chapter 3

146 17 12
                                    

Chapter 3: Moving On
Layla's POV

Aray! Ang sakit ng ulo ko! Wengya naman oh! Isang baso lang ang ininom ko pero sakit agad ng ulo ko? First time ko kasing uminom eh. Tinry ko lang. Minasahe ko saglit ang aking noo bago bumangon at naghilamos.

"AAAAAHHH!" Napatili ako ng malakas kaya naman agad kong tinakpan ang aking bibig. Buti na lamang at hindi ko ata naabala si Jungkook. UWAAAH! MAY PIMPLES AKO! Isa sa ilong at isa noo! Kainis!

Nagpunta ako sa bedside table ko para kunin ang suklay pero may note na nakalagay sa may lampshade ko.

'Wala nang bawian ha? Magtutulungan tayo. Huwag kang mag-alala, aalagaan kita. Haha. Kapag nabasa mo na to, bumaba ka na. Lasing na lasing ka kagabi kahit isang baso lang ang nainom mo.. tsk tsk..

~Jungkook'

WTF LAYLA! Anong pinaggagagawa mo kagabi?! Anong pinagsasasabi mo huh?!

Onti onti namang nagflash sa utak ko ang mga ginawa ko kagabi. Nagkwento ako at nagkwento din siya. Uminom ako tapos nalasing ako. Tapos sabi ko sa kanya na nagmo-move on na ako. Tapos sabi niya tutulungan niya akong mag move on as long as tutulungan ko din siya. WHAT? ANO BA TONG PINASUKAN KO?! Tapos sinabi ko pa pala sa kanya na sana alagaan niya ako at pahalagahan hindi kagaya ng iba. OMO! Nakakahiyaaaa!!! Wala na akong mukhang maihaharap sa kanyaaa!! AY WAIT. Sinabi niya bang maganda sana ako kaso cute lang ako? Ugh! Bakit parang may naaalala akong ganon?!

KNOCK! KNOCK! KNOCK!

Nagulat naman ako sa lakas ng katok na yun. Hala! Baka si ilong yun! Anong gagawin ko?!!

"BINABALAAN KITA! HUWAG KANG PAPASOK! MAMAMATAY KA KAPAG GINAWA MO YUN!"

Wala akong maisip eh! At saka wala akong mukhang maihaharap sa kanya! Nadala ako kagabi kaya ako nakapag-open at nagkwento sa kanya! Tapos ito naman si loko nakijoin sa pagdradrama ko! Aish! Kainis!

"YAH! Hindi ako papasok! Tumawag lang sila Tita. Ang sabi, maghanda at mag-ayos ka daw. Yung magmumukha ka naman daw tao tapos pumunta ka sa ***."

"Ano namang gagawin ko dun?" Galing namin eh, hindi na kailangang buksan ang pinto para mag-usap.

"Malay ko! Iyun lang ang sabi sakin eh!"

"Okay, sige! Layas ka na dyan!" Sigaw ko at tumakbo na sa bathroom. Medyo nagbabad ako sa tub, siguro about 30 minutes? Matapos ay nag-ayos ako. Nagsuot ako ng blue dress at silver wedge. Nagpolbo, lipgloss at pabango bago lumabas ng kwarto. Hindi na ako kakain. Wala akong ganang kumain, pero nakirot parin ang ulo ko. Hays.. Pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko si ilong na nanonood ng tv at tutok na tutok.

"Yah! Aalis na ako!" Paalam ko sa kanya. Napatingin naman siya sakin pero hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Ayan na ba ang mukhang tao?" Napatigil naman ako. Kainis! Ang aga aga nambwibwisit tong ilong na to! Ay teka, bakit bihis din siya?

"Bakit ganyan ayos mo?" Tanong ko sa kanya

"Eh pinasama ako ni tita eh. Halika na, baka magalit yun kasi ang tagal natin" lumapit ito sakin at hinawakan yung kamay ko.

"Yah! Wanna die?! Bitawan mo kamay ko!" Hinihigit ko pabalik yung kamay ko pero ayaw niyang bitawan.

"Akala ko ba mag mo-move on tayo? Edi start na natin ngayon." aniya at hinigit ako papunta sa sasakyan. Buti na lamang at sanay akong magsuot ng gantong mga sapatos kundi nadapa na ako kanina pa. Ang lakas ni ilong. Biskwet na durog naman oh! Bakit naman kasi ako pumayag sa sinabi niya? Argh! Kainis! Pagdating namin ay nandun si mama nag-iintay samin. Hindi pa namin siya nababati ay nagsalita na agad siya.

His LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon