chapter 8

125 11 21
                                    

Chapter 8: Permanently
Jungkook's POV

Limang araw na ang nakalipas pero hindi parin siya nagigising. Ano ba ang dapat kong gawin para magising siya?

Napatingin naman ako sa pinto ng bumukas ito. Sila tita pala. Tumayo ako at nagbow

"Good morning po tita" bati ko

Ngumiti lang naman siya ng bahagya at tumango.

"Nagising na ba siya?" Tanong ni tito

"Hindi pa po eh" wika ko

"Jusko. Kailan pa siya gigising? Kailangan makapunta tayong America sa lalo't madaling panahon" tita

"Bakit naman po?" Tanong ko

"Doon isasagawa ang operasyon. Mas magagaling ang doctor doon kaysa dito" sagot ni tito

"Nakahanap na po ba kayo ng donor?" Tanong ko

"Hindi pa iho eh. Pero hahanap kami sa lalo't madaling panahon" tita

"Tutulong po ako tita. Ano po ba ang pwede kong gawin?"

"Wag na iho. Dito ka nalang at bantayan mo si Layla. Pwede mo bang gawin yun?" Tito

"Ah sige po" sagot

"Sige iho mauna na kami. Dumaan lang kami. Maghahanap na ulit kami. Balitaan mo nalang kami kapag nagising na sa Layla" tumango lang naman ako bago sila umalis

"Hays.. Bibili nga muna ako ng makakain sa labas. Saglit lang ako ha" parang tangang wika ko habang nakatingin kay Layla

"Huh?" Guni guni ko lang ba yun o tumango talaga siya? Aish jinjja, nababaliw na ako.

Lumabas na ako ng kwarto ni Layla. Binilisan ko talaga ang pigbili. Mga tatlong minuto lang ata ang tinagal ko. Agad akong bumalik sa kwarto. Pagbukas ko ng kwarto ay nabitawan ko naman agad ang pagkaing hawak ko.

"Layla?!" Kinakabahan kong tawag sa pangalan niya. Wala kasi siya sa kama niya. Agad naman akong naghanap sa buong kwarto. Bubuksan ko na sana yung pinto ng cr pero may pumihit ng doorknob. Medyo napaatras naman ako ng bumukas na ng tuluyan yung pinto.

"Hhmm? S-sorry, ihing ihi na kasi ako kaya tinanggal ko na yung mga nakakabit sa ka-" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit.

"H-huy! Ayos ka lang? Naiyak ka ba?" Hindi ko siya sinagot. Naramdaman ko namang yumakap siya pabalik. Tinatapik tapik niya din ang likod ko.

"Grabe ka maka-react ha. Saglit lang naman ako natulog eh" Anong saglit? Limang araw kaya yun!

"Tsaka saglit nga! Galit ako dapat sayo eh!" Aniya at tinulak ako pero hindi ko siya pinakawalan. Pilit niya akong tinutulak pero hindi ko siya pinapakawalan.

"Ano ba? Bitaw nga! Kanina ka pa naka-" bigla naman siyang natumba at buti nalang ay hawak ko siya

"Anong nangyari?" Alalang tanong ko. Tinulungan ko siyang makatayo at binuhat ko siya papunta sa kama niya habang hila ko ang dextrose niya.

His LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon