Chapter 11: One Year
Layla's POVAfter 1 year
"Bilisan mo! Male-late ka na!" sigaw ko kay gluta. Nilagyan ko siya ng sandwich sa bag niya. Hindi pa yun nag-uumagahan. Tinanghali kasi siya ng gising. Patakbo na siyang bumaba ng hagdan. Agad niyang kinuha ang bag niya.
"Bye na. Huwag kang magpagod dito sa bahay ha?" ngumiti lang naman ako bago kumaway sakanya. Baka nagtataka kayo kasi hindi ako pumasok. First day palang naman. Katamad pumasok. Si Yoongi naman trip lang pumasok.
So yeah, it's been a year. Nakamove on na ba ako? Siguro (?). Mahal ko na ba si Yoongi? I don't know. Mahal ba ako ni Yoongi? I don't know. The answers were unsure up to now. Isang taon na ang nakalipas pero wala parin akong tungkol balita sakanya. Oh well, maano naman?
Sinimulan ko na ang routine ko. Naligo, naglinis ng bahay, pinakain at nakipaglaro kay Holly, nag-advance study, pagdating ng hapon nagluto na ako. Para malibang habang nag-iintay ako, kinuha ko ang gitara sa kwarto at nagstay sa veranda. Nagfingerstyle lang ako. Maya maya pa natanaw ko na si Yoongi. Parang itong batang nakangiti na natakbo pauwi. Anong nangyari doon at good mood ata?
"Layla!!!!" sigaw nito kahit nasa gate palang siya. Parang tuloy akong nataranta kaya bumaba agad ako. Pagbaba ko nadatnan ko siyang naghuhubad ng sapatos. Nang madako ang tingin niya sakin, tumayo agad ito at niyakap ako. Natigilan tuloy ako. Ano bang nangyari dito kay Yoongi?
"Hoy Yoongi. May sapi ka ba?" tanong ko sabay kapa sa noo niya at leeg. Tinanggal niya naman ang pagkapa ko sakanya.
"Loko to. Wala ah. Namiss ko lang asawa ko" agad namang nag-init ang pisngi ko. Hinampas ko siya ng bahagya.
"Hoy Yoongi! Hindi ikaw to! Nasan ang totoong Yoongi?! Yung nilalait ako?!" asik ko dito
"It's been one year Layla. Get a grip. Isang taon na tayo magkasama. I should treat you better. Don't worry. Mag-asawa man tayo sa papel kapatid ang turing ko sayo. Isipin mo nalang na parang kuya mo ako gaya ni Kix hyung. Wag kang ano, wala akong gusto sayo" wika nito
"Wag ka ding ano, wala din akong gusto sayo" napangiti naman siya.
"Gutom na ako saeng! Tara kain na tayo" inakbayan ako nito at hinigit ako
"Aray ko yung leeg ko!!" daing ko. Nagpupumilit akong makawala pero malakas din pala ang lokong to.
"Amoy pawis ka kuya! Let go!" kahit na hindi naman siya amoy pawis. Mabango parin nga siya eh. Umabot naman hanggang tenga ang ngiti niya ng tawagin ko siyang kuya. Pero sa hindi malamang dahilan bigla nalang itong sumimangot at tinanggal ang pagkaka-akbay sakin. Weird. Naghain nalang ako. Inasikaso ko siya dahil iyun na ang nakasanayan ko.
"Kamusta sa school? Magkaklase ba tayo?" excited kong tanong
"Ayos lang naman. Walang masyadong ginawa kasi first day palang naman. Magkakaklase tayo. Buti nga yun eh. Para matulungan mo ako sa homeworks" ngumisi naman si loko
"Grabe ka kuya ha!" nawala na naman ngiti niya. Ano bang problema ng glutang ito? Naging tahimik tuloy kami habang nakain. Minabuti ko nalang na hindi magsalita. Matapos kumain, ako na ang nagligpit. Tamad yang si Yoongi kaya wag ka na umasa. Nakipaglaro lang siya kay Holly.
BINABASA MO ANG
His Love
FanfictionI love her but I can't have her now. I should've enjoyed it while it lasts © Tuffytuff