chapter 10

87 9 63
                                    

Chapter 10: A not so bad day
Layla's POV

Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Tanghali na ata. Iminulat ko ang aking mata at sinubukang bumangon. Pero bago pa man ako makabangon bumagsak na ako pabalik sa kama. Tangina! Bibilhan ko na talaga ng Kumamon stuff toy itong si gluta para hindi na ako yakapin nito. Kadalasan kasi ganito ang nangyayari. Oh well, buti nasanay na ako sakanya. Dati kawawa siya kasi nasisipa ko siya pababa ng kama kapag ganun. Biskwet na durog naman oh! Bakit naman kasi kailangang katabi ko tong gluta na to?!

Sinubukan kong bumangon sa pamamagitan ng pagtulak dito ng bahagya. Biskwet... Ano yung matigas na yun? Tinanggal ko ang makapal na comforter na nakabalot samin.

"Ho..may..ghad..." BISWKET NA DUROG NAMAN OH MIN YOONGI!!!

"AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHH!!!"

~*~

"A-aww! Huwag mong diinan!" daing ni gluta

"Huwag ka kasing malikot!" asik ko. Nililinis ko kasi yung putok niyang labi. Biskwet na durog naman oh, bakit naman kasi?! Ugh! Ibibili ko na talaga siya ng Kumamon stuff toy or better yet, papagawa na ako ng kwarto ko!

"Ikaw naman kasi!" asik ko ulit

"Ano bang ginawa ko?! Natutulog lang ako ah! Well, bukod sa nakayakap ako sayo ay wala na akong ginawa" aniya

"SINO BA NAMAN KASING MATINONG LALAKI NA TATABI SA BABAE NG WALANG DAMIT DIBA?!" Oo, iyun ang dahilan ko bakit ko siya nasipa sa mukha. Buti nga t-shirt lang ang wala siya. Eh kasi naman! Bakit topless ang glutang to?! Abs niya pala yung matigas kanina. Biskwet lang!

"Ang init kasi kagabi kaya nagtanggal ako ng damit" parang wala lang sakanya yun ah

"Teka nga, anong mainit?! Eh ako nga halos sumiksik sayo kasi ang lamig tapos naiinitan ka?" takang tanong ko. Totoo naman eh. Ang lamig kagabi kasi umulan ng malakas plus naka-on pa ang ac.

"Alam mo minsan naiisip ko kung isa ka ba talagang Lomerouge? Tangahin ka din eh" aniya. Diniinan ko nga yung paglilinis sa labi niya.

"ARAY! Hustisya naman!" aniya

"Bakit nga kasi?!" tanong ko

"Kingina! Lalake ako Layla! Tapos sisiksik ka sakin ng ganun?!"

"Maano naman?!"

"Gusto mo bang magka-anak tayo?!" Napatigil ako saglit

"Ano namang masama dun?" tanong ko. Siya naman ang natigilan.

"Tangahin ka talaga! Kung magkaka-anak tayo, pano na kayo ni Jungkook?"

"Bahala na siya sa buhay niya. Matiwasay sana siyang mabuhay kasama ang pamilya niya" sinserong wika ko kahit na masakit

"So susunod ka nalang ganun?" tanong niya

"Iyun naman talaga ang rason kung bakit ako nabuhay eh. Wala na akong pake, bago manlang sana ako mamatay magka-anak ako kahit tatlo" wika ko bago pinagpatuloy ang paglilinis sa labi niya

His LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon