chapter 9

91 9 42
                                    

Chapter 9: The reason
Jungkook's POV

Pasko na, ngunit hindi kami masaya. Sino ba namang magdidiwang kung ooperahan naman si Layla?

"Fighting!" nakangiting wika ni Layla

"Yeah, fighting!" wika ko rin. Ngumiti naman siya at tinapik ang balikat ko

"Geh, ipapasok na nila ako sa operating room. Ingat kayo lagi ha" wika niya at isa isa kaming tiningnan. Lumapit naman si tito at tita sa kaniya.

"Ikaw din anak, ingat ka" wika nilang dalawa at niyakap si Layla. Yumakap naman ito pabalik sakanila. Nang humiwalay sila sa isa't isa ay sumenyas ito sakin na lumapit ako sa kanya. Lumapit naman ako. Hinigit niya ako at niyakap. Niyakap ko naman siya pabalik.

"Saranghae, Ilong" aniya at hinalikan ako sa pisngi. Hinalikan ko naman siya sakanyang noo.

"Nado saranghae" wika ko

"Ingat ka din lagi ha?" aniya. Tumango nalang ako

Inilabas na si Layla sa kwarto at sinundan ko naman iyun. Nasa tabi niya lang ako habang papunta kami sa operating room.

"Jeon Jungkook!" napatingin naman ako sa tumawag sa buong pangalan ko na pawang galit na galit. Napakunot naman agad ang noo ko.

Si Armiel...

"Diba sabi ko sayo panagutan mo ako?!" galit na wika nito

Naramdaman ko namang hinawakan ni Layla ang kamay ko. Ngumiti ito sakin pero may luhang tumulo mula sa mga mata nito.

"No! Hindi ako ang may gawa nun kay Armiel!" wika ko

"I guess this is goodbye. Farewell..." naluhang wika nito bago tuluyan siyang pinasok sa operating room. Napasuntok naman ako sa pader bago hinarap si Armiel. Hinigit ko ito palabas ng ospital. Pagkalabas namin, binitawan ko ito.

"Anong ginagawa mo dito?! Diba sinabi ko sayo na hindi ko pananagutan yan dahil hindi ako ang ama niyan! Tigilan mo ako!" galit kong singhal sakanya

"No Jeon Jungkook! There's no way out" nakangising wika nito. Magsasalita pa sana ako pero may tumapik sa balikat ko.

"Jungkook, iho, tama ba ang narinig ko? Hindi mo pananagutan ang anak ko?" kilala ko ang boses na iyun. Si Mr. Oh, ang ama ni Armiel...

"Mawalang galang na po, pero hindi po talaga ako ang ama ng dinadala ni Armiel. May asawa na po ako at wala akong balak na iwanan siya dahil lang sa kasinungalingan na ito" matigas kong sambit

"Hindi ba talaga ikaw? Eh ano to?" Pinakita niya ang litrato namin ni Armiel sa bookstore. Pero ang hindi ko inaasahan, may picture doon pa na inihiga ng isang lalaki si Armiel sa kama sa isang hotel ata iyun. Hindi ako iyun!

"Opo, ako ang nasa litrato na isa pero hindi ako ang nasa litratong nasa hotel siya" wika ko

"Huwag ka ng mag-deny Jungkook. Tatakbuhan mo ba talaga ako?" masama kong tiningnan si Armiel. Anong tatakbuhan?! Hindi nga ako ang ama niyan!

His LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon