Note: Nagsimula po ang story bago piliin ang bagong reyna ngunit naipamahagi na ni Ynang Reyna Mine-a ang mga brilyante.
Ybarro's POV
Ito na ang araw na aking hinihintay! Ako'y mamamanhikan na sa pamilya ni Alena. May halong kaba ang aking nararamdaman ngunit bale wala iyon basta't mapapatunayan ko ang aming pagmamahalan.
Ako pumunta sa kaharian ng Lireo at doon ay itinungo ako ng mga kawal sa pamilya ni Alena. Ako man ay isang pangkaraniwang Engkantado lamang ay tunay ang aking pagmamahal sa kanya. Nang sila'y aking nasilayan ay ang una kong nakita ang nakakulay bughaw na kasuotan na binibini, siya ay sa palagay ko ang isa sa mga apwe ni Alena. Tunay nga na napakaganda ng lahi nila, ngunit ako'y nabighani sa ganda ng Ideya ni Alena, sa palagay ko'y may kakaiba akong naramdaman. Ngunit balewala ito, ako lamang ay namangha sa taglay niyang ganda. Ako'y sinalubong ni Alena ng isang halik sa pisngi. Ako'y umupo sa isang silya at doon ay kami'y nag-usap-usap.
Alena's POV
Dumating na si Ybarro! Sinalubong ko siya ng isang halik at kami ay nag-usap-usap. Aking ipinakilala si Ybarro sa aking mga apwe at ada. Sila ay nakinig ng mabuti habang ako ay nagkekwento. Ikinuwento ko ang una naming pagkikita, kung paano kami nahulog sa isa't isa at kung gaano namin kamahal ang isa't isa.
Amihan's POV
Dumating na ang sinasabing Ybarro ni Alena. Nagkatitigan kami sa mata. Siya ay makisig at may maamong mukha. Ngunit imbis na malugod ako sa nakilala ni Alena ay may iba akong nadama. Tila ako'y natulala sa kanya. Nagkuwento si Alena tungkol sa kanya, lahat ng kanyang sinasabi ay tumutugma sa kanyang panlabas na anyo. Sa tingin ko ay may iba sa kanya, hindi ko malaman kung ano ngunit ako ay naliligaw sa aking isipan. Ako'y nakatitig sa kanya magdamag, at mukhang siya rin ay nakatitig sa akin.
Ybarro's POV
Habang ipinakilala ni Alena ang kanyang mga apwe, aking nalaman ang ngalan ng binibini, siya si Amihan, napakagandang pangalan, tugma sa kanyang mukha. Lumilipad ang aking isip, tila ako pala ay nakatitig sa kanya. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso, parang may panganib na paparating. Ako ay nagpaalan muna kay Alena at kina Amihan para maglibot.
Amihan's POV
Habang nagkukuwento at nagkakatuwaan sila, ako ay tahimik lamang sa sulok at iniisip siya, tila di ko siya maalis sa aking isipan. Sa tagal ng titigan namin, maaring siya'y nailang kaya't umalis muna siya para maglibot. Ako'y nagtaka kung bakit naman siya maiilang sa akin, hindi kaya't pareho kami ng unang tingin? Nababaliw ka na Amihan, walang mangyayaring ganon.
Ybarro's POV
Ako'y naglibot sa loob ng palasyo, napakalaki, napakaganda. Ngunit ako'y tumingin sa labas, wala namang panganib na paparating, ngunit bakit mabilis ang tibok ng aking puso, tila may mali sa akin. Dahil ba sa kaba? Ngunit nawala na iyon dahil sa malugod na pagtanggap ng pamilya ni Alena sa akin. Mahabaging Emre, saklolohan niyo po ako, ano tila ang nararamdaman kong ito?
Ako ay bumalik sa kanila, napatitig ulit sa kanya. Mas lalong pang bumilis ang tibok ng aking puso, sa tingin ko ay may iba sa kanya, hindi ko malaman, at ayokong malaman. Sinubukan kong pigilan ang aking nadama na ito ngunit ito'y napakabilis at di ko na nahabol.
Amihan's POV
Siya ay bumalik. Ngayo'y sinubukan kong iiwas ang aking tingin sa kanya, ngunit ng napaharap ako sa kanya ng saglit, napapansin kong siya'y kanina pa nakatitig sa akin at tila malalim ang iniisip. Kung ano man itong aking nadarama ay wag na sanang ipagpatuloy pa para sa kabutihan ng nakararami.
Natapos ang pamamanhikan, ngunit nag-iba aura ng aming Ynang Reyna, tila siya'y may di kanais-nais na mukha. Tinanong ko ang aking ina "Ynang Reyna, tila di ka nasiyahan ngayong araw, ito'y bakas sa iyong mukha." Kanyang sinambit "Ybarro, maari mo ba muna kaming iwang apat nina Amihan, Alena at Danaya?" Ang sagot ni Ybarro ay "Masusunod, mahal na Reyna."
Ybarro's POV
Nang matapos ang pamamanhikan, may di kanais-nais na mukha ang ina ni Alena, siya'y tinanong ni Amihan at pinakiusapang iwan muna silang apat. Ako'y naglibot muna sa palasyo para madiskubre ang mga gawain ni Alena rito.
Alena's POV
Di nasiyahan si ina sa pamamanhikan, nakiusap siya kay Ybarro na iwan muna kami. Isinambit niya ang mga salitang ito "Alena, maganda ang inyong pagsasama, ang inyong pagkikita, ngunit di ko nagustuhan ang kanyang pag-uugaling pag-alis at pananahimik, ang pamamanhikan ay dapat bukas-loob siyang magkukuwento at makikisama sa atin, hindi manahimik at umalis." Ako'y gulat sa mga sinambit ni ina kaya't aking ipinagtanggol si Ybarro "Ngunit ina, hindi mo maaalis ang kaba sa kanyang isipan." Si Amihan ay sumabat sa usapan "Alena, pagpasok niya palang ay kitang kita na sa kanyang mata ang kasiyahang walang halong kaba at pag-aalinlangan." Aking isinambit "Wala kang karapatang sumali sa usapan namin ni ina lalo pa't wala ka namang ginawa sa mga pamamanhikan na ito kundi ang mga sinabi ni ina kay Ybarro!" Siya'y tumayo at sinabing "Ang lakas ng loob mong sabihin sa akin iyan, ngunit bakit kaya ako nanahimik at umalis? Dahil sa pananahimik at pag-alis ni Ybarro sa pamamanhikan na ito ay may dahilan, aking napag-isip-isip na baka hindi siya bukas-loob sa iyo" Masyadong masakit ang kanyang mga sinambit kaya't di ko napigilang sampalin siya at ako'y nagtungo sa aking silid at doon ay nagkulong.
Amihan's POV
Kinausap ng aming ina si Alena, di ko mapigilang di sumabat sa usapan at aking mga nasabi ang "Alena, pagpasok niya palang ay kitang kita na sa kanyang mata ang kasiyahang walang halong kaba at pag-aalinlangan." Hindi ko talaga napigilan ang sarili ko, di dapat ako magsasalita ngunit kusa na lamang bumuka ang aking bibig. Sinagot niya ako ng "Wala kang karapatang sumali sa usapan namin ni ina lalo pa't wala ka namang ginawa sa mga pamamanhikan na ito kundi ang mga sinabi ni ina kay Ybarro!" Di ko na napigilan ang aking sarili na magalit, "Ang lakas ng loob mong sabihin sa akin iyan, ngunit bakit kaya ako nanahimik at umalis? Dahil sa pananahimik at pag-alis ni Ybarro sa pamamanhikan na ito ay may dahilan, aking napag-isip-isip na baka hindi siya bukas-loob sa iyo" aking mga sinabi, kaya't ako'y sinampal niya at umalis siya. Hinabol ni Danaya si Alena at ang aming ina ay ini-upo ako sa silya habang ako'y lumuluha.
BINABASA MO ANG
YbraMihan | Worth The Wait
FanfictionDate Created: Nov. 26, 2016 Avisala mga Encantadiks! Ako gumawa ng isang storya tungkol sa YbraMihan. Ito ang storya ng dalawang Engkantado na nahulog sa isa't isa kahit sila ay nakakulong na sa isang puso. Hanggang kailan kaya sila maghihintay pa...