Danaya's POV
Aming nadatnan si Amihan na nakahilata. Nakita ko ang saksak na natamo niya habang si Alena ay naglaho at pumunta sa ibang lugar. Kitang-kita sa kanyang mga mata ang panghihina. Ako ay naiyak sa mga nangyayari, ayokong mawalan ng isang kapatid lalo na't siya ang di ko nakasama ng matagal. Niyakap ko siya at bumitaw rin para mabigyan ng pagkakataon si ina na mayakap si Amihan. Habang siya'y bumubulong sa amin ay rinig na rinig namin ang kanyang panghihina kaya't tumingin muna ako sa ibang direksyon upang di labis na masaktan ang aking puso.
Mine-a's POV
Nadatnan namin si Amihan na nasaksak at nag-aagaw buhay. Agad naming siyang nilapitan, niyakap siya ni Danaya kaagad kaya't akin munang hinaplos ang kanyang mukha. Napakasakit na ang dahilan pa ng pag-aagaw buhay ni Amihan ay ang sariling niyang kadugo. Siya'y bumulong sa amin dahil sa labis na kahinaan "Ina, Danaya, paki-" pautal-utal ang kanyang mga salita "pakisabi kay Alena na patawad na- inag- gaw k- si Ybarro sa kanya." at siya ay napapikit. Naiyak ako sa nangyari at niyakap ko ang kanyang katawan. Napasa niya sa akin ang brilyanteng hawak niya.
Hagorn's POV
Inutusan ko ang mga kawal na mag-aligid sa Lireo dahil aking nabalitaan na pipili na si Mine-a sa kanyang mga anak. Sila ay bumalik at ibinalita nila sa akin na napaslang nila si Amihan. Napakagandang balita na nawala si Amihan dahil siya ang nasa propesiya ni Cassiopeia. Ibinalita ko sa buong hathoria ang napakagandang balitang ito.
Cassiopeia's POV
Aking tinignan ang nagaganap sa Encantadia dahil ako ay nakaramdam ng hindi kanais-nais na panyayari. Nakita kong walang buhay si Amihan, aking isinigaw "Syeda!" dahil sa aking gulat. Nagpatulong ako sa aking mata kung ano ang dahilan ng pagkagapi niya. Si Ybarro, may misyon siya kay Ybarro, ang nawawalang prinsipe ng kahariang Sapiro. Siya ang magbabangon muli sa nawasak na kaharian.
Ybarro's POV
Nakita ko na nanghihina na si Amihan at tuluyan na siyang nawalan ng buhay. Sa labis na paghihinagpis ay bumalik na lamang ako sa amin. Habang ako ay pabalik sa aming kuta ay may mga nakalaban pa akong hathor, sa lubos na galit ay sinigawan ko sila at kinalaban ko sila ng todo. Silang lahat ay napaslang ko at nagpatuloy ako sa aking daan pabalik ng aming kuta. Sa aking paglakad ay nasa puso't isip ko pa rin ang nangyari. Hindi ko matanggap na kailangan pa akong papiliin kung sino ang aking ililigtas dahil silang dalawa ay nasa puso ko na nag-aalinlangan. Ako ay huminga ng malalim ngunit napaiyak pa rin dahil hindi ko ito mapigilan. Bago ako makarating sa aming kuta ay pinunasan ko muna ang aking luha upang hindi mahalata nila ama at Wantuk ang aking kalungkutan. Ako rin ay nagtamo ng mga sugat dahil sa labanan ngunit mas masakit pa rin ang sugat sa aking puso.
Nang bumalik ako sa aming kuta ay niyakap ako agad ni ama. Itinanong niya sa akin "Anak? Bakit tila malungkot ka?" aking sinagot "Ama, wala ito, kita niyo? Masaya ako!" kahit ito ay hindi totoo. Nagtungo ako sa aming silid para ibuhos lahat ng aking hinagpis. Sa labis na kalungkutan ay ako'y nakatulog.
Danaya's POV
Sa pagpikit ni Amihan ay sinubukan ko siyang gamutin. Inutusan ko ang aking brilyante na gawin iyon, ngunit ayaw nitong sundin ang aking utos. Inulit ko ito muli ng pasigaw at hindi pa rin nito. Mukhang tuluyan ng pumanaw si Amihan. Napaiyak nalang ako ng malakas. Dinala namin ang kanyang labi pabalik sa Lireo. Ngunit ilang oras na ang nakakaraan ay wala pa ring mga retreng sumusundo. Ngunit pabor ako roon dahil ito na ang huling araw na makakasama ko si Amihan kahit pa wala na siyang buhay.
Alena's POV
Sa aking silid ay nahiga ako sa aking kama at doon ay umiiyak. Hindi ko matanggap na ang alitan namin ang dahilan ng kanyang pagkagapi, napakasakit na isipin at napakabigat sa loob na hindi mo mapatawad ang isang taong nagkasala at namatay dahil sa iyo. Kinasusuklaman ko ang aking sarili dahil sa pangyayaring ito, ako ang dahilan kung bakit siya namatay na dala-dala ang bigat ng loob. Mahabaging Emre, nawa'y tanggapin mo si Amihan ng malugod sa Devas, at dalangin ko rin po kung nandyaan na po siya ngayon ay patawarin niya rin po ako sa aking pagkakamali.
Pagkatapos kong ilabas ang aking mga saloobin ay lumabas ako ng aking silid at nakita ko si Danaya na niyakap ako. Siya ay umiiyak, dahil sa kanyang pag-iyak ay naluha rin ako. Pinakiusapan ko si Danaya na itungo ako sa labi ni Amihan at iwan muna ako roon. Aking isinambit kay Amihan ang mga salitang ito habang emosyonal "Amihan, Ideya Amihan, patawad. Patawad sa aking mga naidulot na hinagpis sa iyo. Hindi mo alam kung gaano ako nagsisisi sa mga nangyari ngayon. Nagkaalitan na nga tayo kay Ybarro ay nagkaalitan pa tayo sa pagiging reyna. Hara, Ideya, ikaw ang karapat-dapat sa trono dahil sa kabutihan at pag-unawa mong aking ipinagsawalang-bahala. Patawad Amihan, e correi diu." at aking siyang iniwan at patuloy lang ang aking pagluha.
Danaya's POV
Ibinalita namin sa buong Lireo ang mga naging kaganapan. Nagdurusa ang buong Encantadia ngayon dahil sa pagkamatay ng tagapagmana, kailangan kong magpakatatag dahil ako nalang ang sandalan ni ina at Alena sa mga kaganapang ito. Masakit sa akin ang pangyayaring ito dahil si Amihan ang nagturo sa akin kung paano makipaglaban ng mahusay, naalala ko ang aming mga pagsasama, natibag ang mga nakapalibot na katatagan sa akin at tuloy-tuloy na lumalabas ang aking luha. Nang dumating si Aquil ay pinunasan ko agad ang aking luha. Ngunit ito ay kanyang napansin kaya't ako ay umalis na lamang at nagtungo kay ina upang damayan siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/91269994-288-k382319.jpg)
BINABASA MO ANG
YbraMihan | Worth The Wait
FanficDate Created: Nov. 26, 2016 Avisala mga Encantadiks! Ako gumawa ng isang storya tungkol sa YbraMihan. Ito ang storya ng dalawang Engkantado na nahulog sa isa't isa kahit sila ay nakakulong na sa isang puso. Hanggang kailan kaya sila maghihintay pa...