kung lahat tayo may sakit.

Naghihintay na ko ng taxi. San ba ko pupunta? Ayoko pang umuwi, boring din doon. Wala akong kaasaran.

Kaasaran? (^o^)

Sakto. May taxi na.

“Kuya, R.U. po tayo.” At nagfly fly na ang taxi ni Kuya.

Pakababa ko, I entered their University. May pa-interview interview pa si Manong Guard at pumirma ako sa log book nila kasi hindi naman ako estudyante dito. Nagtanong na din ako kung san ang building ng Business Ad. Mahaba haba pa ang lalakarin ko. Dapat daw kasi bumaba daw ako sa kabila pang gate. Sorry naman Manong Guard.

I’m walking. At napapagod na ko at ang wedge ko. I stopped and umupo sa bench. Magpapahinga muna ako. Kinuha ko earphones ko and nagplay ng music. Ang ganda ng ganitong buhay, walang maingay, hindi magulo, ang ganda pa ng panahon, mainit pero mahangin.

“Miss.”

Ha? Lumingon ako sa likod ko. Gulp! Di ko napansin, bakit may mga lalake sa likod ko? I think lima or anim.

“Bakit?” ako.

“You’re sitting on our spot.” Sabi nung lalakeng nasa gilid na mukhang may halong ibang lahi.

“Sorry.” Hindi naman ako stupid para makipag-agawan ng bench. Sakanila na. Kinuha ko ang bag ko and tumayo paalis pero may humawak sa braso ko. Yung lalakeng nasa gitna, siguro siya ang leader nila. Tiningnan ko lang siya at tinaasan ng kilay.

“Yes?” Well, matangkad, moreno at gwapo. Sanay na ko makakita ng gwapo kaya walang epekto ang itsura niya sakin. Hinawi ko kamay niya.

“You may stay if you want.” And he smirked. Loko pala toh. Nginitian ko na lang ng fake at umalis pero humarang yung mga kasama niya, my second attempt to leave. Naiinis na ko ah. Ang init na nga, pinapainit pa nila ulo ko.

THEIR MARRIAGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon