Prologue

289 23 48
                                    

Prologue:

Nandito lang ako sa loob ng aming silid. Tahimik na nakaub-ob sa aking upuan. Hindi ako nakikinig sa turo ng guro namin, nawalan na ako ng gana. Tumingala ako at iginala ko ang aking mata sa silid. I wish I couldn't have done that. I met his gaze, pero umiwas din siya ng tingin. Tumingin siya sa kanyang katabing babae. The next thing he did caused a pang of pain in my chest. He smiled to the girl and stole a kiss from her cheeks. Lalong sumikip ang dibdib ko. Umub-ob nalang ulit ako sa aking desk. Naramdaman kong nagluluha na namang ang aking mga mata. Geez, why do I always end up crying? I really hate him...

"Class dismiss.." nang marinig ko iyun ay agad akong tumayo at mabilis na lumabas ng silid. Salamat naman at natapos na ang last subject. Dumiretso ako sa c.r, nais ko sanang magtagal doon pero..

"Uy, ano nang nangyari kayla Layla at Mark?"
"Oo nga, break na ba sila?"
"Siguro, hindi na sila nagpapansinan at nagsasama kagaya ng dati"
"Oo nga, si Althea na ang kasama niya ngayon"

Mas malala pa pala ang naririnig ko dito kaya dali dali kong pinunasan ang aking luha at lumabas ng cubicle. Halata namang nagulat ang dalawang babae na nag-uusap dahil nakita nila ako. Nginitian ko lang sila ng pilit at lumabas na nang c.r. Dumiretso ako sa field, pumunta ako sa favorite spot ko. Pumunta ako sa Acacia tree na nasa gilid. Gloomy ang paligid, medyo blue ang atmosphere dahil maggagabi na. 5:37 pm na, ang aga nga naming pinalabas eh, dapat kasi 6:00 pa. Tamad talaga ang science teacher namin. Dinama ko ang malamig na simoy ng hangin at pinikit ang aking mga mata, kasabay nito ang pagtulo ng aking luha. Bakit ganon? Ano ba ang ginawa kong masama para masaktan ng ganito?

Minulat ko ang aking mga mata at pinunasan ang mga tumulong luha mula rito. Ngunit talaga namang galit na galit sakin ang tadhana. Nakita ko sila Althea at Mark na nakaupo sa damo at masayang nagkwekwentuhan.

Gosh, I hate drugs..

Natawa na lamang ako ng bahagya dahil sa salitang nabanggit ko sa aking utak. Masyadong masakit sa mata at puso ang aking nasasaksihan ngayon. Ngunit nanatili ako doon at tumingin lang sa dalawang walanghiya sa harap ko, ngunit nasa kalayuan naman sila. Dati ako ang ginaganyan niya, pero ngayon, may bago na ang gago...

Pasensya na sa mga masasamang salita, ganyan talaga kapag nasaktan. Muli kong naramdaman ang pagtulo ng aking luha. Peste naman, bakit ba ako iyak ng iyak? Hindi naman ako iyakin pero iba ang nangyayari ngayon. Ang sakit, ang sakit sakit. Parang kailan lang ako ang katawanan niya, ako lang ang pinapatawa niya, ako ang mahal niya, pero sandali lamang akong nalinga, ako'y may kapalit na. Tandaan niyo, huwag kayong magmamahal ng lalaking 'Mark' ang pangalan. Halimaw ang mga iyan, sakit lang ang idudulot ng mga yan.

BEEP! BEEP!

Napatingin naman ako sa sasakyang bumusina. Agad akong tumayo sa aking kinauupuan dahil sundo ko na pala iyun. Sumakay ako ng sasakyan at tahimik lang na umupo buong biyahe. Pagdating ko sa bahay ay nakita kong nakaabang sa hagdan ang magaling kong ina. Doon pa man din ang daan ko patungong kwarto. Masesermonan na naman ako nito.

"Ano iyung naikwento sakin ng teacher mo na hindi ka na nagiging active sa school? My ghad Layla! You should be responsible! You're in a fix marriage Layla! Fix yourself! You should become a responsible wife for your future husband!" Blangko ko lang siyang tiningnan na mas lalo niya atang ikinagalit.

His LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon