Chapter 12: Favor
Layla's POVNagising ako dahil sa alarm ng cellphone ko. Pero pagkamulat palang ng mata ko ang sama na ng pakiramdam ko. Agad naman akong napabangon sa kama at tumakbo papuntang cr. Hindi ko alam kung bakit pero nagsuka ako.
"Layla?" rinig kong tawag sakin ni Yoongi. Bumangon siguro siya at hinanap ako. Nadatnan niya akong nakaluhod sa may toilet at nasuka. Ramdam kong lumapit siya papunta sakin.
"Anong nangyayari sayo? Ayos ka lang ba?" alalang tanong nito. Finlush ko ang toilet bago tumango sakanya. Nagmumog ako.
"Ayos lang ako. Morning sickness lang siguro to" nakahinga naman siya ng maluwag.
"Matulog ka na muna ulit. Gigisingin nalang kita kapag nakaluto na ako" tumango naman siya. Nagtoothbrush muna ako bago bumaba at nagluto. Matapos kong magluto ginising ko na si Yoongi at kumain kami. Ayaw ko sanang pumasok pero may reporting kami sa Science ngayon.
Matapos naming maghanda naglakad na kami papuntang school. Tahimik lang kami habang naglalakad. Pagdating namin sa school madami ng estudyante. Sinalubong kami nila Namjoon. Nagrereview nga sila eh at isa iyung himala.
"Layla, ayos ka lang? Parang namumutla ka eh" puna ni Jin. Tumango lang naman ako at nagpatuloy sa pagbabasa. Maya maya pa dumating na din sila Jungkook at Armiel. Binati nila si Jungkook at nakipagharutan na din sila. Masamang tingin naman ang ipinukol sakin ni Armiel. Inirapan ko lang naman siya. Naghabulan naman sila Jungkook. Nasa field pa kasi kami. Sarado pa ang room. Sa sobrang harot nila nadali pa ako ni Jungkook.
"Sorry" aniya. Umirap lang naman ako. Maya maya pa lahat sila naghahabulan na. Kami nalang ni Armiel ang nakaupo at nagbabasa.
"Stay away from my husband" pagbabanta sakin ni Armiel. Hindi ko naman siya pinansin. Parang nalutang ang ulo ko. Lalapit sana siya sa pwesto ko kaya tumayo ako. Pagtayo ko naman parang umikot ang buong ulo ko at muntik na akong matumba. Buti nalang may nakahawak sa balikat ko.
"Okay ka lang?" ah si Jungkook pala.
"Oo. Yoon-Yoon! Pupunta lang akong cr" tumango lang naman si Yoongi. Nagsimula na akong maglakad papuntang cr habang nakahawak sa sentido ko. Bakit ba ganito??
Pagdating ko sa cr dumiretso ako sa isang cubicle at nasuka. Mga ilang minuto ang tinagal ko doon. Paglabas ko ng cubicle, nagulat ako ng may sumipa sa likod ko. Makakatayo pa sana ako pero ang dulas ng sahig kaya natumba ako at tumama ang ulo ko sa sahig. Bago ako pumikit ay nakita kong nakangisi siya sakin. Then everything went black.
Yoongi's POV
Nagbell na at lahat pero hindi parin nabalik si Layla.
"Armiel, nakita mo ba si Layla?" tinanong ko siya kasi nakita kong sinundan niya si Layla kanina. Hindi maganda ang kutob ko sa babaeng ito.
"Nasa cr pa ata? Hindi ko naman siya nakita sa cr kanina nung nag-cr ako eh" ani nito pero hindi ako nakumbinsi. Sinenyasan ko sila Jimin na sumunod sakin. Susunod din sana si Jungkook pero pinigilan siya ni Armiel. Nakakainis na itong bitch na to eh.
"Pabayaan mo nga si Jungkook. Malaki na siya at alam niya na ang ginagawa niya. Halika na nga Jungkook" iritado kong wika at hinigit si Jungkook. Inirapan naman ako ni Armiel pero hindi ko na iyun pinansin. Nagpaalam kami sa teacher na may hahanapin lang kaming tao. Nung una ayaw pumayag pero nung sinabi namin na si Layla ang hahanapin namin, pumayag agad siya. Agad akong pumunta sa may labas ng cr.
BINABASA MO ANG
His Love
FanfictionI love her but I can't have her now. I should've enjoyed it while it lasts © Tuffytuff