chapter 1

168 20 24
                                    

Chapter 1: Complicated
Layla's POV

BAKIT NANDITO YANG LALAKING YAN! CAN SOMEONE PLEASE EXPLAIN THINGS TO ME!

"Oh, so this is Layla. Napakagandang bata" medyo natauhan lang ako nung may nagsalita. Pinaupo ako ng aking ina sa tabi nung lalaking nandun. Nang makita niya ako ay kumunot ng todo ang kanyang noo kagaya ng akin. Masama kaming nakatingin sa isa't isa.

"Sabi na nga ba't bagay silang dalawa" hala! Kailang pa kami naging bagay? Tao kami tss..

"Oo nga ano" yung ina ko naman manghang mangha din. Gusto talaga nitong ipamigay ako. Yung ama ko naman kung makatitig saming dalawa ay parang approve na approve. Grabe sila, ni hindi nga nila hiningi ang opinyon ko tungkol dito eh. Ganyan naman sila, walang pake sakin. Nang magawi muli ang aking tingin sa aking ina ay tiningnan ako nito na parang sinasabing: 'magpakilala ka'.

"Good afternoon po. I'm Layla Kaye Lomerouge. It's a pleasure to meet you" ngumiti ako sa kanila kahit pilit lang.

"Oh! You're very gorgeous when you smile iha" sabi nung babae. Medyo napangiwi naman ako dahil tumango tango pa yung lalaking katabi niya.

"Tss" rinig kong reaksyon ng katabi ko. Aba peste to ah! Pasalamat siya at nasa harap kami ng magulang ko kundi nabatukan ko na siya.

"I'm Elisa Jeon, and this is Jugyum Jeon, my husband. You can call us tito and tita" tumango naman ako.

"Hindi na namin papatagalin to. You two, are in an arrange marriage. You will be married next month, for this time, you can get to know each other a little more" nagkatinginan naman kami ni ilong na katabi ko. Yeah, si ilong-slash-Jungkook ang katabi ko ngayon, at kung minamalas ka nga naman ay siya pa ang aking papakasalan. Mukha kaming nandidiri sa isa't isa kaya umiwas agad kami ng tingin.

"You can go to your house now.." sabi ni tita

"WHAT?!" sabay naming sambit ni ilong.

"You will be living in the same house from now on. Layla, he's your fiance now, what do you expect?" Galing talaga ng nanay ko eh. Tss!

"Nandon na ang ilang gamit mo, dadating bukas yung iba" sabi ng magaling kong tatay.

"Jungkook, magpakabait ka kay Layla ha?" Medyo natawa naman ako sa sabi ni tita

"Mom, I'm not a kid anymore" ilong

"Yeah, we know. Ikakasal ka na nga eh" tito

"Dad!" Ilong

"Hahaha, just be good, son" ani tito at ginulo ang buhok ni ilong. Buti pa siya, mukhang mahal na mahal ng kanyang magulang. Eh ako, eto, nakaupo lang habang nakatingin sa magulang ko na naglalakad palayo.

"Okay, bye now" sabi ni tito at pati tita. Nginitian naman nila ako kaya bahagya akong ngumiti. Lumapit naman samin si tita at kinuha ang isa naming kamay.

"Dapat ganyan" pinaghawak niya ang aming kamay at sa hindi malamang dahilan ay bahagya akong nagulat ng nagdampi ang aming kamay. "Umuwi kayo ng ganyan ha?" Aniya at kinindatan pa ako. Pagkatalikod naman nila tita ay binitawan ko agad ang kamay niya.

His LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon