Chapter 5: Going Away
Layla's POVMapayapa akong naggigitara nang may kumatok na asungot.
"Bakit?!" Sigaw ko
"Lumabas ka dali!" Ano bang meron? Itinabi ko yung gitara at binuksan yung pinto.
"Ano bang kai-"
SPLASH!
Buhusan ba naman ako ng tubig sa mukha. Buti at mukha ko lang ang nabasa kundi lagot talaga siya sakin. Tapos na naman ang aking period kaya naman game na din ako makipagbasaan sa kanya. Hindi pa ako nakakapagsalita pero tumakbo na siya.
"Peste ka! Yah! Bumalik ka dito!!" Sigaw ko at hinabol siya. Dumiretso siya sa backyard kaya naman hinabol ko din siya. Kumuha ako ng isang tabong tubig. Nang makalapit ako sa kanya ay ibinuhos ko din yun sa kanya.
"Ah ganon ha" aniya at binuhat ako.
"Waaahh!! Leche ka! Ibaba mo akoo!" Sigaw ko pero hindi siya nakinig. Pinaghahampas ko siya.
"Aray ko! Tumigil ka nga"
"Titigil lang ako kapag binaba mo ako!"
"Ayaw ko nga!" Nang mapagtanto kong papunta kami sa pool ay lalo akong nagpumiglas.
"Sinasabi ko sa'yo, huwag kang tatalon dyan kundi lagot ka talaga sakin!"
"Bakit? Anong gagawin mo?"
"Bubukulan ulit kita!"
"Edi bukulan mo" bigla nalang siyang tumalon sa pool kaya kumapit ako ng maigi sa kanya. Basa na tuloy ako- este kami! Hinawakan ko naman ang mukha niya at hineadbutt ulit siya.
"Aray! Bakit mo ginawa yun?!" Asik nito at binitawan ako, hinimas niya ang kanyang noo at hindi naman ako nabigo. Nabukulan ko ulit siya. Wahahaha!
"Sabi ko sa'yo bubukulan ulit kita kapag tumalon ka eh!"
"Oo na! Eto naman! Ang boring kasi wala akong magawa"
"Kung boring ka 'di mo naman ako kailangang istorbohin eh! Pwede ka namang maglaro nalang ng video games eh!"
"Eh pano naman kasi! Nakakulong ka lang sa kwarto mo. Malay ko ba kung anong nangyayari sa'yo sa loob at kung bored ka ba o hindi. Aish! Ewan ko sa'yo!"
"Ay weh? Yiiee! May pake siya sakin!" Pang-aasar ko
"Hanapin mo nga kung nasan"
"Aba peste to ah! Makaahon na nga!" Nagsimula na akong maglakad papunta sa gilid ng pool
"Sinong may sabi sa'yong aahon ka na ha?!" Bigla nalang niya akong niyakap patalikod at hinigit. Nagpumiglas naman ako kasi gusto ko nang umahon. Nakakaloka naman tong si Ilong! Parang bata jusme!
"Bitawan mo na nga ako! Aahon na nga ako sabi eh!"
"Ayaw ko nga!"
BINABASA MO ANG
His Love
FanfictionI love her but I can't have her now. I should've enjoyed it while it lasts © Tuffytuff