chapter 6

131 18 21
                                    

Chapter 6: Issue
Layla's POV

Pagkamulat ko ay nasilaw ako dahil sa ilaw. Kumisap pa ulit ako ng ilang beses bago ko nakayanang imulat ng matagal ang mata ko. Naka-oxygen mask ako at may dextrose na nakakabit sakin. Bumangon ako at iginala ko ang aking paningin. Nasa kwarto pala ako. Umupo ako at medyo nag-inat inat. Bumukas naman bigla ang pinto. Agad siyang lumapit sakin.

"Ayos ka lang ba? Huwag mong pwersahin ang sarili mo. Humiga ka muna" aniya

"J-Jungkook. Anong nangyari? Ang alam ko lang nawalan ako ng malay"

"Tumawag ako ng doktor kaya ayan. Buti nga at dumating din agad siya"

"Salamat pala. By the way, anong sabi ng doktor? Ano daw ang nangyari? Bakit daw hindi ako makahinga?" Tanong ko

"Hindi daw masabi ng doktor ang sakit mo. Kailangan mo pa daw magkaroon ng regular check-up para malaman. But he said that you need to take a lot of rest kasi pagod daw ang katawan mo at maaari ka pang mabinat" tumango tango naman ako. Sana naman hindi malala to at sana naman nga makapagpahinga ako at hindi ulit ako utusan ng magaling kong ina.

"Kamusta ang Korea?" Tanong ko. Ngumiti siya ng konti at yumuko. Luh? Anyare dun? Corny ba sa Korea?

"Ayos lang" Seriously?

"Ayos lang? Eh bakit mukha kang nalugi at parang pinagsisisihan mong nagpunta ka sa Korea?" Hirap namang magsalita gawa ng oxygen mask na to. Buti naiintindihan niya ako.

"Ayos lang nga.. Yun na yun" bakit parang may iniiwasan siyang sabihin sakin

"Ikaw nagsabi niyan ha. Bahala ka" kibit balikat kong sambit. 

"Kamusta na ang pakiramdam mo? Bakit ka nga pala nagkalagnat? Ano bang mga pinaggagagawa mo ha?" Tanong niya. 

"Eh kasi naman, may pinagawa si mama. Tapos edi nung isang gabi, nasa company ako ng isa sa mga investors, naulan tapos wala akong payong. Kaya tinago ko yung mga papeles sa loob ng coat ko kesa naman mabasa yun eh mas mahalaga pa yun sa buhay ko no" kwento ko at umirap dahil sa konting inis.

"Ano?! Kailan pa naging mas mahalaga ang papeles sa buhay?!" Kunot noong tanong niya

"Matagal na. Simula nung pinanganak ako" tinanggal ko na yung oxygen mask.

"Aish! Why did you remove it?"

"Because I want to! Duh!"

"By the way, may charger ka? Sira yung akin eh" aniya at iwinasiwas ang phone niya sa harap ko. Aahh, kaya pala hindi siya nasagot kasi lowbat siya.

"Hanapin mo dyan banda sa may closet ko yung maliit na parang treasure box. Nandun yun" sinunod niya naman ang ko. Pero parang napatigil siya at kumunot ang noo niya.

"Anong ginagawa nito dito?" May halong inis na tanong niya at pinakita sakin ang isang litrato.

"Ibalik mo yan dyan" tiim bagang kong sambit

"Bakit? Hindi ba pwedeng itapon nalang?" Salubong na ang kanyang kilay. Nakakatakot siyang tingnan kapag ganyan pero hindi ako magpapatinag.

"Kung pwede ba satingin mo nandyan parin yan?" Inis kong tanong at bumango sa kama. Leche! Hindi ako makalapit sa kanya gawa ng dextrose!

"Pero akala ko ba move on na? Bakit nandyan parin yan?!"

"Bakit ka ba nagagalit ha?!"

His LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon